DADDY: 48

8.7K 259 19
                                    

Sean POV

"LUIGI! LUIGI! PRE, BUKSAN MO TONG PINTO MO!" Hilo kong sabe sa tapat ng pintuan ng kabanda at kaibigan ko na ring si Luigi.

Nahihilo ako pakiramdam ko masusuka ako. Masakit ang buong pagkatao ko ngayon. Para akong sinilaban ng buhay. Ramdam na ramdam ko yung mga sinabi sa akin ni Ron noong isang araw.

Ilang beses pa akong nagdoorbell bago ako pagbuksan ng pinto ni Luigi.

"Lawrence? The fuck bro, are you drunk?"

"Papasukin moko!" Sabi ko.

Inalalayan ako agad ni Luigi kase matutumba na ko. "You're a fucking mess, bro!"

"Pahingi nga ng Heineken mo jan!" Sigaw ko nang maiupo niya ako sa sofa niya.

"Lasing ka na alak padin hanap mo."

"Sinong lasing? Hindi ako lasing no. Nakainom lang!"

Natawa siya. "Nakainom? Tignan mo nasa state of calamity ka na, bro. Look at yourself mas masahol ka pa sa pulube sa tabi tabi."

At hindi ko na nakontrol yung hilo ko. Nasuka na nga ako ng tuluyan sa carpeted floor ni Luigi.

"THE FUCK MEN!" Sigaw niya.

Nagkamalay tao lang ako habang nasa ilalim ng shower. Nakita ko si Luigi na nakasandal sa pinto ng banyo niya habang pinapanood ako. Nakaupo ako sa tiles nitong banyo habang nasa ilalim ng rumaragasang cold shower.

Tawang tawa si Luigi habang pinagmamasdan ang itsura ko.

"Pasensya ka na sa suka ko, papalitan ko nalang yung carpet mo." Sabi ko.

Natawa lalo siya. "Don't mind the carpet. Ang isipin mo yang pinagagagawa mo sa sarili mo. What's gone into you? Hindi ka naman dati ganyan eh."

"Wala trip ko lang uminom! Masama ba?" Sabi ko habang sinusubukang tumayo kase medyo hilo pa ako. Sobra.

"Tell me, Is it Loisa?"

"Sino yon?" Patay malisya kong sagot. Humiga ako ng tuluyan sa sofa bed niya dito sa may terrace.

"Ay, ampalaya." Natatawa si Luigi sa itsura ko. Alam kong tawang tawa talaga siya.

Bigla nanahimik yung paligid. Kahit na yung tawa ni Luigi nawala.

"Bro. Ang sakit. Nanaginip ako. May iba na daw siya. Tapos ang saya saya niya." Biglang sabi ko na bumasag sa katahimikan. "Tangina."

Napabuntong hininga ako. "Ang saya saya niya. Di ko naisip na may slow dance pa pala yung prom."

Tapos natawa ako kahit masakit. "Kase.. kase nung nakita ko siya napa tangina agad ako kase ang ganda niyang nilalang, bro alam mo ba yun?"

Tapos may luha nang tumulo sa mata ko. Pero tinawa ko padin kahit na paiyak na ako.

"Di na pumasok sa isip ko na baka magkaron ako ng karibal.. kase. masyado akong nadala sa pagkatao niya." Umiiyak na ako tapos si Luigi pinapakinggan lang ako.

Nagpunas ako ng luha. Tapos nagpatuloy.

"Tapos nung nagsimula na yung music, umalis na ako bro." Naiyak na talaga ako. Hindi ko na napigilan.

"Di ko kayang tignan na sinasayaw ng iba yung mahal ko." Tapos napayuko nalang ako. Iniyak ko lahat ng bigat ng dibdib ko.

Naramdaman ko na tinabihan ako ni Luigi. Inalo niya ako sa balikat.

"Tapos napansin ko nalang na umiiyak na pala ako."

"Okay lang yan bro, sige iiyak mo lahat." Sabi ni Luigi.

Daddy (COMPLETED)Where stories live. Discover now