DADDY: 25

19.5K 449 19
                                    

Nawalan ako ng gana nang makita ko si Justin ng ganitong kaaga sa labas ng bahay namin.

Nakakabadtrip talaga yung pagmumukha ni Justin sa paningin ko ngayon.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

Bigla akong nanggigil. Pinipigilan ko lang sarili ko. Syempre, hindi ko yun pinapahalata kay Sean at Justin.

"I bought this for you, Sean." Iniabot ni Justin yung basket ng prutas kay Sean.

"Thanks. Nag-abala ka pa, men." Sabi ni Sean.

"Wala yun. Fruits helps to cure hangovers."

Tinitigan ko lang silang dalawa.

Pinaningkitan ko ng mata si Justin.

"Hindi ba masyado naman yatang effort yan, Justin?" Sabi ko.

"Sabi ko nga sayo I'm just a concerned friend."

"Eh diba sinabi ko na din sayo na nandito naman ako at kargo ko na si Sean?"

"I know. Pero bat feeling ko parang hindi mo yata naaasikaso si Sean ng maayos?"

Dun na ako nanggigil.

"Anong sabi mo?" Pinigilan ako ni Sean lalapitan ko sana si Justin at aambahan.

"Ron, tama na. Concerned lang talaga siya."

Tumingin ako kay Sean at kay Justin.

"Sige, magsama kayo!"

Nilayasan ko silang dalawa. Halatang natutuwa si Justin sa nangyari.

Nagpunta ako sa likod bahay.

Sinindihan ko yung huling stick ko ng marlboro black. Puta, napipi pa.

Hindi ko napigilan yung inis ko kanina sa pagmumukha nung Justin. Tangina, ang yabang! Sarap basagin yung pagmumukha. Inaalala ko lang kase si Sean kase tropa niya yung si Justin.

"May problema ba tayo, Pare?"

Sabi ni Justin. Hindi ko siya nilingon at sumagot nalang ako ng "wala".

Bakit ikaw ang sumunod? Dapat si Sean kupal ang susunod sa akin. Tangina, ganun ba kalakas sa kanya tong si Justin? Puta!

"Bat ka bigla nag walk out?" Tanong muli ni Justin.

Doon ko siya hinarap.

"Bahay ko to. Pwede akong mag walk out kahit na anong oras kong gusto."

Lumapit sa akin si Justin. Inakbayan niya ako.

"Pare, tapatin mo nga ako, nagseselos ka ba?"

"Ako? Magseselos? Wala sa bokabularyo ko ang magselos."  Sabi ko habang napapailing.

"Bat ganyan ka umasta?"

"Wala. Trip ko lang."

Inalis ni Justin yung pagkaka-akbay niya sa akin. Naglabas siya ng vape tapos humithit doon sabay bumuga siya ng makapal at mahabang usok.

Niyayabangan ba ako neto porke yosi lang hawak ko?

"Gano na katagal dito si Lawrence?"

"Ha?"

"Ah, I mean si Sean."

"Matagal na din. So, Lawrence pala pangalan niya."

"Bakit, hindi mo ba alam? Hindi ba niya nakekwento sayo?"

Ano bang gustong palabasin ni Justin? Na mas marami siyang alam kay drama king kesa sa akin?

"For your information, hindi niya totoong pangalan yung Sean. Ginagamit lang niya yun kapag may gig kame. Ayaw niya kaseng may ibang makaalam na nagbabanda siya."

Pakiramdam ko, pinagtaksilan ako ni drama king kahit na hindi naman.

"Malaman nino?"

"Ni Tito. Tatay niya."

All this time, feeling ko hindi naging totoo si Sean sa akin. Ang buong akala ko, Sean talaga ang totoong pangalan niya. Pero, bakit ganito? Ang sakit.

Bumuga ulit si Justin ng makapal na usok. Tapos sabay umalis.

"Una na ako. Baka mapaso ka na ng yosi mo. Tapon mo na yan."

Doon ko lang napansin na wala na palang upos yung yosi ko. Nadala ako at naapektuhan sa mga sinabi ni Justin.

.
.
.
.

"Kainin mo na yan, kunwari ka pa!"

Sabi ko kay drama king. Naabutan ko kasi siya muli na nakatitig lang sa prutas na dala sa kanya kaninang umaga ni Justin.

"Ron, galit ka ba?"

"Hinde."

"Kanina mo pa ako hindi kinikibo kase."

"Wala lang akong sasabihen."

Nagpalit ako ng t-shirt tapos nagsuot ng sapatos.

"San lakad mo?"

"Pupunta ako sa taong alam ko ang totoong pangalan."

Hindi na gets ni drama king yung pinupunto ko.

"Ha?"

Tumingin ako sa kanya.

"Wag kang magkunwaring hindi mo alam ang sinasabi ko sayo."

"Eh hindi kase kita maitindihan. Maghapon mo na akong hindi kinikibo. Tapoa ganyan ka, bigla kang magsasalita ng malabo."

"At least ako, lahat ng sinasabi at lumalabas sa bibig ko, totoo."

Naglakad na ako palayo sa kanya. Hinawi ni Sean yung braso ko.

"Ano bang problema, Ron?"

"Wala."

"Sige, ganyan ka naman eh. You keep me hanging on the thread. Bat di mo ako kausapin ng maayos. Ano ba yang dahilan ng pinagpuputok ng butsi mo?"

"Matulog ka nalang, Lawrence."

Natigilan si Sean sa sinabi ko. Lumabas ako ng bahay ng hindi siya nililingon.

.
.
.
.

"Hello?"

"Edward, papunta na ako sa inyo. Pwede ba mag-usap tayo?"

"Sige, aantayin kita."

itutuloy...

Daddy (COMPLETED)Where stories live. Discover now