DADDY: 11

30.3K 573 18
                                    

Tama ba yung sinabi ko kay Sean nung isang araw?

Haaaay...

Alas kwatro na pala ako nang makatulog nun kakaisip sa sinagot ko kay mokong na si Sean.

Nag eexpect ako ng ibang storya. Nag aantay. Kaso bigla ko nalang nasabi sa kanya na - sinubukan ko pero wala talaga.

Alam ko mali na mag isip pa ako. Ayan. Nasabi ko na kay Sean. Siguro naman lalayo na siya sa akin.

Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa trabaho isang umaga nang masalubong ko yung isang babae. Naka payong ito. Naglalakad.

Nagtago ako bigla sa isang poste. Naku! Naloko na!

Malaki ang utang jan ni mama kase sa kanya nanghiram si mama noon para maayos yung butas butas na naming bubong. Sa pagkakaalam ko, tatlong libo ang nahiram sa kanya ni mama.

Pakiramdam ko, pupunta ito sa bahay para maningil. Lagi ko siyang pinagtataguan kasi wala naman kaming ipambabayad. Kulang pa nga sa pagkain namin yung sweldo ko bilang car wash boy.

Napakamot ako sa ulo at nag isip ng palusot baka sakaling umubra kapag nagkasalubong kami.

"Ron? Anong ginagawa mo jan?"

Nanlaki ang mata ko kay Sean na nakasakay sa motor at tumigil sa harapan ko.

"Ssshh!!! Wag kang maingay baka marinig niya tayo!" Saway ko sa kanya.

"Nino?" Kunot noong tanong niya.

"Basta! Basta! Wag kang maingay!"

Saktong pag silip ko, nakita ako ni aleng Sonya.

"Ron? Aba'y buti naman at nakita kita." Nagmadali ito sa paglalakad, lumabas naman ako sa gilid ng poste at ningitian ko siya.

Pinaningkitan ko ng mata si Sean, si Sean naman di ako na gets.

"Kamusta po?" Bati ko kay aleng Sonya.

"Ron, kamusta na nanay mo? Balita ko naospital daw si papa mo, ano, kamusta na siya?"

Haay nako.. Kumalat agad ang balita na naospital si papa.

Ang mga tsismosa nga naman!

Kinuwento ko sa kanya yung nangyari kay papa. Sinabi ko din na may nagmagandang loob na tumulong sa amin sa panggastos sa ospital.

"Mabuti naman kung ganoon. Pero, Ron. Kailangan ko nang kunin yung hiniram nung mama mo sa akin nung isang taon. Pasenysa na ha."

Napakamot ako sa batok.

"Naku, aleng Sonya. Yun nga po eh. Medyo gipit pa kami gang ngayon. Eto nga po oh, papasok palang ako sa trababo. Lumiban ako kase salitan kami ni mama sa pagbabantay kay papa."

"Pero, kailangan ko na yung pera Ron. Ang tagal na yun eh. Kailangan ko yun sa pang matrikula ni Jason."

"Pasensya na po, aleng Sonya. Wala po talaga akong maibibigay sa inyo." Pinakita ko sa kanya yung butas na bulsa ko.

Kumalam bigla yung sikmura ko. La pa ako agahan.

"Ahm, excuse me po." Napatingin ako kay Sean.

"Good morning po, mawalang galang lang po, pero, magkano po ba yung utang nila Ron sa inyo?" Magalang na tanong ni Sean. Malumanay siya magsalita at halata sa pakikipag kapwa tao. Sanay na sanay kumausap.

"Sino ka naman, Iho?"

"Sean po pala." Nakipag kamay ito kay aleng Sonya. "Kaibigan ko po si Ron."

"Tatlong libo ang utang nang nanay niya sa akin."

Tumango tango naman si Sean. "Ah, ganun po ba?"

Nagulat ako at biglang bumunot ng wallet si Sean. Iniabot niya kay aleng Sonya yung malulutong at halatang bagong withdraw na tatlong libo.

Nanlaki ang mata ni aleng Sonya.

"Naku, salamat Iho." Lumawak ang ngiti niya.

"Walang anuman ho." Sabi ni Sean.

"Ron, maswerte ka sa kaibigan mo, gwapo na tapos mabait pa. Mukha pang mayaman." Tumingin ito kay Sean na patango tango pa habang nakaupo sa kanyang motor.

"Dapat ganito ang binabarkada mo. Hindi lagi kang nakabuntot kela Denver. Sige na mauuna na ako. Salamat ulit Iho ha."

Tumango si Sean at ngumiti. "Ingat po kayo!"

"Nagbibida ka talaga no?" Sita ko kay Sean pagkaalis ni aling Sonya.

"What? I'm just trying to help."

Tinignan ko siya ng masama.

"Ron," ngumiti ito sa akin. Parang lahat ng bagay napapagaan ni Sean. Ang cool niya at laging kalmado.

"Hindi ba sinabi ko sayo na palagi lang ako nandito kapag kailangan mo ako?"

"Akala ko, salitang lasing yun eh. Kaya di ko masayadong pinagpapansin."

Pero, sa loob loob ko, natutuwa ako at sobrang nagpapasalamat kay Sean.

Grabe, iba na talaga kapag mayaman.

"Lika, sakay ka na." Sabi ni Sean habang nagsusuot ng helmet.

"Saan tayo pupunta?"

"Gutom ka na kaya ka nagsusungit. Kain muna tayo para di mo na ako sungitan. Para bati na tayo." Sabay kindat niya sa akin.

Muli nanamang kumalam yung sikmura ko. Oo gutom na talaga ako. Inaamin ko.

"Pero, ang baho ko pa, hindi pa ako naliligo." Katwiran ko.

"Eh ano naman, aangkas kalang naman eh. Unless gusto mo akong yakapin?" Sabay ngiti niya ulit.

"Salamat, Sean ha." Sabi ko.

"Oo na! Oo na! Ano mag iiyakan pa ba tayo dito?" Biro niya. "Sakay na, gutom narin ako eh."

Wala na akong nagawa kundi umangkas nalang sa motor ni Sean.

"Bago ba 'to?" Puna ko sa motor niya.

"Oo bagong labas ng Honda. Kabibili ko lang nung isang araw."

Wow

Aaminin ko, namiss ko din si Sean kahit papano.

Daddy (COMPLETED)Where stories live. Discover now