DADDY: 35

9.8K 256 20
                                    

Nasa punto na ako ng buhay ko ngayon na parang gusto kong manapak! Tangina. Lika, sapakan tayo! Tangina, war freak ako! Lika, sapakan tayo!

"Ron, shot mo na!" sabay inom ng punong shot glass na may lamang empi tapos hithit ng yosi.

Haay.. sarap!

Sige. Walwal na parang wala nang bukas. Inom dito, inom jan. Halos lahat na yata ng inuman dito sa area namin napasukan ko na.

Wala eh, puta tinamad na ako pumasok sa car wash shop ni Boss Jun, pinuntahan pa nga ako nun dito sa bahay kanina para kausapin ako at para pumasok na din sa shop niya pero di niya ako napilit at talagang inayawan ko na. Nasa punto ako ng buhay ko na gusto ko na lamang mag walwal at magpakasaya.

Inabot na ako ng gabi galing sa inuman jan sa kabilang baranggay. Pasuray-suray na ako sa paglalakad pero alam na alam ko ang mga nasa paligid ko. Hanggang sa ligtas naman akong nakarating dito sa bahay namin. Malayo palang ako nakaka-aninag na ako ng pulang Innova. Kinusot ko pa yung mata ko baka kase nililinlang nanaman ako ng mga to. Pero, kahit na anong kusot ko, hindi nawala sa paningin ko ang pulang sasakyan. At hindi ko alam kung kanino yon.

Kinabahan ako sa loob loob ko kase nakahinto iyon sa tapat ng bahay namin. May mga mangilan-ngilang na tao na napapatingin at napapatambay sa labas ng bahay namin, mangha siguro sa pulang sasakyan.

"Anong ginagawa nyo dito sa bahay ko?!!" Sigaw ko sa mga taong naka-usyoso at agad din naman silang nagsipag-alisan.

Sinalubong ako ng taong hindi ko naman na inaasahan na magpapakita pa sa akin.

"Ron."

Dala lang ba ito ng kalasingan kaya kung sino-sino na ang mga nakikita ko?

"Ron, lasing ka." Sabi niya nang hindi ako sumagot.

"Hoy! H-hindi ka totoo! Wag mo akong ginagago!" Sabi ko sa kanya.

Lasing lang ako. Tama. Lasing lang ako.

"Ron, teka, pumasok ka muna dito. Sa loob tayo mag-usap." Inaya niya ako sa loob pero nagpumiglas ako.

"Bakit kailangan sa loob pa! Hindi ba tayo pwedeng mag-usap dito, ha!" Sigaw ko habang hinahawi ko mga kamay niya sa balikat ko.

"Ron, makining ka, kaya ako nandito para hindi makipag away." Sabi niya sa mahinahong boses.

Dinuro ko siya at mayabang na umasta.

"Hoy! Baka nakakalimutan mo, ikaw ang dahilan kaya nawala sa akin si Sean! Gago ka! Lakas ng loob mong magpakita dito sa bahay ko! Wag mong sabihin na naka kotse ka! Gusto mong makatikim ng sky uppercut!"

"Ron, ayaw ko ng away. I'm here because I need to tell you something about Sean."

"Tangina! Wag mo akong inglis-inglishin!"

"Ron, huminahon ka muna."

"Huminahon! Papano ako hihinahon eh, nakita ko yang pagmumukha mo dito sa bahay ko!"

Natawa lang si Justin. Halatang nang-aasar siya.

"Okay, sige. Fine. Kaya ako nandito para personal sa sabihan ka na kami na ni Lawrence. Wala nang kayo. Kami na ni Lawrence. Kaya, kung ako sayo pakawalan mo na yang Sean mo. Kase, simula ngayon akin na siya. Magpa-alam ka na sa bebe mo!"

Magpaalam ka na sa bebe mo!

Magpaalam ka na sa bebe mo!

Magpaalam ka na sa bebe mo!

Tapos biglang umalog ang mundo ko. Kanina pa pala ako ginigising ni aling Yayet. Nakatulog pala ako dito sa tapat ng tindahan niya.

"Ron, kanina pa kita ginigising. Nagsipag alisan na mga kainuman mo. Ikaw nalang mag-isa jan."

Tangina. Masamang panaginip.

"Anong oras na po ba?"

Nagpamewang si Aling Yayet.

"Alas tres na ng madaling araw, magbubukas na ako ng tindahan ko. Kaya umuwi ka na. Baka hinahanap ka na ni Mareng Berna!"

Nako. Oo nga pala, ang paalam ko lang kay mama magpapa-load. Naglakad ako pauwi ng bahay. Tahimik at ang lamig na ng paligid.

"Nako ikaw talagang bata ka! Hindi ka naman dating ganyan! Kasasama mo kela Denver naimpluwensyahan ka na!"

Isang buwan na pala. Malapit na mag pasko. Isang buwan na akong walang balita kay Sean. Yung panaginip ko, hindi lang yon ang unang beses na napanaginipan ko yung puking-inang kupal na hayop na si Justin.

Magpaalam ka na sa bebe mo! Tangina mo, Justin. Gago ka!

Nakauwi ako ng bahay at nadatnan ko na tulog na tulog si mama. Kinumutan ko siya at tumuloy na ng kwarto matapos ikandado ang pinto.

Pagkahiga ka, naalala ko na hindi ko pala nadala ang cellphone ko. Pagtingin ko, may mga text messages na karamihan galing sa smart at 8080. Tapos may missed calls galing kay mama.

Tapos may isang message pala dito sa inbox ko na ngayon ko lang nabasa. Galing kay 09969479***

Kamusta ka na? Wala akong lakas ng loob na magpakita sayo kase alam ko malaki ang kasalanan ko. Alam kong gulong gulo ka na. Pwede bang mag-usap tayo? Madami akong gustong ipaliwanag sayo. - Sean

Huminga ako ng malalim. After 1 month ng maghiwalay kami, ngayon lang siyang nakaalala na kontakin ako. Makikipag-kita ba ako o hindi?

Ilang araw simula nang makatanggap ako ng text kay drama king napagtanto ko na bakit ako ang unang mag-aaproach? Bakit, ako ba ang nang iwan? Ako ba ang nagpaasa? Ako ba ang pinagmukhang tanga? Ako ba ang nang iwan sa ere? Kasabay ng mga katanungan na yan, natiis ko pa ng ilang araw si drama king kupal.

Nasa punto ako ngayon na madalas makinig ng mga senting kanta. Ewan ko, ganito pala kapag broken-hearted parang gusto ko laging maglasing. Parang gusto kong mang away na hindi ko maitindihan. Pero dahil hanggang ngayon may pakelam pa naman ako sa kanya, kaya hindi ko din pala kaya na tiisin siya ng ganung katagal. Hanggang sa isang araw, di ko natiis na sagutin ang tawag niya.

"Hello?"

"Ano?"

"Magkita tayo."

[Now playing - Hindi Mo Ba Alam by Siakol]

Daddy (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon