DADDY: 14

27.3K 521 24
                                    

Isang araw niyaya ko si Sean na maglaro ng LOL.

Actually, tatlong araw na kaming magkasama ni kupal. Dito na siya natutulog sa bahay. Ayon sa kanya, nag-away nanaman daw sila ng erpat niya kaya nandito siya ngayon namamalagi sa amin.

Pero nung una, hindi ako agad pumayag, sinabi ko sa kanya na iba ang pamumuhay namin kesa sa bahay nilang malaki sa sobrang laki akala mo extension ng white house. Sobrang laki at taas pa ng kanilang itim na gate.

Mapilit si kupal. Kahit na ilang beses ko na siyang binalaan, sige parin siya sa pamimilit. Kesa, magtampo, isip bata kase si Sean. Pumayag nalang ako. Sabi ko,

"Bahala ka, mabaho samen. Madaming ipis at daga. Walang electric fan samen kase nag overheat. Walang TV samen. Baka maboring ka, walang wifi samen baka ma dismaya kalang. Hindi masasarap kinakaen namin di sa mga kinakain mo na lahat masasarap. Wala kaming tubig kase nag-iigib lang ako sa kanto."

Tapos ang sagot niya,

"Okay lang Ron, at least magkasama tayo sa hirap at ginhawa."

Nung malaman ni mama na dito mag-i-istay si Sean, natuwa pa ito. Sabi niya atleast daw mapipirme na ako sa bahay.

Naghahati si Sean ng pagkain.
Magaling siyang makisama. Wala ako masabe. Ang nakakatuwa pa, gabi gabi kaming nag-iinuman kela Denver. Pero, palihim lang, di pwede malaman ni mama kase galit si mama kay Denver kase bad influence daw siya saken. Lagi kong inaaya si Sean kase siya lagi isponsor namin sa alak.

"Ano bayan! Duga mo naman!" Angal ko.

"Huy! Anong maduga ka jan. Bawal kang mag cheat sa LOL. Mahina kase character mo, boplaks ka mamimili. Ang weak mo!"

Nag break muna si Sean at nagsindi ng yosi sa labas nila kuya Pete.

May naisip akong kalokohan, papakelaman ko yung account ni Sean. Iibahin ko yung mga stats at guguluhin ko character niya.

"Boplaks pala ha.."

Hehe.. Sinong weak ngayon?

May nag notif naman bigla sa PC ko.

Oh, time na agad? Si kuya Pete talaga, may kinse minutos pa ako ha! Sa isip isip ko.

*chat sounds*

Hi?

Sinubukan kong alisin yung nag pop out na chat. Kaso, hindi ko nagawa ayaw niyang mawala sa screen.

Naisip ko na baka may nang-gugudtaym lang saken. Sinilip ko si Sean sa labas, hindi naman siya kase may kausap ito sa cellphone.

*chat sounds*

Hi?

*chat sounds*

Let's Chat!

Lumingon ako sa kaliwa't kanan ko. Sinilip ko si Sean, busy parin ito sa kausap niya.

*chat sounds*

Hey! How are you? Let's chat!

Sinubukan kong alisin sa screen yung nagcha-chat. Kaso nung kinilik ko yung X lalo lang itong nag flood chats. Nag hang yung PC ko. Nire start ko agad yung desktop.

Kinabahan ako doon. Akala ko, nagka virus na PC ni kuya Pete. Naku! Patay ako sa kanya pag nagkataon.

Hinawakan ako ni Sean sa balikat na kinagulat ko.

"Okay ka lang ba? Para kang nakakita ng multo. Siguro nanunuod ka ng fake taxi no? Hala ka!"

"Loko. Naka block porn sites sa lahat ng mga PC ni kuya Pete."

"Eh bat kabado ka?"

"Wala." Kinakabahan kong sagot.

"Teka, sino ba yung kausap mo?" Pag-iiba ko ng usapan.

Lumungkot mukha ni Sean. Umupo ito sa upuan niya.

"Si Dad. Nag-away nanamin kami. Ayaw ko umuwi sa amin. Bahala siya dun!"

"Kita mo, mahal ka pala ng tatay mo, hinahanap ka pa oh."

"Paraan lang niya yun. Iniisip niya baka kailanganin ko nanaman siya kase alam niya, hindi ko kayang tumayo sa sarili ko."

Nagkwento pa si Sean pero hindi ko siya napapakinggan kase sobrang kinabahan ako sa sunod sunod na pop out chat.

Kinahapunan, nagpaalam si Sean na uuwi na muna para kumuha ng damit. Ako naman, inabala ko ang sarili sa pagsisibak ng kahoy panggatong.

Habang nagsisibak ako, tumunog cellphone ko.

"Hello?"

"Ron? Napagisipan mo na ba?"

Si ser Edward pala. Naalala ko yung kapalit pala nung pera.

"H-hindi pa po ser, Edward. Ah este Edward."

"Asan ka ba?"

Yung boses niya ang laki. Nakakatakot.

"Nasa bahay. Nagsisibak ng kahoy."

Tumawa ito. Weird pero ang sarap sa pandinig ng pagtawa niya.

"Magkita tayo."

"Kelan?"

"Ngayon. I'll drive to your--"

"W-wag na Edward!" Pinutol ko sasabihin niya. "Sa bayan nalang tayo magkita. Marumi pa yung bahay. Nakakahiya."

Nagsinungaling ako. Ayoko na papuntahin si Edward dito kase ayoko nanamang maging talk of the barangay ng mga tsismosa dito samen.

"Okay. Bayan it is. 7 pm. Jolibee. Aantayin kita dun."

"Okay."

Binaba ko agad yung tawag. Kabado akong lumingon sa paligid baka kase may makarinig.

Nagmadali akong magsibak ng kahoy tapos nagyosi saglit tapos naligo na at sumakay ng tricicle pa bayan.

Habang nasa tricicle ako, iniisip ko kung papayag ba ako sa alok na trabaho sa akin ni Edward. At kung sakaling pumayag ako, ano naman kaya ang ibibigay na trabaho ng mayamang lalaking iyon?

Daddy (COMPLETED)Where stories live. Discover now