DADDY: 19

26K 490 26
                                    

Nagising ako nang alanganing oras. Nakaramdam ako ng pagbigat ng pantog. Nakita ko si Sean na mahimbing na natutulog, heto nga at nakanganga pa si drama king. Napagod yata ng sobra sa momol namin kanina. Hehe

Bumangon ako at nagtungo sa labas. Doon ako umihi. Nang maalala ko yung teleponong binigay sa akin ni Edward, naisip ko na kalikutin iyon. Tulog naman si drama king kaya hindi niya makikita yung gagawin ko. Baka kasi magtampo nanaman si Sean, at this time, baka makakuha na siya ng award bilang best drama king of the year.

Matapos umihi, pumasok ako at kinuha sa ilalim ng kama yung cellphone. Lumabas ako at nagsindi ng yosi habang inaantay na mag bukas yung telepono na binigay sa akin ni Edward kahapon.

Nang bumukas na ito, maayos na ang settings at nasa pangalan ko na ang gmail account doon. Halatang bago binigay sa akin ni Edward itong cellphone ay inayos na niya. Kumpleto ang app noon at mula Facebook, Instagram, Twitter, Snapchat, Smule, Viber.. Basta lahat na yata ng sikat na app andito na.

Natatawa ako habang napapailing dahil hindi ko naman yun mapapakinabangan kase wala namang internet samen. Pati signal ng globe dito, sobrang hina. So baka data la wenta.

Habang kinakalikot ko yung telepono, may napansin akong application doon na ang logo ay braso ng isang lalaki. Sa pagtataka, pinindot ko yun, ang sabi "no internet connection. Please check your data or connect to a wifi." Di ko nalang binigyang pansin yun kase medyo inaantok pa ako.

Tinapos ko lang yung yosi at pumasok nadin ako sa loob. Nang maitago ko ang telepono, nakita ko si Sean na mahimbing pa din sa pagtulog. Napangiti ako at humiga na din.

Masaya ako kase nakilala ko si Sean. Ewan ko ba, kahit immature siya at topakin masaya at sanay na ako sa presensya niya. Sana magkabati na sila ng tatay niya at para maipakilala na niya ako sa kanya.

Kinaumagahan, alas diyes na ako nagising. Wala na si Sean sa tabi ko. Bumagon ako at tinawag ko siya. Paglabas ko, nadatnan ko siya na nagluluto sa super kalan. Naka tapis lang siya ng tuwalya at walang suot na pang itaas na damit.

Sinipulan ko siya na parang nagtatawag ng chicks. Tapos nung lumingon siya sa akin, kinindatan ko siya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya sa likuran. Dinama ko yung kanyang dibdib. Sabay hinalikan ko siya sa leeg tapos marahang kinagat. Naramdaman ko na tumitigas nanaman yung titi ko. Alam ko na nararamdaman din iyon ni drama king kase kinikiskis ko yun sa pwetan niya. Nagulat siya at humarap sa akin.

"Good morning.." Bati ko.

"Gising ka na pala, umupo ka na malapit na matapos tong piniprito ko."

"Ano nakaen mo at ikaw ang nagluluto jan? Asan si mama?" Sabi ko habang umupo na sa mesa.

Nakahain na si Sean. Ano meron?

"Wala si Tita. Binigyan ko muna ng pera, gusto ko na maglibang siya. Yaan mo na."

Napakunot noo ko.

"Eh si papa? Kumain na ba?"

"Tapos na. Pinakin siya ni Tita bago umalis."

"Saan daw pupunta si mama?"

Nagkibit balikat lang si Sean. "Malay."

"Bat mo kase binigyan ng pera? Baka wala ka nang pera jan." Sabi ko habang kumagat ng padesal sa mesa.

Nilagay ni Sean yung hotdog na pinirito niya sa mesa. Tapos umupo na din. Hindi niya sinagot tanong ko.

"Kain na." Nakangiting sabi niya.

"Ayaw." Umiling ako.

Nagkunot noo si Sean. At tila may iniisip.

"Ah, okay. Yung kape.. Wait lang."

Daddy (COMPLETED)Where stories live. Discover now