Chapter 46: Celebration Comeback + Engagement?!

2.8K 54 3
                                    

Hello! I had put 44 instead of Chapter 45 so here i am again back with this another push. I know you've been waiting for this to happen.

Click the video to hear the song play it while reading.

HUSH - BUBBLE DIA's COVER  

GOBLIN OST

---

Nakarating na sila sa S&R para mag celebrate lingid sa kaalaman nilang lahat kaya sinagot ni Ardee ang gastos dahil may plano siya sa araw na dumating si Yura. Palagi kasi silang magkausap ni Yura nung nasa California pa ito, kaya malamang ay nahulog na ang loob ng binatang doktor kay Yura.

Hindi alintana na sa kahit karamihan ng nagawa ni Yura at napatawad sya nina Ken at ganun din naman ang ginagawa ni Arvin at Cosette.

"Guys! Sagot ko lahat! Kain lang kayo" sabi ni Ardee.

"Yun oh sagot ni pards!" Sigaw ni Zeke.

"Namiss ko na talagang kumain ng ganito"sabi ni Celine na 2 months ng buntis.

"Hinay hinay lang di pa rin maganda yang mga kinakain mo" sabi ni Kendrick.

"Ang protective naman ni Manong Ken; sana may ganyan din ako"dagdag ni Daniella at sinamaan ng tingin si Thunder.

"Bakit kasi di pa kayo bigyan ng blessing, araw araw naman kayong sumusubok" sabay halagapak sa tawa si Kendrick.

"Huy! Tumahimik ka nga" bawal ni Celine.

"Bakit ba? Totoo naman ang akin lang gusto ko sabay sabay kaming magkababy tignan mo gusto ko na rin naman mag ka baby sarang ah" sabi  ni Kendrick.

Nagpatuloy ang asaran at ang lahat lahat at napunta ang attention kay Yura.

"So Yura anong trabaho mo sa California?" tanong ni Cosette.

"Guidance Councilor sa isang private school" sabi ni Yura.

"Woah! That's great gusto ko rin mag ganyan dati kaso di kaya ng brain cells ko math lang talaga ako" sabi ni Cosette sabay tawa.

"Di naman mahirap, madali nga eh parang ako si Cameron Diaz" sabi ni Yura.

"But Yura, i'm happy and i'm sorry that we send you off to California" sabi ni Cosette at lumapit kay Yura at niyakap ito.

Sila ang bestfriends talaga, hindi sila mapaghiwalay noon kaya lang hindi alam ni Cosette ang mga nangyari at alam naman na ang mga bagay sa nakaraan ay di dapat ungkatin pa.

"Guys! Ito na yung pizza sa wakas!" Sigaw ni Zeke.

"Masarap naman kaya?" Tanong ni Daniella.

"Huwag kang umaway sa pagkain Dani sige ka" sabi naman ni Thunder.

"Oo na po, boss alam ko naman na masarap yan dito kaya tambayan natin" sagot ni Daniella.

Nang matapos silang kumain ay minabuti nilang magpahinga muna habang inuubos ang ice cream na binili ni Ardee at nagin seryoso ang mukha ni Ardee ng tumunog ang pamilyar na kanta sa kanila. Ang kanta ay galing sa isang Korean Drama sa sa Korea.

"Uy teka pamilyar to ah di ba sa Goblin to?" Tanong ni Zeke.

Tumango lamang sila habang pinapakinggan ang kanta ng magsimulang magsalita si Ardee at tumayo sa sentro ng kanilang lamesa.

"Guys! Ano.. gusto ko kasi sana kayo ang unang makaalam matagal na panahon ko na rin itong pinag-isipan" sabi ni Ardee.

"Ano ba yon?" Tanong ni Kendrick.

Biglang lumuhod si Ardee at humarap kay Yura na ikinagulat naman ng dalaga.

"Huy! Tumayo ka nga dyan!" Bawal ni Yura.

"Hindi." Sagot naman ni Ardee na nakaluhod pa rin at nakatungkod ang isang paa.

"Let him be, sige na Ardee ready na mga cellphone namin para dito" sabi ni Kendrick.

"Yura Adelaide Encarnacion, i know this is too much to ask for but i love you and i want to marry you." Sabi ni Ardee.

"Ardee naman..." sagot ni Yura.

"So Yura Adelaide Encarnacion, Will you marry me?" Tanong ni Ardee na matamang nakatingin kay Yura.

"You don't need to ask that; tumayo ka na dyan! Yes! Yes! I will marry you!" sagot ni Yura ng nakangiti.

Ang magtropa ay nagsigawan sa saya damang dama ang bawat eksena dahil sa wakas ikakasal na rin ang isa sa mga kaibigan nila. Mula noon hanggang ngayon ang kanilang suporta sa isa't isa ay hindi nagbabago palaging nariyan kahit may hindi magandang nakaraan.

"Kumusta naman daw yung background talagang pang confession" sabi ni Daniella

At tumawa ang lahat.

"Kayo ha sinasabi ko na nga ba noon pa lang alam na naming may itinatago kayo, kayo pa e alam namin kayong basahin" sabi ni Celine.

Ngumiti si Yura at Ardee bakas ang tuwa at pananabik sa kanilang pag iisang dibdib.

Sana nga ay magpatuloy na ang ganitong eksena dahil hindi natin alam baka bukas ikakasal na sila.

Sabi nila may babalik at may mangiiwan pero kay Yura at Ardee may bumalik ngunit walang nang iwan.

-----

Character Views:

Kendrick: Ang sweet naman walang forever.

Ardee: Maging masaya kana lang tol! Ako naman ang sikat ngayon saka kana hiling mo kay Mama Author pag awayin kayo uli ni Celine *tawa*

Kendrick: Gago! Mama wag ka maniniwala dyan.

Ardee: Hindi ka naririnig nyan.

Celine: Hayaan nyo sila mga readers may mga nainom nanaman sila, abangan ninyo ang susunod na kabanata ah.

Yura: At huwag kalimutang ikalat at ibahagi sa iba ang story na ito para makabilang din sila sa natatamong tagumpay ng Im Married To My Professor.

Ardee: Maghintay lang kayo dahil mabilis mag update si Mama Author ngayon.

--
Maraming Salamat po sa nagbabasa pa rin at patuloy na pagbabahagi sa iba nitong istoryang ito nawa'y ito ay maging isa sa dahilan ng inyong kasiyahan.

I'm Married to My ProfessorWhere stories live. Discover now