Chapter 40 : Tokyo Disney Sea Part 1 (Kendrick and Celine)

3.7K 69 5
                                    

Hi Guys! Here it is Part 1 ng journey nila sa Disney Sea 💕💖

--

Kendrick

Maaga akong nagising kumpara sa gising namin ni Celine sa Pilipinas, madalas 8:30 ng umaga o kaya pinaka matagal na ang 10 am kami gumigising gawa ng may duty minsan sa ospital pareho.

"Baby?.." tawag ni Celine na nakahiga pa rin sa kama.

4:30 am na kasi yun at naninibago siya dahil may araw na sa labas.

"Kumusta tulog mo?" tanong ko sakanya at ngumiti ito , ibig sabihin maganda ang tulog niya di sya iritable kahit buntis siya.

Lumapit ako at umupo sa tabi niya at nagkusa siyang gawing unan ang mga hita ko.

"Nasa tokyo na talaga tayo no?" sabi niya. Napatawa ako habang hinahaplos ang buhok niya. Bata talaga.

"Oo naman, hindi naman Binondo lang to no" sabi ko sakanya.

Sa totoo lang ilang buwan na rin kasi siyang nagyayaya sa Tokyo, choices nga namin Hongkong at Tokyo pero alam kong mas sasaya siya kung sa Disney Sea. Kahit pa naman daw nung bata siya pangarap na niyang mangibang bansa para mag travel. Naisip ko bakit kaya di nalang siya nag-flight attendant kung gusto niyang pumunta sa ibang bansa.

"Tayo lang ba aalis ngayon?" tanong niya.

"Pagkakaalam ko oo dahil sina Thunder at Daniella pupunta ng Shibuya dahil sabi ni Daniella nandun ang Mama at Papa niya ngayong araw" sagot ko sakanya.

"Talaga? Sana pala pinapunta ko pa sina Mama at Papa dito" sabi ni Celine. Nag-iisang anak lang siya kaya malungkot kapag hindi niya kasama ang pamilya.

"Don't worry nandito naman ako, magiging masaya tayo sa Disney Sea" sabi ko at natulog ulit kami.

---

Alas onse na ng magising kami pareho, naligo na at nagbihis at dumiretso na sa Disney Sea. Kung titignan mo ang Disney Sea kahawig siya ng nasa Line Play na laro, maganda at nakakaattract talaga.

Una naming pinuntahan ang Mermaid Lagoon

Parang castle ni Ariel ng Little Mermaid, maganda at nakakaenjoy sa loob pero si Celine lang ang nag enjoy masyado kasing pambabae ang Disney Sea pero karamihan puro mga couples ang makikita mo pambansang dating themed park na yata ito dahil sa dami ng mga Hapon at Haponesang nagkalat.


"Uy yung mata mo gumagala" saway ni Celine sa akin.

"Grabe hawak mo naman ako eh" sagot ko sa kaniya habang papalabas kami ng Mermaid Lagoon, nakakatuwang isipin paglabas no Celine bakas sa mukha niya na sobrang saya niya dahil nasa Tokyo na siya.

Para naman sakin, ito ang masaya dahil nung nandito ako nung nakaraan hindi si Celine ang kasama ko kundi si Lyka, nakakapanibago dahil mas malakas ata ang kabog ng puso ng ko kapag si Celine ang kasama ko. Makita ko lang siyang ngumiti ang buong araw ko ayos na.

Naalala ko panga nun galing ako sa Tokyo at umuwi ako ng madaling araw dahil nga sa flight na nakauha namin ni Lyka. May dala akong tenga ni Mickey Mouse at isang ballpen na Disney. Binigay ko kay Celine pero bigla kong binawi dahil hiningi ni Lyka sa akin.

Hindi ko maiwasan na basagin ang dati kong sarili dahil sa mga katangahan ko kay Celine noon.

"Anong iniisip mo?" nagising ako sa katotohanan ng marinig ko si Celine.

"Lalim ng iniisip mo, tayo na kasunod oh" sabi niya ulit sa akin.

"Mr. Lim, focus!" sabi niya sa akin.

Oo na pinipilit ko naman na magfocus pero kasi nakakatuwa ang itsura ng asawa ko na ngayon lang nakapunta sa ganito.

"Sayang di pa natin kasama sina Thunder, saya sana" sabi ni Celine.

"Baby, si Dan at Thunder hayaan mo muna ganyan talaga yun" sabi ko sakanya.

Sumunod naming pinuntahan yung Teacup na ride.

Pinasakay niya ako at sumunod naman siya, nagisisisgaw siya habang pinapaikot ang rides. Mahilo hilo ako ng bumaba kami at naghanap ng mabibilhan ng Ice Cream Sandwich.

"Gutom na ako" sabi ni Celine sabagay mag gagabi na yung oras na yun.

"Maya maya baby, aalis na rin tayo nyan" sabi ko sakanya.

"Gabi na eh" sabi nito sa akin.

To Be Continued.

---

I'm Married to My ProfessorDär berättelser lever. Upptäck nu