Chapter 65: First Day In Kobe

1.1K 28 4
                                    

A/N: Sobrang pasensya sa delays, i'm working on something these past few days. Sobrang clogged lang ang schedules but you know the drill. Mag uupdate pa rin ako kahit ganun.

This will be a long chapter. For now, listen to Moira Dela Torre's version of "You Are My Sunshine"

---

Kendrick

Matapos kong marining na ayos lang sa mag-ina ko ang lahat lahat. Minabuti ko ng tanggapin ang offer ni Dr. Jimenez, ang dami na kasing nangyari sa buhay buhay naming lahat.

Si Thunder nagtuturo na sa mga Med Students, si Arvin naman sa Math ng Senior High School sa St. Anne, si Ardee paminsan minsan nakikita kong naka duty sa ospital, Professors naman kami eh. May kanya kanyang flaws. Si Zeke nasa pedia na di na siya nagturo kasi mas gusto niyang mag focus sa pagiging doktor.

Lahat kami may degree sa medicine pero di lahat sa amin taos sa puso na maging doktor. Ako lang yata ang nagtagal, part time doktor part time professor.

Kaya nga nakilala ko si Celine di ba? Nakilala ko siya ng lubusan habang nasa klase pa, si Thunder at Daniella naman nagkakilala sa klase rin. Di ko nga alam kung bakit ganoon nalang parang ang dating namin ay "I'm Married To My Professor" yun bang napangasawa namin yung mga babaeng student namin. Pero don't get me wrong lahat ng yon panigurado may dahilan. Panigurado hindi lang kami ang ganito.

Dedicated kami sa trabaho, dami ng napagdaanan. Pero siguro oras na para ako naman ang tumupad sa pangarap ko. Ang laki ng takot ko nung binawi ni Dad ang lisensya ko sobrang kabado kasi akala ko katapusan na ng lahat ng pangarap ko pero nagkamali ako. Nagkamali ako kasi doon pala ang simula ng lahat.

Simula kung saan magbabago na pala ang buhay ko pagkatapos noon. Na hindi na pala ako magiging Kendrick na may masamang side pero yung Kendrick na malakas ang loob. Mataas ang pangarap at di sumusuko.

"Baby, malalate kana sa flight mo" nagulat ako at nabalik sa narinig ko kay Celine. Alam kong malungkot siya dahil di ko siya pinayagang bumalik. Alam kong mahihirapan siyang palakihin si Collin sa mga susunod na buwan. Isang taon akong mawawala, isang taon ko siyang di kasama.

Holidays lang ang magiging dates namin. Maninibago ako dahil hindi Pilipinas ang Japan.

"Hindi na kita mahahatid, baby ha ingat ka nalang sa flight mo. Make sure to message or call me when you get there" sabi nito, bakas sa mukha ang lungkot.

"Yes, i won't forget" sagot ko sakanya at hinalikan siya bago ako tuluyang umalis.

---










Lumapag na ako sa Japan at dumiretso sa Kobe, doon winelcome ako ng isang team na magsisilbing guide ko sa loob ng isang taon iginaya ko ang tingin sa loob ng ospital.

"This is your office, Mr. Lim" ani ng isang doctor na Japanese sa akin.

"I am Dr. Ayaka Shinohara, some calls me Shinohara-san or Dr. Aya" sabi nito.

Oo tama kayo babae ang doctor na ito.

"I'm Dr. Kendrick Benjamin Lim, nice to meet you Dr. Aya" bati ko.

"Well, it's up to you if you want to do rounds today or you will rest. Duty will start tommorow, you have a day to rest. By the way your unit is across mine so we can go home together.. Uh.. it's just near here so we don't need to take a cab. Hajimemashite Dr. Lim" at umalis na ito.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at dumiretso sa opisina at tinawagan si Celine.

"Baby, i'm here" sabi ko at umupo sa nakalaang swivel chair.

"Want me to sing? You look tired" sabi nito.

"Yes please" at ngumiti ito mula sa screen and then she started singing a familiar lullaby na laging kinakanta ni Mom sa akin.

You are my sunshine...

My only sunshine...

"Isang taon lang Celine"

You make me happy when skies are gray....

"I miss you"

You'll never know dear...

How much i love you...

"I love you"

Please don't take my sunshine away..

"Magkakasama rin tayo ulit, baby"

Sa panaginip ko masaya kami ni Celine, magkasama sa lahat ng bagay. Masaya sa bahay at sa iba ibang lugar pero alam ko paggising ko wala siya sa tabi ko. Haharapin ko ang ospital ng walang kakilala kundi ang sarili ko.

Ako lang. Isang taon lang. Isang taon lang.

I'm Married to My ProfessorWhere stories live. Discover now