DADDY: 43

9.1K 284 28
                                    

Kinabukasan mag isa akong naiwan sa bahay. Nagkunwari akong may sakit kay Edward para hindi niya na muna ako isama sa opisina niya habang si Mama kasama yung mga bagong kumare niya na nagpakilala sa kanya ng sabon na binili ko kagabi sa Shopwise. Nagpaiwan ako kase balak ko talagang matulog maghapon dahil pakiramdam ko mukhang totoo nga yatang magkakasipon ako.

Bandang ala singko ng hapon may narinig akong katok sa pinto pagbukas ko nakita ko doon si Teron.

"Oh, pre. Balita?" Sabi ko.

"Wala naman Tyrone, busy ka ba? Ayain sana kita mag inom."

"Mag inom? Bakit, birthday mo ba?"

"Hindi. Gusto ko lang iselebrate yung una nating pagkikita at pati na rin sa bago kong kaibigan."

"Oh okay. Pero, anong oras ba?"

"Ikaw ano oras mo ba gusto? Wag kang mag-alala sagot ko naman yung alak."

"Ano ka ba, wala yon. Tsaka eksakto may alak dito yung stepfather ko. Tirahin natin yung isa."

"Ayos mukhang tatamaan yata tayo niyan."

"Haha. Wag kang mag-alala di ka na makaktulog neto sa daan." Biro ko.

"Sige. Magbibihis na muna ako."

Pagka-alis ni Teron, agad na kinuha ko yung alak na sinasabi ko. Isa iyong Cognac o isang uri ng champagne.

Habang inaantay si Teron, naligo muna ako tapos nagsaing nadin sa rice cooker. Ayos. Sarap talaga ng lahat ng gamit dito ay automatic.

Naisipan ko din na gumawa ng pulutan. Hotdog lang at sibuyas ang kaya ko. Ginisa ko nalang. Natutunan ko to kela Denver at Mac.

Sakto akong natapos sa pagluluto ng pulutan nang narinig kong kumatok si Teron. Nakita ko na may dala siyang plastic bag.

"Ano yan?" Puna ko nang nasa loob na siya.

"Pulutan. Pero mukhang nakaluto ka na pala." Sabi ni Teron.

"Ayos lang yan! The more the merrier!" Sabi ko naman.

Kinuha ko na yung dala niyang plastic bag at nakita ko na balot iyon. Nilagay ko yun sa bowl at naghandan narin ng sukang sawsawan.

Matapos maihanda ang pag iinuman sakto dumating si Mama. Lasing na lasing.

"Oh, Ma!" Sabi ko. Agad na nilapitan ko siya para tulungan sa paglalakad.

"Anong ginagawa niyo dito? Aba may inuman pala dito ha! Hoy, ikaw Tyrone! Kapag iinom ka, maligo ka muna!" Sabi ni Mama.

"Opo lasing ka na ma. Halika na sa taas."

"Anong lasing? Sinong lasing? Hindi ako lasing! Naka uwi nga ako dito nang mag isa eh! Tapos ako tatawagin mong lasing!"

"Ma, matulog ka nalang halika na sa taas."

"Sino ba tong kainuman mo? Eto na ba si Sean? Aba'y kay gwapong bata talaga nito."

"Ma, ano bang pinagsasabi mo, hindi yan si Sean! Halika na sa itaas."

"Hoy! Ikaw Tyrone ha! Patawarin mo na yang si Sean! Kawawa naman yang bata. Nagsosorry na nga yung tao ayaw mo pang patawarin!"

Nahiya ako sa mga pinagsasabi ni Mama. Kaya minadali ko na yung pag akay sa kanya papunta sa taas.

"Ayusin nyo yang pinag inaman nyo ha. Baka bukas ako pa ang mag ayos niyan. Nakakahiya naman kay Edward pinapakita mo po yang style mo."

"Oo na, Ma. Akyat ka na doon." Sabi ko habang pilit na inaakay siya paitaas.

Daddy (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang