Chapter 63: Heart Transplant / Aftermath

1.8K 36 4
                                    

Paalala if di kayo malakas sa dugo huwag niyo papanoorin ang clip na naka-attach basahin nyo nalang.

---

Kendrick

Nagulat ako ng nag flash ang red light at narinig ang boses ng kung sino mang nasa broadcasting room ng ospital. Kinabahan ako i'm not used to doing surgeries lalo na transplant na ganito, dito ako bumabagsak nung internship days ko pa. Di ko alam kung kakayanin ko.

"Doctor Lim, this way po" sabi nung nurse matapos kong magpalit ng scrub suit at magsterilize.

"Ken kung hindi mo kaya ipasa mo kay Dr. Sarievo" sabi ni Thunder.

"Gago, ako ang tinawag ako ang gagamot" sabi ko at pumasok na sa operating room.

Ready na ang mga gagamitin pero kinakabahan pa rin ako during this process totoo ng tao ang ginagamot ko hindi na dummy body lang from somewhere.

"Dr. Ken, ready?" Tanong ng head nurse.

Tumango lang ako at yumuko para mag pray sandali hoping maigawa ko ng maayos ang operasyon na ito.

Nagsimula na ang timer at kita na rin sa glass window si Dr. Sarievo, si Papa at si Thunder.

"S-scalp-pel..." hindi ko nagugustuhan ang lumalabas sa bibig ko ngayon, nanginginig ako at iniabot naman ng nurse sa akin yung hinihingi ko.

Ilang minuto na ang lumipas at sinundan ko na lahat ng napag aralan ko nabuksan na ang dibdib ng pasiyente pero may nalimutan ako , di ko alam kung paano tanggalin ito.

Konting pagkakamali lang mamamatay ang pasyente. Pumikit ako sandali dahilan para magpanic ang team ko. Di ko matandaan kung paano.

Isip Ken.

Isip Ken.

"The arteries ken tignan mo ang arteries"

Gumalaw ng kusa ang mga kamay ko sa narinig ko sa utak ko nagtagumpay sa pagtanggal sa pusong may depekto.

Nakahinga ng maluwag ang mga nasa operating room, pero meron pa ito ay ang pagkakabit ng panibagong puso na nasa lalagyanan. Nagsimula ako sa kung anong ginawa ko kanina, pinagkonekta ang dapat ipagkonekta.

Naramdaman kong gumagalaw ang pasyente ng kaunti mukhang kulang ang naiturok na anaesthesia sa kanya. Nagmamadali sila at tinurukan muli ng anaesthesia tumigil ang paggalaw ngunit pilit na bumabababa ang heart rate sa monitor.

Nailagay ko ang puso na kapalit, at natahi na rin naman ang lahat di pa masasabing tagumpay ang operasyon dahil sabi ay malalaman sa loob ng ilang oras kung nagstable ang heart rate dahil paalon alon ito.

Lumabas ako ng operating room ramdam ko ang tingin ng mga tao, ngayon ko lang naramdaman na parang na judged ako sa ginawa ko. Di ako sumunod sa patakaran ibang method ang ginamit ko para mapabilis at mapanatiling maayos ang puso na ipapalit.  Hindi ko alam pero wala akong kumpyansa sa sarili ko ngayon.

Tinanggal ko na ang mask ko at ang gloves ko para makapagpahinga sa loob ng office. Kinakabahan ako sa magiging resulta, ilang oras nga ba?

Tumingala ako dahil ang bilis lang ng operasyon, kinakabahan ako na baka ang utak ko ay hanggang pang intern lang ngayon.

Kumain muna ako ng lunch para pansamantalang matanggal ang kaba ko. Nadatnan kong kumakain ang asawa ko kasama na si Thunder.

"Uy, Ken! Kumusta surgery?" Tanong ni Thunder pero di ko sinagot, hanggang dito ba naman sinusundan ako.

"Let him muna for now, Thunder kabado lang si Ken" sabi ni Celine.

"Mabuti pa kumain ka muna para mawala ang kaba mo" sabi ni Celine at inalok ang pagkaing nakatabi para sa akin.

"I figured you'd come to eat" sabi pa nito agad naman akong ngumiti pero panandalian lang dahil kinakabahan pa rin ako.

"Eat slowly" dagdag ni Celine at nagpatuloy sila sa pagdidiscuss ng kung ano ni Thunder.

Di man lang ako naapproach ni Dad pagkatapos, si Thunder umalis agad bago ko pa matapos ang operasyon. Di ko na talaga alam ang gagawin ko.

Matagal na nung huli akong sumabak sa surgery, puro paperworks at pagtuturo lang inaatupag ko nitong mga nakaraang buwan at taon na nagdaan sa buhay ko. Check ups, rounds, bukod don wala na top surgeon ako dahil in 30 minutes natapos ko ang isang surgery sa dummy body but that was 2 years ago during my intern days.

Oras ang lumipas at nakatitig lang ako sa relo ko, anumang oras pwede akong tanggalan ng lisensya dahil may mali sa ginawa ko. Ipinatawag ako ni Dr. Sarievo para malaman ang resulta at nagpaalam na kina Celine sandali.

"Face them proudly, don't show them fear" sabi ni Celine at hinalikan ko ang aking asawa saka ako umalis ng canteen.

Umakyat ako sa office ni Dr. Sarievo.

"Dr. Lim." Banggit nito.

"You used a different method kanina i supposed alam mo ang protocol dito" sabi ni Dr. Sarievo.

Protocol na matatanggal ang sinumang di sumunod sa tamang pagoopera sa mga pasyente.

"Dr. Lim"

Kinakabahan na ako kaya kusa ng lumabas sa bibig ko ang lahat.

"Dr. Sarievo di ko sinasadyang baliin, nahirapan lang ako kinab-" pinutol niya ako sa pagsasalita.

"Dr. Lim what are you saying? You did a great job, you are really our young top surgeon yang method na yan delikado but you did it well. Have you consulted your father na ilipat ka nalang ng ibang department? Anyway, Congratulations Dr. Lim" sabi nito and i said goodbye with a painted shocked face.

Agad akong tumakbo sa canteen. Hinanap ko si Celine na nagiisa nalang ngayon.

Lumapit ako sakanya.

"How did it go?" She asked.

Imbes na sumagot tumingin lang ako sakanya at naramdaman kong tumutulo na ang luha ko.

"Uy, Ken why are you crying?" Tanong nito at niyakap ako.

"I did it! I saved the patient, Celine" sabi ko.

"Congratulations! I'm proud of you Ken.. hardwork pays off" sabi nito.

"Thank you for believing in me, Celine"

"Wala yun" sabi nito.

The day ended like usual, saved ang pasyente masaya kami. Patuloy sa pagttrabaho.

Kinabukasan ay pinatawag ako ni Dr. Jimenez.

"Dr. Lim, i want you to stay in Kobe"

---------
Hello! This is an early holiday gift for me, Happy 311,000 reads! Bilang pasasalamat abangan ang next chapter.

Please do watch the clip na nakaattached because para maintindihan niyo ang Heart Transplant thingy and gaano ito ka crucial.


I'm Married to My ProfessorWhere stories live. Discover now