Chapter 1: Celine And Kendrick

32.5K 491 15
                                    

Things happened so quickly i never thought i'll get married and much worst Professor ko pa, oo tama Professor ko siya. Kendrick Benjamin Lim he was not like this before napaka cheerful & happy niyang tao.

I was interrupted by Mommy's voice kung kailan maganda na panaginip ko about Ken nasira pa.

"Dear" pagtapik nito sa akin ng mahina.
"Bumisita lang ako to see what you and Ken are doing, mukhang nauna ng umalis ang anak ko sayo" sabi ni Mommy.

Too bad kasal nga kami pero di ko gamit ang apelyido niya sa papel lang kami, i know that it is an arranged marriage pero pumayag pa rin ako kasi alam ko naman sa sarili ko na mahal ko si Kendrick ng buong-buo.

"Alam ko, Mommy" sabi ko pagkatapos kong tumayo at inayos ang pinaghigaan ko.
"We all know na napipilitan lang naman si Kendrick di ba?" Sabay balik ko ng tanong kay Mommy saka ko siya sinundan at bumaba, bumalik si Ken kaya minabuti kong batiin siya.

"Good Morning!" bati ko sa kanya.

Biglang nagtama ang mga kilay niya sa inis, halatang ayaw na ayaw akong makita man lang sa umaga.

"Anong maganda sa umaga kung ikaw rin lang ang makikita ko, enough with your drama get dress and go to school kababaeng tao panay late, paano ka nakapasok ng med school sa sobrang tanga mo? Sineduce mo yung mga Professor mo? Oh oo nga pala" sabi ni Ken at saka binalik ang tingin sa susi niya at saka lumabas muli.

Nagpapasalamat ako at soundproof ang mga kwarto at walang naririnig si Mommy kung hindi di kami mapapatawad.

No one knows that this thing is happening between me and Ken, si Daniella at mga kaibigan lang niya nakakaalam ang ganitong setup namin.

Pag-alis ni Ken siya namang pagdating ni Daniella, sobrang hyper sa umaga at halatang itatanong naman uli si Ken sa akin.

"Hey, ang aga aga init ng ulo ni Kendrick makabagsak ng gate ninyo ha, anong nangyari sa inyo ni Papa Ken aber?" Sabi ni Daniella.

"Papa Ken? Damn? Yung gagong yun? Sinabihan ba naman akong sineduce ko  mga Professors ko susmaryosep" sagot ko kay Daniella.

"Gaga! Pumasok ka kasi kaya napagkakamalan kang pokpok eh" tawa nito.

"Go, di muna ako papasok ngayon hayaan mo siyang magalit diyan" sabi ko at umakyat sa itaas.

"Fine, ako bahala sa iyo friend may saltik yang asawa mo kahit kailan. Ingat ha!" Sabi nito at sumigaw habang palabas siya ng bahay.

At si Mommy naman nagpasya na ring umalis dahil na rin wala siyang magagawa dito. Lumipas ang ilang oras nakatulugan ko ang mga gawain sa bahay buti nalang at medyo malinis linis pa ng kaunti sa loob at di gaanong makalat sa kwarto.

Pagkagising ko mayroon agad na message from Kendrick.

From: Kendrick Lim

"You didnt go to school? Anong problema mo? Mag uusap tayo pag uwi ko"

"Celine! Si Daniella pumasok and you grabe ganyan ka ba katamad ha?!"

"Did you had your dinner already? Hintayin mo na ko"

Di ko namalayan at gabi na pagka basa ko sa mga messages ni Kendrick, nagdecide nalang ako ng Beef Steak sakto pagka tapos maluto ay dumating na si Kendrick. Normal, chill, walang "Kumusta araw mo, baby"

Pagka upo palang ni Kendrick kitang kita na sa mga mata niyang galit siya.

"Why didn't attend class today? Anonf problema mo?" Tanong nito in a stern voice.

"As if you care, Professor Lim" sagot ko sakanya.

Di na niya ako pinansin.

"Kumain nalang tayo" sabi nito.

Sa totoo lang napilitan lang si Kendrick sa bagay na ito, 2 years kaming kasal pero ni isang gamit na galing sa kanya walang naibigay sa akin. Ni isang "I Love You" wala pa akong narinig sa kaniya, kasi naman one sided love lang ito di ko alam bakit pinili niya ako kaysa kay Lyka na mahal na mahal niya baka siguro utos ng Daddy niya kaya ganito.

Napansin ni Ken na di ko ginagalaw ang pagkain ko, tahimik lang ako pero sobrang masakit rin kasi sa parte ko.

"Eat" utos nito.

"Wala akong gana aakyat na ako, sa taas nalang tayo magusap" sagot ko but he insisted and even shot a glare at me.

Pero bago ako umakyat lumabas ng kusa sa bibig ko bago ko ihakbang ang mga paa ko.

"Why did you chose me over Lyka?" i managed to ask.

"Naawa ako sa iyo" sagot nito habang hindi nakatingin sa akin.

Straight. Masakit.

Alam ko naman na yun na yung isasagot nya pero pinili ko pa rin na hindi maniwala pero masakit pala pag sa kanya nanggaling.

Nadatnan nya akong umiiyak. But i tried my best to hide it pero sabi ko napuwing lang ako. Dahil nga mag asawa nga kami sa iisang kwarto lang kami at siyempre ako nakaharap sa pader siya naman sa kabila.

Celine Serenity Lim  ang sarap sanang pakinggan kung hindi pilit yung binibigay niyang atensyon.

"Good Night" sabi ni Kendrick.

Di ko na sinubukan kausapin pa siya at hindi ko na rin pinilit na mahalin niya ako pero masakit pa rin pala.

Kailan niya ako mamahalin? Bukas? Ngayon? Mamaya? Ang sakit naman palang mamalimos ng pagmamahal.


I'm Married to My ProfessorDonde viven las historias. Descúbrelo ahora