Chapter 39: Their Journey To Japan

3.5K 69 4
                                    

Dapat talaga po ay back to back chapter sana kaso, di kinaya ng oras talaga eh.

Pakinggan niyo po yung kanta sa video. Disney feels :)
---

Kendrick

Nang mabalitaan namin na wala ng sakit si Thunder agad kaming nagplano ng isang selebrasyon di naman magarbo pero sa Tokyo, Japan ang pinili naming lahat sina Sarang kasi di muna babyahe at sasama dahil babawi si Cosette sa Daddy niya.

Umaga ng maisipan kong mag book ng byahe papuntang Tokyo. Ako, si Celine, Daniella at Thunder kaming apat lang ang sumama dahil hindi pwede ang buong barkada.

10 pm ang flight namin papuntang Tokyo, medyo malalim ang gabi.

Umuwi na ako at nag impake na kami halos ilang oras lang nakakalipas bumyahe na kami papuntang NAIA para sa flight namin.

"Ready na?" tanong ko kay Celine, "Oo naman!" sagot nito bakas sa mukha ang saya parang bata nakarinig lang ng Disney sumunod ng dumating sina Daniella at Thunder ready na rin ang mag asawa kaya pwede ng magsaya dahil nalaman namin na wala ng sakit si Thunder.

"Tokyo Disney! Here we come!" sumigaw si Thunder at sumenyas na magpakuha ng picture.

9:45 pm ng simulang paakyatin sa loob ng eroplano ang mga pasahero, Business Class kami kaya may luxury ang mga upuan wala na kasing murang flight papuntang Tokyo lahat fully booked na Business Class lang ang halos walang nagboboard na pasahero. Umupo na kami sa mga designated na upuan tabi tabi naman kami pero may pagitan lang masaya kasi eto yung unang beses na makakasama ko si Celine sa ibang bansa nung mga nakaraan kasi si Lyka o di kaya sina Thunder at Arvin lang ngayon siyempre iba na.

"Baby, natatakot ako tumingin sa baba" sabi ni Celine, hindi ko namalayan na nasa ere na pala kami kitang kita ang Manila sa ere.

"Sumilip ka lang, sayang walang araw maganda pa naman pag may araw" sabi ko at nakatingin lang sa magazine na binabasa ko bawal naman kasi gadgets so magazine at iilang Medical Books ang dala ko.

"Baby naman eh" sabi ni Celine.

Kinuha ko ang kamay niya at nagpatuloy ako magbasa "Okay na?" sabi ko. Nginitian niya ako ibig sabihin okay na ang lahat sina Dandan at Thunder naman tulog ng magkayakap, ilang oras lang naman kasi byahe papuntang Japan pero syempre pagod na pagod na kaming lahat kaya natulog na rin ako.

Halos ilang oras lang tulog ko ng tapikin ako ni Celine nagsasalita na raw kasi yung F.A na malapit na sa Narita Airport.

Ilang minuto lang lumapag na kami at safe ng nakalabas ng eroplano, habang naghahanap ng taxi na pwede kaming ihatid sa isang hotel malapit sa airport.

Halos lahat kami may jetlag sa byahe parang umiikot ang paningin ko pero ayos lang naman. Malamig ang simoy ng hangin sa Japan di alintana yung mga nakabukas pang ilaw sa daan. Naramdaman ko ang tapik ni Celine sa likuran ko.

"Baby, tulog na tayo bukas nalang yang iniisip mo" sabi nito.

Siguro nga eto na ang pinaka masayang araw na mangyayari sa buhay ko at naming apat. Sana maging maganda ang mangyayari sa paggising ko bukas.

To Be Continued.

------

Chapter 39.1: Tokyo Disney Sea Part 1 on Tuesday!

I'm Married to My ProfessorWhere stories live. Discover now