Chapter 34.1

4K 71 0
                                    

Sorry , Guys alam kong parang out of the plot na pero , gagawin ko pa rin yung best kong ibalik ang IMTMP sa dati.

Kendrick

Hindi ako makapaniwala na isa na akong Tatay , syempre sino ba namang magaakala na ang isang tulad ko na babaero magkakaanak.

"Baby , edi kung lalaki yan may Kendrick Benjamin Lim Jr. na ako , kung babae naman Celine Serenity Althea Lim. Ang ganda diba?" sabi ko kay Celine na tuwang tuwa. Kung tutuusin napaka laking blessing na nito sa buhay ko , marahil ito na yung pinakamasayang pangalawang pagkakataon na natanggap ko mula kay Celine.

"Eh , Baby it's still a long way para malaman kung babae o lalaki to no" sabi ni Celine sa akin habang nakayakap ako sakanya.

"Kahit naman na matagal pa , syempre kailangan ng paghandaan hindi ba?" Nakangiting sabi ko kay Celine.

Bumaba kami para kamustahin ang mga tao sa bahay halos dalawang buwan na rin pala ang inilagi namin sa bahay na to na magkakasama ilang araw  na rin kaming nakaleave sa trabaho at sa school. Alam ko namang naiintindihan ng mga magulang ko kung bakit ganito.

Nadatnan namin sina Daniella at Thunder at sina Ardee , Zeke kasama si Krystal. Siyempre ang pamilya Quinto ay nakabakasyon din ngayon.

"Bestie? Anong mukha yan? Semana Santa? Hahaha. Joke" sabi ni Daniella.

"Oi , Dandan wag mo ginaganyan si Celine." sabi naman ni Thunder na halatang pinagseselos si Daniella na mukhang hindi apektado sa kinilos ng nobyo.

"Buntis ako." sabi ni Celine.

Nagmistulang mga rebulto ang buong tropa.

Daniella O_O
Thunder o_O
Zeke *0*
Ardee *_*
Krystal :3

"Wait whaaaat? Seryoso Celine?!" tanong ni Ardee , minsan ko lang talaga makitang lively ito ngayon lang simula nung pinaalis namin si Yura.

"Ardee para namang di ako nagsasabi ng totoo nyan eh" sabi ni Celine , hinayaan kong si Celine ang magpaliwanag dahil minsan lang yan maging open sa tropa.

"Besty?! Seryoso ka?!Ilang buwan na?! Nung niloko ka ba ni Kendrick buntis kana?!" sabi ni Daniella

Aba loko to ah. Wala pa naman akong nagalawa na babae bukod sa asawa ko , makasabi to akala mo. Hayys. -_-

"Hoy! Daniella Kate , wag mo akong igaya kay Pareng Thunder , ibang klase to niloko?! Kelan ko pa niloko asawa ko?!" sabi ko kay Daniella

"Hoy Lim! Bakit nagtataka ka pa?! Si Anto----" tinakpan ni Thunder yung bibig nya.

"Mahal , kontrolin mo bibig mo di maganda yan nagkalimutan na matagal na yun." kalmadong sabi ni Thunder.

Hahaha. Lokong to , sabi na eh pakindat kindat pa si Fafa.

"Guys , buntis nga ako ito oh proof" sabi ni Celine sabay labas ng Pregnancy Test sa bulsa na agad namang nilapitan ni Daniella.

"Oh My To The G! Buntis ka nga , Ninang ako ahh!" sabi ni Daniella.

"Ninong!" sabi ni Thunder

"Magiging tatay na ako. " sabi ko at tumawa ako.

Tumingin ang lahat sakin.

"Ako na naman?" sabi ko.

"Iniisip ko lang pre , paano kung lalaki edi gagaya sayo yun?" sabi ni Zeke

"Ugok! Anong gagaya syempre didisiplinahin namin ni Celine pinagsasabi nito." defensive kong sabi.

"Relak lang mga par." sabi ni Ardee.

Lahat naman kami masaya dahil madadagdagan kami ng isa sa barkada.

Lumapit si Thunder sa akin.

"Bro , congrats! Natupad na" sabi ni Thunder , Oo nga , naalala ko pa nung nagsosorry ako kay Celine sabi ko gusto kong magkaanak.

"Salamat Bro , natupad na nga" saka kami tumawa.

Kumbaga napalitan ng saya yung pinagdaanan ng kasal namin. Yung akala ko masisira na kami , pero hindi kami nabuwag kasi nagtiwala si Celine sa akin at yun ang pinakamagandang regalong natanggap ko ang mahalin ako muli ng asawa ko at ang pagdating ng isang biyaya galing sa Diyos.

---
Chapter 34.1 Finished. Ang tagal bago matapos ano? Hahahaha. Inip na ba readers. Konting push nalang malapit na. :)

I'm Married to My ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon