DADDY: 39

9.9K 298 36
                                    

Hindi ko alam kung anong trip ko ngayon at naisip kong tumambay at humiga sa bubongan namin. Malamig ang hangin kaya masarap magmuni-muni dito sa itaas. Ginawa ko lang panapin yung t-shirt ko.

Inaabala ko ang sarili ko na gumawa ng kahit na ano maging busy lang para di ko maisip si drama king. Pero, kahit na anong gawin ko, lagi ko padin siyang naiisip.

Nagsibak na ako ng kahoy, naglaba ako ng mga damit namin ni Mama, nakapag painit na ng tubig. Nakapag lampaso na ng sahig at nakapaglinis nadin ng banyo.

Nanghihinayang ako kase akala ko siya na talaga ang para sa akin. Akala ko kami na hanggang dulo pero lahat ng akala nanatiling akala na lamang. Hindi pala kami matched para sa isa't-isa.

London? Ano yon, tatakas nanaman ba si drama king sa kanyang ginawang responsibilidad? Kung nagawa niya akong paikutin sa palad niya, sana naman wag na siyang magloko sa pagkakataong ito dahil isa na siyang ama.

Bente dos anyos tapos tatay na? Hindi naman yata ako nagkulang sa pagpaparamdam na mahal ko si kupal pero bakit parin niya ako hinayaang magpadala sa kasinungalingan niya?

Minsan naiisip ko na talagang may kasalanan din si Sean kaya nawala yung kapatid niya noon. Siguro naging pabaya din siya ayaw lang niya tanggapin sa sarili niya.

Nasa gitna ako nang pagkakahiga habang pumapapak ng boy bawang nang narinig ko ang palakpak ni Mac sa ibaba. Ganitong paraan na kase kami ng tropa kapag tinatawag namin ang isa't-isa.

"Hoy, Ron! Tara! Laro tayo. May humahamon kela Denver na tiga labas andun sila sa court. Laki daw ng pusta. Sayang din yon pang inom din natin yon." Sigaw sa akin ni Mac mula sa ibaba.

Agad na bumangon ako.

"Pre! Tara! Kesa magdamdam ka jan, ilaro nalang natin yan!"

"Sige, sunod ako."

Mabilis na nagsuot ako ng tshirt na pinamsapin ko. Bumaba ako at sumabay na kay Mac papuntang court.

Habang papunta sa court, hinarang kami ng puting Honda CRV. Muntikan pa akong mahagip noon buti nalang at agad na nakiwas ako.

"GAGO!" Sigaw ni Mac sa Honda. "Hindi mo ba nakita na muntikan mo na kaming mabangga!"

"Tangina adik yata to eh." Puna ko.

Bumaba roon si Sean. Bihis na bihis ito. Mukhang ngayon na yata siya aalis papuntang London.

"Pwede ba tayo mag-usap? Halika, sumama ka sa akin." Sabi ni Sean.

Amoy na amoy ko sa hangin yung mabango niyang presensya. Iba talaga ang mayayaman.

"Gago ka ba! Balak mo ba kaming patayin!" Sabi ni Mac.

Tinaas ni Sean yung kamay niya tanda na hindi siya papalag kay Mac. "Teka, Pare, hindi ako nandito para makipag away. Gusto ko lang kausapin si Ron. Sorry kung muntikan ko kayong mabangga."

"Ano ba kaseng drama mo at nandito ka nanaman?" Sabi ko.

"Sumama ka sa akin."

"Bat ako sasama sayo? Ano ako sira."

"Please, lets talk.. pakinggan mo ako please."

"Umalis ka nalang, Sean. Tigilan mo na ako. Pumunta ka na kung san mo gustong pumunta. Kalimutan mo na ako at kakalimutan na din kita na parang hindi tayo magkakilala."

Inaya ko na si Mac sa court.

"Ikakasal na ang tatay ko. Uli." Sabi ni Sean.

"Anong pakelam ko, hindi ko pa nakikita tatay mo."

Daddy (COMPLETED)On viuen les histories. Descobreix ara