DADDY: 23

21.4K 484 21
                                    

"Justin, ano nangyari kay Sean?"

Nilingon ako ni Justin matapos mahiga si drama king sa papag ko.

"Pasensya na pare, yan si Sean, naglasing. Sinugod ako kagabi. May alam ka ba na dahilan kaya siya nagkaganyan?"

Napaisip ako.

Alam kong ako ang dahilan kaya nagpakalasing si drama king kupal. Tangina talaga. Nandamay pa ng ibang tao. Iba ka talaga Sean. Ikaw na. Grabe kang magtampo. Papansin na ewan.

"Wala naman akong nakikitang dahilan. Salamat, Justin ha. Ako na bahala."

"Okay lang. Nag-aalala lang ako kay Sean. Baka kase tatay niya ulit ang dahilan, hindi lang niya masabe-sabe."

"Talaga? Wala naman siyang nababangit sa akin."

"Ramdam ko lang." Sabi ni Justin.

Halatang concern talaga siya kay Sean base sa pagkakatitig niya ngayon.

Hindi ko mapigilan na magselos sa paraan ng pagtitig ni Justin kay Sean kupal. Ayaw ko nang bigyan ng ibang kahulugan baka kase mapasama pa ako. Pero, iba talaga kutob ko.

"Ganun mo talaga siya kakilala no?" Tanong ko.

Nakatingin lang si Justin kay kupal.

"Kilalang kilala ko si Sean kapag may problema. Ganyan siya, sa alak binubuhos ang sama ng loob."

Masama ang kutob ko. Napatingin nalang din ako kay Sean na ngayon ay tulog na tulog sa papag ko.

"Sige, Ron. Una na ako. Iwan ko na siya sayo."

"Hindi ka man lang ba magkakape?"

Tumingin si Justin sa paligid ng bahay.

"No, its okay. I will buy coffee nalang on my way back home."

Tumango ako sa kanya. Hinatid ko siya palabas sa bahay.

"Pare, paki ingatan nalang si Sean. Bibisita-bisitahin ko nalang siya."

"Wag kang mag-alala. Ligtas siya dito. Hindi ko naman siya pababayaan."

Kita ko na nililibot ni Justin yung paningin niya sa labas ng bahay. Halatang inaases niya kung talagang ligtas si Sean kasama ko.

"I'm just a concern friend, Ron."

"Kaibigan din ako ni Sean. At kapag sinabi kong ligtas siya dito, ligtas siya dito."

Tumingin sa akin si Justin.

"Sige. Babalik nalang ako to check up on him."

"Hindi mo na kailangan gawin yun. Nandito naman ako. Kaya ko na siyang asikasuhin."

"Sure ka na kaya mo?"

Pinaningkitan ko siya ng mata. Ano bang gusto niyang palabasin? Na hindi ko kayang alagaan si Sean? Loko to ha.

"Justin, nasa lugar ko si Sean. Ibig sabihin nun, atomatik kargo ko siya."

Pero mukhang hindi niya ako pinapakinggan kase patuloy pa din siya sa paglibot ng paningin sa paligid.

"Salamat Ron."

Tinanguan ko lang siya. Pinanood ko lang siya sa sumakay sa kotse.

At nang naka-alis na si Justin. Pinuntahan ko agad si Sean. Tinitigan ko pa siya saglit bago ako nahiga sa tabi niya habang napapa-iling.

"Iba ka, Sean. Iba ka."

At hindi ko namalayan na nakatulog na ako agad.

.
.
.
.

Kinaumagahan, dala ng badtrip ko kay drama king tapos dumagdag pa si Justin na akala mo kung sino, wala sa oras akong napasibak ng panggatong na kahoy sa labas.

Naghubad ako ng t-shirt at nagsimulang mag itak ng kahoy sa likod bahay. Doon ko binuhos lahat ng gigil ko kay Sean at kay Justin.

Nadatnan naman ako ni Sean sa ganoong eksena. Pawisan na din ako kase marami-rami na akong natataga.

"Ang sarap naman ng pag-ibig ko. Pawisan. Ang hot mo tignan jan."

Alam ko na nandyan si Sean hindi ko lang talaga siya pinapansin. Pinagpatuloy ko lang ang pagsisibak ng kahoy.

"Ubos na ba yung mga panggatong?" Lumapit si Sean sa akin.

Pero hindi ko siya pinapansin at sinasagot. Nagpatuloy lang ako sa aking ginagawa.

"Huy.." Kiniliti ako ni Sean sa tagiliran. "Ang sungit naman ng pag-ibig ko. Hindi ako pinapansin."

"Ano oras ka na umuwi kagabi, Sean?" Sabi ko habang hindi siya nililingon at tinutuloy ko lang ang aking ginagawa.

"Eh ikaw san ka ba galing kagabi?"

"Ako unang nagtanong Sean. Ako sagutin mo."

"Okay. Pumunta ako kela Justin."

"Kaya pala ang ganda ng gising mo. Mukhang naka score ka kagabi ah." Sarkastikong sabi ko.

"Ha? Eh ikaw nga tong umalis kagabi. Hindi ko nga alam kung sino kasama mo."

"Nakarami ba kayo ni Justin ha?"

"Bat ganyan mga tanungan mo?"

"Wala. Kwentohan mo naman ako. Buti kapa napapasaya ka ni Justin." Sabi ko habang inemphasize yung salitang "nagpapasaya" at "Justin."

"Bat galit ka?"

"Hindi PO ako GALIT."

Pinatigil ako ni Sean sa ginagawa. Hinarap ko siya at naitsa ko yung itak. Sa sobrang badtrip ko, nilayasan ko si Sean.

"Tama. Doon ka nalang kay Justin. Total ka-level mo naman siya diba? Parehas kayong laki sa gintong kutsara."

Tinalikuran ko si Sean.

"Huwag mo nga akong tatalikuran! Hoy! Tyrone!"

Hinarap ko si Sean.

"Bakit Sean, bat bigla kang hinatid ni Justin dito?"

"Nalasing ako."

"Nalasing ka kase sa kadramahan mo!"

"Hindi naman ako madrama. Sadyang gusto lang talaga kita. Ayaw ko naman na isipin mo na porke dumating na ako sayo, may limitasyon ka na sa mga lakad at barkada mo. Kaya nga hinayaan kita kagabi."

Napangisi ako sabay natatawa.

"Plano mo to, Sean. Hinayaan mo ako umalis kagabi kase may plano na kayong magkita ni Justin. Tama ba?"

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo, Ron? Ako ang pumunta kay Justin kagabi kase wala ka. Iniwan mo ulit ako."

"Tangina Sean. Tangina. Diba sinabe ko babalik ako? Bat di mo ako hinintay? Tangina umalis ka ren. Tapos madadatnan ko nalang hinahatid ka ni Justin tapos lasing ka pa!"

Medyo napapataas na boses ko kasi naasar ako na hindi ko maintindihan kay Sean.

"Sa tingin mo, matutuwa ba ako sa ginawa mo, Sean?"

"Kung hindi mo ako iniwan hindi sana ako nalasing."

"Kung hinintay mo ako hindi sana kita inaaway ngayon!"

"Kung talagang gusto mo ako, Ron. May tiwala ka saken."

"Gusto? Hindi mo naman ako gusto diba? Ginagamit mo lang ako para may lugar kang mapagtataguan jan sa tatay mo!"

"Ha?"

"Ano tama ba?"

Hindi ko na hinintay na sumagot si Sean. Tinalikuran ko na siya agad.

"Kelan ba papasok sa kukote mo na hindi kita gusto!? HINDI KITA GUSTO! MAHAL KITA!"

"Kay Justin mo sabihen yan. Wag saken."

Tuluyan kong iniwan si Sean at pumasok sa loob.

Daddy (COMPLETED)Where stories live. Discover now