Chapter 50: Sunrise and New Beginnings

2.4K 39 0
                                    

A/N: Hello! It's been a nice week for us because I'm Married To My Professor had been consistent on the ranks. It is really my pleasure to write and of course to give you satisfaction and "kilig" too!

----
Nagpatuloy ang kanilang kasiyahan bagamat halos madaling araw pa rin naisipan pa din nilang magkaroon ng gagawin pagbukang liwayway at yun ay ang tanawin ang sunrise ng magkakasama.

"So mga anak, kumusta ang pananakot spree?" tanong ng Mama ni Ken.

Halos di nila mapigilan ang tawa saglit dahil sumama na naman ang tingin ni Ken at Thunder.

"Anong balak ninyo? Alas tres palang ng madaling araw buhay na buhay ang mga dugo ninyo" sabi ng Mama ni Ken.

"Sunrise, Ma magandang panoorin ang Sunrise ng sama sama mamaya" sagot naman ni Kendrick.

Bagay na ikinatuwa ng lahat.

"Come here guys!" Ngiting dagdag ni Kendrick.

Lumapit naman ang lahat.

"Thankful kami ni Celine na sumama kayo dito sa Baguio, at lahat kami proud kasi lahat tayo okay na at magkakasama sama pa rin. Huwag na tayong mabubuwag parang awa niyo na mga tol, at mare" sabi nito.

"Naiiyak ako, by" sabi ni Celine at yumakap kay Kendrick.

"Naiiyak din ako Daniella huhuhu" sabi ni Thunder at akmang yayakap kay Daniella pero nakatikim ito ng sapak.

"Ano ba!? Parang di ka asawa" sabi ni Thunder at tinignan lang siya ng nakakatakot ni Daniella.

Hindi naman kasi sila touchy sa public pero alam naman nating mahal nila ang isa't isa kahit anong mangyari.

"Nagpapasalamat din ako, Ken dahil tinanggao niyo pa rin ako sa barkdang ito kahit sa napakaraming kamalian kong nagawa sa inyo" sabi naman ni Yura at ngumiti ang lahat.

Barkadahan nilang kailanman hindi mabubuwag maski anong problema ang kaharapin nalalamapsan nila.

Alas kwatro ng magsimula silang mag impake ng mga gamit nila, dahil aakyat sila sa isang lighthouse na pag aari din ng mga Lim. Dito nila sasaksihan ang bukang liwayway.

Sa dami nilang pinagdaanang magbabarkada hindi alintana na lahat ay pwedeng magkaalitan, mapa-tungkol sa posisyon, pagmamahal o karapatan nagkakaalitan maski magkakampi sa lahat ng bagay. Ganyan siguro ang tema nilang lima na kahit magsuntukan hindi pa rin mawawala ang "Bro Code" na tinatawag nila.

Halos maubusan sila ng hininga paakyat ng lighthouse, may kataasan kasi ito na tinatayang 70 feet ang taas mula sa lupa. Sina Mr & Mrs. Lim ay umaakyat din dahil gusto rin nilang masilayan ang ganda ng buong Baguio. Tanaw kasi rito ang mga kabayahan sa Baguio at saktong sakto dahil buong buo mong makikita ang pagsinag ng araw.

"Andro, what do you think?" Tanong ni Eros.

"Sayang lang at wala sina Hades dito, bakit hindi pa kasi sila sumama sa atin maski si Cupid" sagot  ni Andromeda.

"Bro, you can also leave your problems here para di ka mabigatan" sabi ni Kendrick at tinapik ang balikat nito habang nakatanaw pa sa madilim na paligid.

Eros is known for being cold, sarcastic and full of seriousness they aren't used to a Eros Elijares na malungkot at puno ng problema. He is a good father to Sandra Ilayda and a good brother to Andromeda, what else?

"Konting oras nalang guys, sabay sabay ah isigaw ang mga problema para pagbaba wala na!" sigaw ni Kendrick

Pumatak na ang 5:29 ng umaga kaunting oras nalang magbubukang liwayway na.

5!

Sigaw nilang lahat

4!

Makakalimutan ko din

3!

Alam kong kakayanin ko

2!

Hindi ako panghihinaan ng loob

1!

Mamahalin kita habang buhay, Rie!

"Sana lumaking gwapo ang anak ko!"

"Mag kaanak na sana kami ni Daniella! Wooot wooot!"

"Sana hindi na kami mabuwag pa!"

"HINDI KAMI BIBITIW SA ISA'T ISA!"

Mga sinambit nila sa hangin ay napalitan  ng bagong simula, bagong simula na sana ay magkaroon ng pagbabago. Bagong simula para harapin ang kasalukuyan.

I'm Married to My ProfessorWhere stories live. Discover now