DADDY: 47

8.1K 278 16
                                    

"Ser, hanggang kailan nyo ho ba ako balak ikulong dito? Kanina pa ako hinahanap ng nanay ko. Ser, makinig naman kayo saken. Wala nga akong kinalaman kanina. Yung lalaking si Justin, siya yung nagsimula nang gulo. Tinulak niya ako kaya nagasgasan yung kotse. Ser, pakinggan nyo naman ako! Inosente ako!" Maktol ko habang nasa loob ng selda.

"Hay nako bata! Wala nang epekto samin yang drama mo! Maraming beses na naming narinig yan! Huli ka na nga, idedeny mo pa! Kaya, manahimik ka nalang riyan." Sabi nung isang pulis.

"Kung ako sayo bata, mahihiga nalang ako kase kahit anong gawin mo, dito ka na magpapalipas ng gabi!" Sabi nung isang pulis habang kumakain ng Fita.

"Hindi pwede to! Hindi nyo ako pwedeng ikulong dahil wala naman akong kasalanan!"

Pero mukhang kahit ano pa mang idahilan ko, mukhang dito na nga yata ako magpapalipas ng gabi. Lalo akong nanggigil kay Justin. Makalabas lang ako dito, madadagdagan ka ng black eye sa mata!

Wala na akong nagawa kundi ang maupo na lamang sa kapirasong karton na sa tingin ko ay magiging higaan ko ngayong gabi.

May ilang naka kulong pero halos mga menorde edad pa yata tong mga 'to. Yung iba mukhang adik. Kaya, lalo akong natakot.

"Hindi ako dapat nandirito. Putang ina mo, Justin. Makalabas lang ako dito, lagot saken yang apdo at atay mo! Pipirapirasuhin kitang puking ina ka!" Sabi ko sa isip ko.

"Hoy, bata! Bata!"

Hindi ko pinansin yung tawag saken ng isa dito. Kahit na naririnig ko siya, dinidedma ko nalang.

"Hoy bata! Bingi ka ba!" Binato niya ako ng lata ng sardinas na tumama sa braso ko.

"Ano bang problema mo!" Bulyaw ko.

"Aba, aba, matapang to!" Sabi nung isang mukhang drug addict. "Mukhang mayaman eh."

Tangina. Peligro pala ako dito.

.
.
.
.

"Hoy bata! Bata! Gising! Malaya ka na."

Naalimpungatan ako sa pagyugyog sakin ni mamang pulis. "Maswerte ka, may nagpiyansa sayo."

Agad na tumayo ako at lumabas na ng selda. Pagtingin ko sa orasan, alas otso y medya na pala ng umaga.

"Pasasaan pa't babalik karin dito. Tandaan mo yan, Bata." Sabi nung mamang pulis.

May ilan lang akong pinirmahan tapos tsaka na nila ako pinalaya.

Paglabas ko nang himpilan, nakita ko si Sean. Nakadantay sa kanyang pulang Ducati. Naka suot siya ng light brown na shades na nagbigay sa kanya ng american look dahil nadin sa medyo semi kalbo niyang buhok sabay naka shorts na puti at polo na bulaklakin. As usual, malayo palang ako, humahawa na sa hangin yung pabango niya. Natigilan ako pero agad naman niya ako nakita. Nakangiti siyang lumapit sa akin sabay yakap ng mahigpit.

Tila ako natigilan at nagmistulang statwa. Bumilis tibok ng puso ko. Humiwalay siya nang yakap sakin na kulang nalang papakin ako ng halik.

"Teka, mabaho ako." Sabi ko. Nilayo ko siya nang bahagya sa akin.

"I'm sorry. Hindi kita pwedeng pyansahan kagabi. Bawal na daw." Sabi niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko. Hindi ko pinahalata sa kanya na kinabahan ako sa presensya niya.

"I'm here for you." Sabi niya nang may kasamang ngiti sa labi.

Damn. Yung labi niya.. kakamiss.

"Di ka na sana dumating." Sabi ko. Sabay alis sa kinatatayuan ko.

"Hey, teka. Di ka man lang ba magpapasalamat?" Sabi niyang habang habol ako sa paglalakad.

Daddy (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant