DADDY: 29

17.2K 385 13
                                    

"Lawrence?"

Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya ngayon dito sa mall.

Kanina okay okay pa ang mood ko, napalagpas ko na nga yung sa nanay ko at kay Edward tapos ngayon, ngayon lalong nasira.

Bumitaw si Sean sa kamay ko. Nilapitan ni drama king si Justin at nakipag kamay. Nakaramdam ako ng matinding selos.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni drama king sa kupal na si Justin.

Si kupal na Justin naman, hanggang tenga ang ngiti nang makita ang syota ko. Sarap bigwasan!

"Bumili ako ng bala sa ps4. May bagong release kase na NBA." Sabi ni Justin.

"Oh? May bago na agad sila?" Gulat na sabi ni Sean. Para siyang sabik na excited na ewan.

Nagtaka si Justin sa naging reaksyon ni drama king.

"Di mo alam?" Nagtatakang sabi ni Justin kay drama king. "Dati rati kapag may bagong labas na bala, ikaw ang laging nauuna magkaron. Bakit ngayon di mo na alam?"

Tumingin si Justin sa gawi ko. Tapos bumalik ang tingin niya kay Sean. Tapos nag iling-iling ito sabay ng mahinang pagpalatak ng kanyang bibig.

"Ah.. Alam ko yan syempre. Nagbibiro lang ako. Ang totoo niyan, pabili nadin ako ng bala. Nauna ka lang saken." Sagot naman ni Sean.

Tumango tango naman si kupal Justin.

Bakit kailangan pang magsinungaling ni Sean kay Justin? sa isip isip ko.

"Tapos na ba kayo magkwentuhan jan? Medyo gutom na kase ako eh." Biglang singit ko. Baka kase san pa mapunta ang usapan. Ayokong madikdik si Sean dito.

"O sige na, Text text nalang sa Line Lawrence. Una na ako. Mukhang mangangayat na yang kasama mo pag di nakakain sa oras." Sabi ni Justin.

Biro lang yun na nginitian ko pero Alam ko na may laman iyon. Tinanguan ko nalang si Justin.

Pasimple kaming nagkasunuran ng tingin ni Justin. Halatang nagyayabang talaga siya. May pailing-iling pang nalalaman.

"Gutom ka na ba, pag-ibig ko?" Tanong sa akin ni Sean.

"Hindi na pala. Nawalan na ako ng gana eh. Tara na. Saan mo gusto pumunta?"

"Diba gusto mo manood ng sine?"

"Sige tignan natin kung ano maganda."

Habang naglalakad kami, hindi ko mapigilan na isipin yung asal ni Justin kanina. Gusto ba niyang palabasin na nahuhuli si Sean sa mga dati niyang nakahiligan simula nang sumama ito sa akin? Nakakakonsensya tuloy. Feeling ko, nagiging makasarili ako sa parte na yun.

"Ron? Bakit ang tahimik mo? Ayaw mo ba nang palabas? Pwede tayo humanap ng iba kung gusto mo." Bulong ni Sean sa tabi ko.

Napagkasunduan namin na manood ng Spider Man: Homecoming. Hindi ako maka focus sa pinapanood. Walang kaso ang palabas, Si Sean ang inaalala ko. Baka sinasakripisyo ni drama king yung mga hilig niya dahil sa akin.

Ang pinagbabahala ko pa, nakita ko yung reaction ng mukha ni Sean kanina, halatang na-missed din niya yung iniwan niyang buhay.

"Wag kang maingay. Pini-feel ko yung movie. Manood ka nalang jan." Sabi ko nalang para hindi na humaba ang usapan.

"Ang sungit naman sus, seryoso... Okay pag-ibig ko."

Madilim na nang umuwi kami sa bahay ni Sean. Habang naglalakad, may nakita akong nag-iinuman. Napatingin ako sa kanila, mukha silang masaya. Kaya nag desisyon ako..

"May problema ka ba, Ron?" ilang beses na niya akong tinatanong ng ganyan ni drama king pero hindi ko alam ang isasagot ko.

Masaya ako na nakakasama ko si Sean sa iisang bubong. Parehas kaming kumakain at natutulog sa iisang bubong pero kung ang kapalit pala nun ay pag sakripisyo ni Sean sa mga nakahiligan niya ay di okay sa akin.

Halos tatlong buwan na kaming magkasama ni Sean dito sa maliit, masikip, mabaho naming bahay. Ewan ko nga ba kung bakit mas pinili ni Sean na dito manirahan eh mas magara nga ang pamumuhay niya sa kanila.

lumagok ako ng gin. Inagaw ni Sean yung bote at lumagok din siya.

"Sean, tapatin mo nga ako, bakit mas pinili mong manirahan dito sa mabaho naming tirahan?"

"Mas gugustuhin kong manirahan dito kesa sa bahay na kasama si Dad. Tsaka Ron, kung hindi lang dahil sayo, hindi ako magtitiis na manirahan dito. Gusto ko kase na kasama kita araw araw. Hindi ko kaya na hindi ka makita kahit isang araw lang."

"Sean, ayokong tatalikuran mo ang nakagawian mong pamumuhay dahil lang sa akin."

"Masaya ako dito Ron. I found happiness here. Ikaw ang medicine ko. Hindi ko nga alam kung bakit ganito nalang ang tama ko sayo eh."

"Hindi mo ba nami-miss daddy mo?" tanong ko na kinatahimik ni drama king.

"Iresponsable siyang ama. Ayokong makasama siya sa iisang bahay."

"Pero Sean, kahit bali-baliktarin mo ang mundo, siya padin ang tatay mo. Walang magmamahal sayo ng sobra kundi siya."

"Bakit, Hindi mo ba ako mahal Ron?"

Tinitigan ko si Sean. Hindi ko natiis at nakurot ko siya sa pisngi. Narealize ko na hindi ko pala kaya na itaboy si Sean palayo sa akin.

"Hindi mo ba naisip minsan Sean na parehas tayong lalaki?"

"Eh ano naman? Bakla nga at tomboy nagkakatuluyan. Wala nang kaso kung parehas tayo ng kasarian basta ang mahalaga, mahal natin ang isa't-isa."

Lumapit si Sean sa akin at inakbayan ako.

"Basta, tatandaan mo pag-ibig ko, walang tao ang higit na magmamahal sayo bukod sa magulang mo kundi ako. Kaya kong ibigay lahat ng pangangailangan mo. Kaya kong gawin lahat para sayo. Tandaan mo, Mahal kita."

Ayokong maiyak sa sinabi ni Sean kaya dinaan ko nalang sa biro at binatukan ko nalang siya.

.
.
.
.

Isang umaga nagising ako sa boses ni Sean. Mukhang galit ito kase mataas ang boses niya.

Bumangon ako at nagtapis ng tuwalya. Nilabasan ko si drama king.

Nakita ko ang isang mahabang itim na kotse. May kausap mula doon si Sean na pinagtaka ko kase medyo pamilyar at parang nakita ko na ang mamang iyon sa kung saan. Nakasuot kasi siya ng shades at medyo malayo sila sa kinatatayuan ko kaya hindi ko gaanong mamukhaan.

Napaisip ako kung sino iyon. Pero sigurado ako, mukha siyang mayaman at nakakatakot. Di kaya siya na yung tatay ni Sean?

itutuloy...

Daddy (COMPLETED)Where stories live. Discover now