DADDY: 22

20.6K 458 50
                                    

Sumunod ako kay Edward na nauuna na sa akin papakyat sa hagdan. May laya akong napagmasdan ang kanyang malapad na likuran.

Larawan ng isang hot single dad/bachelor si Edward. Itsurang di mo aakalain na 43 anyos na kase alagang alaga ang katawan nito sa gym at halatang napaka balidoso niya sa pangangatawan.

Maski yung bahay ni Edward mula loob hanggang labas ay napaka linis. Lahat ng gamit niya ay organisado. Yun nga lang kapag nakapasok ka sa loob nila mararamdaman mo na yung ambiance ng kalungkutan.

Alam ko mahirap sa kanya ang mawalan ng mga mahal sa buhay pero hanga ako sa kanya kase patuloy pa rin siya sa buhay. Marangya ang kanyang pamumuhay. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit galit sa kanya si papa at umaapaw ito sa selos kapag tuwing dumadalaw sa amin si Edward noon.

Hindi ko aalakain na kahit ganun si Edward, may mabuti rin siyang puso kase tinulungan niya kami sa gastusin pang ospital. Kaya heto ako ngayon, kagustuhan ko na din na pagbayaran ang utang namin sa kanya.

May tatlong kwarto ang taas nila Edward. Marahil yung isa ay sa anak niyang panganay. Pumasok kami sa kaliwang kwarto.

Binuksan ni Edward yung ilaw at aircon. Amoy ibang bansa ang kwarto ni Edward. Malinis at malawak. Ang laki ng kanyang TV at meron siyang king size bed. Wow. Iba na talaga mayayaman. Nakatayo lang ako sa bukana ng pinto. Nahihiya ako kase ang baho ng amoy ng damit ko amoy kulob.

"Halika, pasok ka. Umupo ka muna sa kama. I'll take a quick shower first."

Agad na naghubad ng sando si Edward. Parang walang ibang tao siyang kasama dito sa loob ng kwarto niya. Bigla ako nakaramdam ng kung anong nabubuhay sa loob ko. Na aatract ba ako sa maskuladong pangangatawan ni Edward?

Makinis ang kanyang katawan. Malinis at mabango. Nakadagdag attract sa kanyang panlabas na kaanyuan yung kanyang maskuladong pangangatawan. Malaki ang dibdib niya at may six pack abs siya.

"Like to join me?"

"Po?" Ang nasabi ko sa pagkabigla.

"I'm just joking, wag kang kabahan. Mabilis lang to."

Pumasok si Edward sa banyo na nakatapis lang ng tuwalya. Pagsara niya ng pinto, doon lang ako nakahinga at nakapasok sa loob habang naka upo ako sa malambot at malawak niyang kama, naisip ko si drama king. Ano kaya ginagawa niya? Pasado alas dose na pala sabi sa orasan ni Edward.

Hiyang hiya ako sa mabangong kwarto ni Edward. Yung bahay namin, walang panama kahit ipa renovate mo pa dito sa bahay ni Edward.

Ilang sandali lang ay lumabas na ng banyo si Edward. Lalo siyang naging attractive dahil basa siya ng tubig. Napalunok ako. Hindi ko pinahalata sa kanya na kinakabahan ako.

"Wait lang ha. Relax ka lang. Ihahatid nalang kita on your way home."

Napangiti ako sa kabaitan ni Edward. Parehas talaga sila ng aura at pananalita ni drama king.. di kaya?

Nang matapos si Edward, may inabot siya sa aking sampaguita oil.

"Iyan nalang gamitin mo, allergic ako sa ibang pamahid eh, mabango naman yan."

"Okay. Ako bahala. Yang lamig mo, mawawala agad yan."

Ngumiti si Edward sabay humiga ng padapa sa king size bed niya.

"Patungan mo ako, Ron."

Natigilan ako si sinabi niya. Ano daw? Patungan ko siya?

"Po?" Kabado kong tanong.

"Para di ka mahirapan, upuan mo ako."

Nang ma gets ko sinabi niya, nagsimula na akong maglagay ng oil sa palad ko. Kinakabahang dinampi ko ang kamay ko sa malapad na likuran ni Edward.

Wow.. ang tigas..

Habang hinihilot ko si Edward sa kanyang likuran, nagkwentuhan kami.

"Kwento ka, Ron. Baka makatulog ako sa sarap mong magmasahe."

"Ano ba gusto mong malaman?"

"Start ka sa parents mo."

"Hindi ko kasundo si papa. Pansin mo, mamas boy ako? Mas malapit ako kay mama. Hindi ko kasi gusto ugali ni papa kapag naglalasing siya noon, palagi niyang sinasabihan ng masasakit na salita si mama. Ilang beses na kayang umiyak yan si mama dati dahil kay papa.." Kwento ko.

"Talaga... Tapos?"

"Madami nga nagsasabi na baka ampon lang daw ako nila mama. Kase hindi ko daw sila kamukha. Pero hindi ako naniniwala kase mana ako kay mama. Sabi nga nila, hawig ko daw si papa noong binata pa siya. So imposibleng ampon ako."

"What if ampon ka nga Ron, halimbawa?"

"Naku, hindi ko pa alam. Hindi ko naman alam yung feeling nang napagtataksilan."

"Nagka girlfriend ka na? Sure ako, marami ka nang napaiyak na babae. Sa itsura mong yan."

Napatawa ako sabay namula. Napahawak ako sa batok.

"Hindi naman po."

"Wag mo na akong i-po."

"Sorry, Edward."

"Kwento ka pa."

"Ayun. High school graduate lang ako tapos nagtatrabaho ako ngayon bilang car wash boy malapit sa amin. Kumpare ni papa yung may-ari nun kaya nakapasok ako."

"Maganda bang magpa-car wash sa inyo?"

"Oo naman. Yaan mo ako magka-car wash sa kotse mo minsan."

"Talaga? Bait mo naman. Sana libre na."

Napangisi ako.

"Oo ba."

Tumawa naman si Edward. Pati pagtawa niya lalaking lalaki.

Ang buong akala ko may ipapagawa pa si Edward sa akin nung gabing yun. Nang matapos ko siyang imasahe, maya-maya din ay hinatid niya ako sa may kanto malapit sa amin.

May mga ngiti ako sa labi habang naglalakad pauwi kasi inbutan ako ng 1700 ni Edward. Paunang bayad daw siya sa akin.

Excited akong naglakad pauwi para ayain sana si Sean na mag-inom nang makita ko si Justin na akay akay si Sean papasok sa loob ng bahay namin.

Agad na tumakbo ako palapit sa kanila.

Ano kaya nangyari? Lasing ba si kupal?

Itutuloy...

Daddy (COMPLETED)Where stories live. Discover now