Chapter 32: // Elijares Family

4.5K 67 0
                                    

Hi Wattpad Friends! At mga Ka-IMTMP! Let's push this hanggang mag million reads~ I owe you a lot readers and voters! And to everyone! Eedit ko na talaga mga mali. Maski naguluhan nung basahin ko.

--

Eros

"Eros , gising na may pupuntahan pa kayo ng mga kapatid mo ngayon diba? "

Narinig ko ang boses ni Mama na umaalingawngaw sa tenga ko , Oo nga pala ngayon pala araw ng paglipat namin sa St. Anne kung saan bago nanaman ang makakasalamuha ko. Ako si Eros Elijares pangatlo sa magkakapatid na Elijares.

Nagtataka kayo kung bakit nandito ako? Simple lang , magbasa kayo.

"Ma , Good Morning" bati ko sa aking ina nakasalukuyang nakangiti sa akin.

"Bumaba ka na , nakabihis na sina Andro ikaw nalang ang hindi" sabi nito at sinarado ang pintuan.

Dali dali akong naligo para na rin diretso alis na pagbaba.

"Eros! Bagal mo! " sigaw ni Andromeda sa pintuan ko.

Walang galang tong Ate ko eh -_- Wala siyang paki kung may makita man sakin o wala. Tibo ata.

"Oo na! Mahiya ka naman uy! Sandali lang , mamaya titiklop ka ang ggwapo ng mga Professor dun" sabi ko

"Eros Alejandro Ysobel Elijares! Mahiya ka din! Bilisan mo! " dali daling bumaba si Andro.

Nagmadali nako at bumaba , nadatnan kong masamang tingin ni Narcissus , nababakla nanaman siguro.

"Narcissus! Ano nanaman? " tanong ko.

"Wala naman , Kuya. Nagtext na si Rie Kuya patay ka" sabi ni Narcissus.

"Pagdating mo sa eskwelahan niya Kuya break na kayo " sabay tawa ni Hades

"Gago! Manahimik ka. " saka na ko umupo sa lamesa.

"Eros , desidido ka na ba talaga na Architecture ang kunin mo?" Tanong ni Mama.

"Oo , Ma. Alam ko namang magagalit si Kuya Cupid sakin pero hindi ko talaga gustong mag Medicine. " sabi ko.

"Di talaga ako papayag sana , kaso ginusto nya eh " sabi ni Kuya Cupid.

"Cupid , hayaan mo na tutal ito naman ang gusto niya ayoko namang hadlangan ang pangarap nitong maging arkitekto" sabi ni Mama sakin.

Nagpatuloy na kami sa pagkain , hanggang sa natapos na kami , maagang umaalis si Kuya Cupid sa bahay kami kami lang nina Hades , Ate Andro at Narcissus ang naiiwan sa bahay. Si Mama , nagttrabaho din yan.

"Daddy! " sigaw ni Sandra.

Si Sandra Ilayda Elijares , ang nagiisang anak ko.

"Daddy , papasok ka na sa school? Pwede ba akong sumama?" tanong nito.

"Sandra , sorry pero Daddy needs to go to school para mag aral. Promise pag uwi maglalaro tayo. Saka mamaya kasama ko si Tita Rie mo ayaw mo ba nun?" Tanong ko.

"Gusto po , kaya lang matagal pa bago ikaw umuwi" sabi ni Sandra.

Di ko naman matiis tong anak ko. Simula kasi ng mamatay ang Mama nya ako na nagalaga sakanya , ni hindi ko man lang nasilayan ang bangkay ng Mama niya.

"Anak , promise pag uwi ni Daddy maglalaro tayo sa ngayon kay Lola ka muna ha." Sabi ko sakanya.

Ayokong gawin sakanya yung ginawa ng Ama ko sa amin na iniwan nalang kami basta basta , ayokong maging isang walang kwentang ama para sa anak ko. Gusto kong mamuhay siya ng normal , kahit di kami kumpleto basta't ang alam ko kasama namin siya ni Mama at ng mga kapatid ko. Ayokong maging parang isang gagong lalaki na iiwan na lang sa isang tabi ang anak.

"Opo , Daddy. Promise mo yan ha pero pag pagod ka na , wag mo na pilitin ayos lang naman sakin yun eh. " sagot ni Sandra sa akin , salitang nakapagpangiti sa akin.

Sa totoo lang ayokong iniiwan si Sandra , pero dahil gusto kong tuparin ang pangarap ko na maging arkitekto gagawin ko. Para rin naman sa kinabukasan niya ito eh.

"Kuya Eros , tara na." Tawag ni Hades sa akin.

"Oh pano mauuna na muna si Daddy , pakabait ka sa work ni Lola ha. " bilin ko kay Sandra at niyakap ko muna sya at saka ako umalis.

Pagtungtong ko ng kotse.

"Wag kang mag alala, Kuya Eros. Magiging okay lahat. Wala naman may kagustuhan na mawala si Katherine ng maaga eh. " sabi ni Narcissus at ngumiti ako sakanya.

Nakatulog ako ng di ko namamalayan sa kotse , nagising nalang ako ng nasa St. Anne na kami at si Rie naghihintay na sa gate.

"Pasensya na , medyo traffic saka late na rin ako nagising" humingi ako ng paumanhin sa katamaran kong pumasok at gusto ko lang kasama ang anak ko.

"Naiintindihan ko naman Eros , bakit nga pala di mo kasama si Sandra? Iniwan mo nanaman yung bata" sabi ni Rie

"Di ko iniwan , baka mawala dito yun alam mo naman yun. Saka ayoko naman pagurin yung bata ang aga aga eh" sabi ko kay Rie at sabay sabay na kaming magsipasok ng school. At nakasalubong namin si Ate Celine.

"Ate Celine! " tawag ko sakanya

"Oh? Eros?! Ang aga niyo ah. Nakipag transact na si Cupid sa school. Pwede na kayong pumasok sa mga klase nyo puntahan nyo lang si Kendrick sa Medicine Department. Una na ko , Nice to see you Eros. " sabi ni Ate Celine at patakbong pumunta sa Canteen.

Habang naglalakad napansin naman naming si Kuya Kendrick ang naglalakad na nagbabasa ng Medical Book

"Kuya Kendrick" tawag ni Hades sakanya.
Napangiti ito at isinarado ang librong hawak at lumapit sa amin.

"Hi Eros , Hades , Narcissus and Andromeda. You must be Katherine?" Tanong ni Kuya Kendrick

"Ohh , Yeah. Sorry nawala sa isip ko. You must be? The Santillan Girl? " tanong nito

"Yes po" sumagot naman si Rie

"I thought it is Katherine , matagal na din pala kaming di nakakadalaw" sabi ni Kuya.

Yeah , Katherine Allienza Lannigan-Elijares , my first ever wife. Marriage on other part of the world requires a very young age , that's why. Kath died nang dahil sa panganganak , nung bumalik ako para i check siya bangkay na ang sumalubong sa akin. Apat na taon na rin ang lumipas ng iwan kami ni Katherine , pero sa nagdaang panahon masaya akong kasama siya , may nagpapaalala pa rin naman sa akin kung sino si Katherine sa buhay ko yun ay si Ilayda ang anak ko.

To Be Continued..

--

Kinapos! Haha. Sorry po :( Sa kadahilanang excited na ang ibang hahawak sa mga roles. Minabuti ko munang putulin. Mahaba na rin eh. See you on the next update.

*Katherine and Eros. At the side :)

I'm Married to My ProfessorWhere stories live. Discover now