Chapter 51: Yesterday

2.6K 37 2
                                    

A/N: I know you're all curious dahil ilang chapters walang show ang mga Elijares. Now you'll understand why, keep reading and don't forget to share the love.

------

Eros

"Daddy, kumusta na si Mommy Rie" nagulat ako sa tanong ni Ilayda, ilang araw na rin kasi akong walang balita sa kanya. Nakapatay ang phone walang sumasagot sa unit maski sa lugar kung saan siya nagttrabaho ni walang pasabi kung bakit umalis.

Wala akong natatandaang naging awayan o bangayan namin nitong nakaraan, isang mali ko lang alam kong ako agad ang hihingi ng tawag dahil alam kong may mali ako at di ko ipagkakaila iyon. Wala akong maisagot kay Ilayda hindi ko alam kung paano ko sasabihin na wala akong kaalam alam kung saan si Rie.

"Daddy? Daddy? You are spacing out" hinaplos nito ang mukha ko dahilan para ngumiti ako at yakapin siya.

"Stand up Ilayda, Daddy is going to school baka sakali nandoon ang Mommy Rie mo gusto mo bang sumama?" tanong ko at agad naman siyang tumango at tumungo sa loob ng cr at naligo.

At ako namang naiwang nagiisip sa loob ng kwarto.

Nasaan ka ba Rie?

Maya maya pa ay nakita ko na si Ilayda na nagbihis na at ako naman nagbihis na rin.

Mabilis ako magpatakbo ng kotse at sanay na si Ilayda dahil siya madalas ang kasama ko sa tuwing may lakad ako. Lumaking maganda si Ilayda na kahawig ni Katherine, si Katherine na alam kong nagbabantay sa amin at si Katherine na nagbuwis ng buhay para mabuhay si Ilayda.

"After school, Daddy will take you to Mcdonalds alright? We just need to find your Mommy Rie" sabi ko kay Ilayda at ngumiti ito sa akin.

Alas dose ng makarating kami sa school, halos hindi ko alam kung saan ako unang pupunta kung sa Architecture ba o sa Performing Arts kung saan madalas siyang tumambay kasama ang mga babaeng barkada niya.

"Guard, Si Rie ba nakita mo?" pagsisimula ko.

"Sir Eros hindi ho ilang araw ko na nga hong di nakikita si Mam Rie eh akala ko nga kasama ninyo" sagot ng Guard.

Ibig sabihin wala si Rie sa school, imposibleng alam ni Mama dahil walang alam si Mama.

"Nasaan ka na ba, Rie" sabi ko sa sarili ko.

Maya maya pa ay may tumawag sa akin. Si Rie.

/call/
Eros: Rie?! Nasaan ka ba?! BAKI---
Rie's Phone: Mr. Elijares SPO1 Hener Gonzales po ito.
Eros: Mr. Hener?
RP: Natagpuan po namin ang bangkay ni Rie Lauren Santillan dito sa may Baguio, ayon sa isinagawang imbestigasyon pinagsamantalahan ito at ninakawan pero hindi nakuha ang cellphone na nakatago sa kanyang damit. May mga gamit ho siyang naka pangalan sa inyo, pumunta po kayo sa presinto ngayon dito sa Baguio at para maidentify kung si Santillan nga ito. Maraming Salamat po.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig napaupo ako sa daan gusto kong sumigaw pero walang lumalabas sa bibig ko. Pinagsamantalahan?! Ginahasa?! Ninakawan?! Ang pinakamamamahal ko isang malamig na bangkay nalang?

"HINDI PWEDE! HINDI PWEDE! MAGBABAYAD ANG GUMAWA NITO SA BABAENG MAHAL KO! MAGBABAYAD SIYA! ISANG NAPAKALAKING GAGO AT HINARAP MO ANG ISANG EROS ELIJARES, HINDI AKO TITIGIL HANGGA'T DI KITA NABIBIGYAN NG HUSTISYA! HINDI! HINDI!" Inilabas ko ang galit ko sa labas ng eskwelahan si Ilayda, nakatingin lang sa akin at umiiyak din ito.

"Ilayda, calm down Daddy is not mad at you galit ako sa nagsamantala sa Mommy Rie mo! Sisiguraduhin kong hinding hindi na sisikatan ng araw ang pumatay sayo Rie..." nagpatuloy ako sa pag-iyak, niyakap ako ni Ilayda.

Hindi ko maramdaman ang katawan ko, nanlalambot ako sinuntok ko ang aspaltong daanan umiiyak at walang pag asa.

"SIR EROS! --- sir eros!" Awat sa akin ng guwardiya inilayo nila si Ilayda dahil di matahan sa pag iyak.

Pasensya na anak nakita mong ganito si Daddy, pinapangako ko sayo magiging masaya tayo dito babangon tayong dalawa.

-------

"Eros?" Tawag ni Andromeda.

"Gusto mo bang ishare yan? Pagbaba natin? Buksan mo yang puso mo Eros, nandito kami" sabi ni Andromeda.

Nagsimula ng tumulo ang luha ko na pinupunasan ni Ilayda, na kinalaunan naging iyak na. Masakit sa akin dahil sa pangalawang pagkakataon nawalan ako ng pinakamamahal na tao. Katherine, Rie hindi ko man lang kayo naipagtanggol pero aalamin ko kung sino ang may gawa sa iyo nito.

"Salamat" sabi ko.

"Bro, nandito kami pag usapan natin yan --hindi ka namin pababayaan" sabi ni Kendrick.

Nagkusa si Andromeda at niyakap ako nagsimula rin itong umiyak

"Kapatid kita, mahal kita nasasaktan akong makita kang sugatan, makita kang miserable nandito lang si Ate, Eros... hinding hindi kita iiwan tayo... tayong lahat pamilya tayo dito" sabi nito.

Kahit sandali nawala ang sakit, kahit sandali alam kong may nagmamahal pa rin sa akin.

Kahit sandali... gusto ko pang makasama si Rie.

Pero kakalimutan kita di dahil ayoko sa iyo ngunit dahil kailangan ko magsimula muli. Ipaglalaban ko ang hustisya mo, hahanapin ko siya. Pero ang alaala mo at ikaw kailangan ko ng bitiwan.

Mahal Kita, Rie sobrang mahal.

Hangggang sa muli nating pagkikita.

Nakaramdam ako ng hangin na malakas at alam kong niyakap ako ni Rie.

Nandito ka buhay sa puso ko.

Ngayon.

Bukas

At hanggang sa huling hininga ko.

---

I'm Married to My ProfessorTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang