Chapter 41: Japan Trip

3.2K 49 0
                                    

Kendrick

"Oy! Tol! Sina Daniella wala dito" sigaw ko kay Kendrick.

"Tol naman ang aga aga eh, hayaan mo sila!" sagot ni Thunder.

Aba gagong to ah, akala ko ba mag eenjoy kami sa Japan eh mukhang epic fail pa ata.

"Tol! Maghahappy happy tayo sa Japan diba?" tanong ko sakanya habang tumatayo siya.

"Wag muna, Tol dito nalang muna tayo manood nalang tayo ng pelikula o kaya kung anong pwedeng panoorin dito" sabi ni Thunder.

What?! Ang old fashioned nitong lalaking to talaga.

Email From: Arvin Quinto

Pare. We are here sa Japan may bahay kami dito, Cossette insisted kasi na bumili ng unit dito. Malaki naman yung unit parang hindi nga unit sa sobrang laki. Kagaya ng nakikita sa Gangnam.

Pre, kung gusto nyo dito nalang tayo kasi sumunod na rin yung ibang tropa.

Pagkabasa ko ng Email agad kong tinawagan ang roaming number ni Arvin.

Arvin: Moshi Moshi.

Pre, Kendrick to. Di mo agad nasabi mukhang di kami pwedeng magcancel dito sa hotel eh.

Arvin: Pre, sayang naman eh namimiss na daw ni Cossette si Celine at Daniella baka pwede niyong sabihin na may biglaan kayong meeting or something.

Hindi ko lang alam, pre kung sakali babayaran nalang namin para makaalis agad. Hahaha alam mo naman ganun lang kalakalan.

Arvin: Oo nga eh, pero naalala ko lahat pala tayo nabigyan ng trabaho ni Headmaster ah. Research daw. Nakita ko na yung envelope kanina Spinocerebellar Ataxia eh.

Yun nga eh, hindi ko nga alam kung anong balak ni tanda kung bakit ganun clear naman sa atin at sa kanila na hanggang ngayon wala paring cure yun kahit magparehab ka pa o ano.

Arvin: Pag usapan nalang natin lahat pag nakarating na yung ibang tropa dito di rin maliwanag sa akin. Bawing bawi si tanda sa pagbibigay ng research porke on and off tayo sa University. Hahaha oh pano pre mamaya nalang

Sige pre, wala eh buhay doktor at propesor pinili natin eh.

-----call ended------

"Ano raw? Spinocerebellar Ataxia? Mukha ba tayong neurologist kay Tanda? " sabi ni Thunder

Ataxia? Degeneration Disease? Bakit sa aming lima pa?

"Ewan ko dun, sinusumpa na siguro tayo on and off daw kaso tayo sa trabaho at duty" sabi ko habang nakaupo sa katabing upuan.

"Isa lang ibig sabihin niyan kung ipagpapatuloy ni Tanda yan mapapaaga uwi natin, Tol! Ayoko pang umuwi ngayon lang ako mag sasaya" sabi ni Thunder.

"We have no choice, research lang naman sa ngayon sumunod nalang tayo" sabi ko.

Ilang sandali pa dumating na sina Celine at Daniella.

"Where have you been?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"We got a phone call kailangan nating umuwi ng Pilipinas. Sudden kasi may isang pasyente na nadiagnose daw na Spinocerebellar Ataxia" sabi ni Celine.

"What? Sinong tumawag?" tanong ko.

"Your Dad" sabi ni Celine

"Si Dad? Then?" tanong ko ulit.

"He said, Dr. Sarievo might be wrong sa pagdidiagnose so the Headmaster sended you copies to Research about it at kailangan na nating umuwi ng Pilipinas ngayon din mismo, we informed Zeke and Ardee pabalik na sila sa Ospital" sabi ni Celine.

How could he not know Spinocerebellar Ataxia? Ano na naman binabalak ni Dr. Sarievo?

"Why us? At kami pang lima ha? Nabigyan naman na siguro ng justice si Aya Kito na wala pa rin talagang lunas sa sakit na yun. Are they empty headed or something? " tanong ni Thunder.

"Don't get me wrong nagkamali din siya sa pagtukoy sa sakit mo diba, Thunder masyado ng nagiging kampante yan? Ano bang gusto ni Headmaster bakit tayo pa?" tanong ko.

"I don't know guys alam kong di pa tayo nakakamove on at nakakapag-celebrate ng maayos pero unahin na muna natin si Headmaster baka naman may something or baka malilipat na kayo ng posisyonthink about it guys, Please be professional okay?" sabi ni Celine.

Now we get it okay sana naman ito na yung hinihiling naming pag iiwas sa amin na magturo how i wish na ito na nga yun dahil para mas maging open kami sa profession namin.

"Okay then mag si impake na tayo at umuwi ng Pinas at kung ano man naghihintay sa atin dun bahala na" sabi ko at hinatak ang luggage ko sa ilalim ng kama.

Hindi ko alam kung ano na namang pakulo ito pero isa lang ang sinisigurado ko may nagkamali sa pagdidiagnose sa tao at ayaw iadmit na nagkamali siya.


-----

I'm Married to My ProfessorWhere stories live. Discover now