DADDY: 9

31.3K 580 2
                                    

Kinagabihan, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mag isip sa sinabi sa akin ni Edward.

Nakahiga ako sa kwarto, hawak hawak at pinasmamasdan ko yung tseke na binigay sa akin ni Edward.

Ano bang ibig sabihin niya na work for me?

Nakokonsenya akong gastusin itong malaking halaga na tseke.

Nakarinig ako ng katok sa kwarto. Mukhang tapos na gumayak si mama at pupunta na ng hospital para bantayan si papa.

"Oh, Ron, aalis na ako ha. Yung mga bilin ko sayo, yung pintuan i lock mong maigi ha."

Para namang may mananakaw sa atin.. Yung brief kong butas nakawin nila

"Opo, nay, ingat po kayo sa daan. Balitaan niyo nalang po ako."

Natigilan si mama nang mapansin na tahimik ako.

"Oh, Ron, bakit may sakit ka ba?"

Paano ko kaya sasabihin kay mama na nagbigay ng malaking halaga si Edward?

"Wala po, ma. Pagod lang po ako."

Matapos kasi sa ospital, nag extra pa akong barker kela mang Jose.

"O sige, magpahinga ka nalang at wag ka nang maglakwatsa ha!"

Iniabot ko kay mama yung perang kinita ko sa pagbabarker kanina, hindi kalakihan pero atleast may pera si mama pang gastos.

Nung maka alis na si mama, nag init ako ng tubig sa kahoy. Trip ko magkape - kopiko black. Ganito talaga ako kapag stress, kape at yosi.

Habang nagkakape, tumambay muna ako sa labas namin. Kinuha ko sa bulsa ko yung number ni Edward. Pinagmasdan ko iyon.

Gusto ko sanang tawagan siya at ibalik nalang yung tseke, kaso naisip ko baka isipin niya, nagmamalaki ako.

"Huy, Ron! Tara shot tayo!"
Aya sa akin ni Denver.

Sakto!

"Mukhang emotero king ka jan ha, ano problema bukod sa pera?" Tumabi ito sa akin.

Inabutan ko siya ng yosi.

"San kayo iinum? Dito nalang tayo sa bahay, wala si mama." Sabi ko.

Naisip ko na at least, hindi ako mag iisip kay Edward tsaka trip ko rin mag inom kanina pa.

Yun nga ang nangyari, dito yung place ng inuman. Ayoko sa tropa nila Denver, mabaho yung lugar na yun tapos ang dumi pa.

Gin bilog tsaka guyabano ang iinumin namin.

Habang nag iinuman kami, may unexpexted visitor namang dumating. Hindi ko inaasahan yung pagpunta niya dito.

Si Sean.

"Wow, ang ganda ng kotse ng tropa mo, Ron. Yayamanin." Sabi ni Denver.

Nilabasan ko si Sean. Naka suot ito ng puting jacket at may headset na nakasabit sa balikat niya. Ang cool talaga niya pumorma.

"Anong ginagawa mo dito?" Bungad ko sa kanya. Hindi na kasi dapat kami nag uusap pa. Dapat ko na siyang iwasan dahil sa nangyari noon sa tapat ng bahay nila.

"Anong meron, Sean?" Tanong ko muli.

Nginitian lang ako ni Sean. Ang cool padin niya kahit na alam niya na dapat na may gap na kami.

Hindi ba niya naiisip yun?

"Kamusta, Ron? Hindi ka kase nagrereply sa mga messages ko sayo kaya naisip ko na puntahan ka nalang."

Napatingin si Sean sa loob ng bahay.

"Nag iinom kayo? Sakto, may dala akong alak. Tara."

Pinakita niya yung bitbit niyang alak sa brown na paper bag.

"Sean, ano 'to?" Tanong ko.

"Ron, gusto ko lang na magbonding ulit tayo, tulad nung dati. Na miss ko kase yung bonding natin, ang saya. Syempre, pati narin ikaw." Nakangiting sabi niya.

"Sana nagtext ka muna na darating ka."

"Eh hindi mo nga ako nirereplayan diba? Mas okay na puntahan kita para dika makatanggi."

Alin ba ang mahirap intindihin sa pag iwas ko sa kanya? Langya, baka isipin nito na pinapaasa ko siya kapag pumayag ako na sumama siyang mag inom ngayon samin.

"Oi, Ron! Shot muna, ano ba!" Tawag ni Denver.

"Lika na Ron, masama pinaghihintay yung alak." Tinapik ako ni Sean sa balikat tapos tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Daddy (COMPLETED)Where stories live. Discover now