Chapter 38: Thunder's News

3.8K 77 5
                                    

There is this good news i wanted to tell you guys! Keep reading and malalaman ninyo. Enjoy ! xx

Thunder

Kung tutuusin wala naman akong dapat ikatakot ngayon na kasi ang huling araw ko dito sa ospital alam niyo naman yung sakit ko at ngayon din lalabas ang resulta nung test sa akin at si Dr. Jimenez at Dr. Sarievo may ibabalitang maganda raw sa akin. Maganda? Asawa ko lang naman ang maganda eh, maganda ba yung walong buwan ka nalang mabubuhay? Nananadya ata sila.

"Kinakabahan ako sa resulta, baka sabihin nila mamamatay na ako" sabi ko kay Daniella.

"Sira ulo ka talaga, Dala ba yan ng dosage ng mga gamot mo ha?" sagot ni Daniella.

"Dan, let's be serious we all know this is fatal" sabi ko, alam ko naman kasi na pangit ang resulta at talagang di maganda.

"Thunder it's fatal pero wala ka bang trust sa taas? Come on nung kay Ken nangyari yung accident parang di ka mapakali lagi ka pang nasa church sana naman ngayon have faith. Please" sabi ni Daniella.

And i know na kailangan ko talaga ang tulong ng taas, nakaupo kami habang nag hihintay sina Kendrick daw parating na at ang iba pang barkada. Hanga ako sa kanila yung iba umuwi pa para lang marinig yung balitang sinasabi ni Dr. Jimenez at Dr. Sarievo. Kung ano man yun sana maganda ang impact sa aming lahat.

Ilang minuto lang ang lumipas may kumatok sina Arvin, Cosette at si Sarang na pinuslit lang nila dahil kakilala namin mga staffs sa ospital.
Sumunod si Ken at Celine, si Ardee at Yura si Zeke at si Krystal.

"Tol! Tiwala lang may awa naman ang taas" sabi ni Kendrick.

Sana nga talaga kung ano mang magandang balita yun sana sana ikatuwa ko din.

"Calm Down, Babe para ka namang ewan diyan" sabi ni Daniella.

"I can't and it's wrong if i do calm down" sabi ko sakanya.

May kumatok ulit sa kwarto si Dr. Sarievo.

"Thunder, i want to talk to you personally because this is a private matter pwedeng lumabas muna kayo?" tanong ni Dr. Sarievo.

"Sure, Sige Doc pero balitaan nyo rin kami ah" sabi ni Arvin at naunang lumabas at sumunod ang iba.

Nang makalabas na silang lahat tinignan ako ni Dr. Sarievo, sa totoo lang si Dr. Sarievo ay may pagka seryoso na comedy di ko alam kung tatawa ba ako sa iniisip ko o kakabahan dahil may ibabalita siya. Dapat kasi nandito so Dr. Jimenez kahit papano may maintindihan naman ako.

"Thunder, i just want you to know na nagkamali lang ng test si Dr. Jimenez i discussed this matter sakanya pero ang sabi niya ganun ang lumabas na resulta. You just keep feeling like you're ill dahil sa taas ng dosage ng mga gamot na iniinom mo which is not good for you. In short, you can live as long as you want but kailangang mo ring umiwas because hindi mawawala yang butas sa puso mo. But Thunder, okay ka ayan lang naman ang gusto naming iparating sa iyo" sabi ni Dr. Sarievo

"Doc? Si Dr. Jimenez nagkamali lang? Mabubuhay pa ako? Salamat Doc! I appreciate this truly." sabi ko

"Sa totoo niyan it was Daniella who came to me at pinaulit ang tests sayo she wanted to be sure and wala pang alam si Daniella dito kaya you can tell them mamaya" sabi ni Dr. Sarievo

Hindi matatawaran ang saya ko sa pagkakataong ito, hindi ako nagkamali na humingi ng tulong sa itaas.

Ilang minuto ng umalis si Dr. Sarievo siya namang pasok ng buong barkada, hindi ko alam paano ko sisimulan pero alam kong mas sasaya sila kapag nalaman nila.

"Guys!" tawag ko sakanila at mataman lang silang nakatingin.

"Nag run ng series of tests si Dr. Sarievo at ang resulta guys, wala akong sakit nakakaramdam lang ako ng sakit dahil sa taas ng dosage ng iniinom kong gamot" sabi ko sakanila. Halos di sila makagalaw pero unang nagsalita si Kendrick.

"Tol! Welcome Back! Wala ng iwanan to! Congrats!" sabi ni Kendrick.

Siguro , para sa akin magandang balita ito at syempre para rin sa lahat. Akala ko di ko na malalagpasan ang pagsubok na to pero ang itaas din pala ang gagawa ng paraan para malagpasan ko to.

Ang sarap sa pakiramdam ng wala ka ng iniisip pero mas masarap sa pakiramdam ang malaman na ang taong mahal mo ang siyang nagbigay ng pag-asa sa iyo.

Alas-singko ng hapon ng maidischarge ako sa ospital at nakita ko si Daniella na bitbit ang bag na naglalaman ng gamit niya.

"Ikaw yung nagsabi kay Dr. Sarievo?" tanong ko , tumingin siya sa akin at ngumiti. This girl never failed to make me realize na worth it ang pagpapakasal ko sakanya through bad and hard times nandiyan parin siya.

"Thank You, Babe. That's why i love you" sabi ko sakanya.

"Iloveyoutoo, Mr. Dela Merced" sagot niya.

Sometimes you just need to patiently wait for some miracle to happen and put trust above. He's not sleeping he is always watching and listening to our prayers.

---

So, i didn't like the idea of killing Thunder :) so ayan that's the good news and some Daniella-Thunder Moment everyone check out the picture.

I'm Married to My ProfessorDove le storie prendono vita. Scoprilo ora