Chapter 68: Celine In Kobe

1.7K 41 7
                                    

Celine

"Are you sure you are going to Kobe, Celine?" Tanong ni Daniella, na bakas sa mukha ang lungkot. Sa totoo lang baka kailangan lang naming mag usap ni Kendrick. Oo sinabi ko noong una na nasaktan ako at ayaw ko na pero deep inside alam kong hindi naman niya sinasadya.

Kaya gabi palang nagpabook na ako ng ticket to Japan, sabi ko kay Mama susundan ko lang si Kendrick sa Kobe pero wala siyang kaalam alam na nasa bingit na kami ng paghihiwalay ni Kendrick. Ewan ko ba.

"Oo naman, away naming mag-asawa to kami ang aayos" sabi ko. Magmula ng mangyari ang kay Anna inisip ko na baka naguguluhan lang kami sa mga bagay bagay ngayon torn between dreams and reality ika nga ng iba. Maski alam ng barkada ang nangyari pinakiusapan kong huwag muna nilang sasabihin kina Dad dahil alam kong papauwiin nila si Kendrick at tatanggalan ng lisensya at ayokong mangyari sa asawa ko yun.

"Pero friend, sinaktan ka nya" sabi ni Daniella.

"Dani, hindi yun e alam mo kung ano? Yung gusto ko maliwanagan ako bakit walang tawag, walang message at kung anong namamagitan sa kanila ni Dr. Ayaka" sagot ko.

"Eh pano friend pag sinabing di na kayo pwede"

"Ako mismo magpapawalang bisa ng kasal namin. Kilala mo naman ako Dani, marunong na akong lumaban ngayon" sabi ko at lumabas na ng bahay.

"Friend! Ingat ka!" Sigaw ni Dani at sumakay na ako sa Uber na tinawag ni Dani para sa akin at dumiretso sa NAIA terminal. Di ko rin naman alam kung saan sisimulan kung sakaling nasa Pilipinas si Ken, mas magandang makakapaghintay pa ako ng ilang oras.

Maski ang mga magulang ko walang kaalam alam na naman sa nangyari pero wala akong balak sabihin.

"Ma'am pwede na pong pumasok sa plane" pagsisita sa akin ng isang flight attendant kaya minabuti kong pumasok na. Ang upuan ko ay tabi ng bintana sakto para naman makapag vent ako kahit kaunti lang.

"May i sit beside you?" Isang familiar na mukha ng babae ang naalala ko sakanya.

"Sure" pagkasabi ko'y umupo agad sya. Maganda, siguro nasa 40s na ito may hawig sa Korean Actress na si Choi Ji Woo, yun bang Madam na Madam ang mukhaan, yayamanin ba.

"How are you, Mrs. Lim?" Tanong niya.

Nagulat ako.

"It's Dra. Francesca Pelaez the one who assisted the doctor who gave birth to you" sabi nito. Kaya pala familiar ang mukhaan.

"Kumusta ang may baby? Mukhang iniwan mo si baby ah. Looks like you're visiting Ken sa Hospital sa Kobe?" She asked. Tumango lang ako ayoko namang sabihing may babae si Ken kaya umoo nalang ako para wala na ring gulo.

"Good! That's where i am headed to, kaya i'm really happy pwede naman tayong magsabay papunta doon" sabi nito.

"Yes, Dra. Pelaez why not?" Sagot ko at nagseatbelt na dahil mag tatake off na ang eroplano.
















Nagising ako na nasa Japan na kami, buti nalang ginising ako ni Dra. Pelaez kung hindi ay ewan ko nalang dahil may uupo pa sa upuan ko. Bumaba na kami ng eroplano dala dala ko ang gamit kong pang limang araw. Ddramahan ko nalang si Daniella na sumunod sa akin tutal may 5-day syang walang duty sa St. Anne ready na rin naman ticket nya di ko lang sinabi sakanya main purpose ko rin kaya nag Kobe ako ay pumunta rin ng Tokyo para mamasyal di ko kasi nasulit noong nag Tokyo Disney Sea kami nina Daniella in celebration dahil di naman pala mamamatay si Thunder.

Nag instruct si Dra. Pelaez na mag check in muna ako sa hotel na napili ko kaya agad agad akong pumunta roon at iniwan ang mga gamit ko saka sumunod kay Dra. Pelaez sa Hospital kung nasaan sila Ken.

Ang totoo nyan ayoko pang harapin si Ken ngayon kaso talagang kailangan ko. Yellow button down top at skirt lang ang suot ko dahil ewan ko sabi kasi ni Dra. Pelaez ay dapat formal. Sanay kasi akong naka scrubsuit palagi noon.

Naabot namin ang malaking hospital sa Kobe doon nagttrabaho si Ken at agad agad kaming pumasok.

Sinubukan naming magtanong pero ang ilap ng mga nurses kaya minabuti naming libutin ang buong hospital muna since may pass naman si Dra. Pelaez dahil sa Pedia Department siya naka assign dito.

Nagulat ako ng magtama ang tingin namin ni Ken.

"Kendrick"
"Celine"

Yun nalang ang tangi naming nasabi.

I'm Married to My ProfessorWhere stories live. Discover now