39: Revelation

2.5K 103 10
                                    

"Rome! Bitawan mo iyan!"

Alfredo Tanakashi

Kabanata 39: Rebelasyon

Malakas ang tibok ng puso ni Shaina habang binabagtas ang daanan papunta sa kinalalagyan ng kanyang Grandpa. Hindi niya pa rin matanggap ang lahat ng nangyari. Puno pa ng dugo ang kanyang katawan dahil sa napatay kanina. Kasama ang uling sa katawan at mukha dahil sa pagsabog. Lutang ang kanyang isipan para sa mga nangyari. Bakit nga ba umabot sa puntong ito? Umabot sa puntong sila-sila rin ang nagpatayan.

Ang ibig sabihin ba nito, buhay pa ang grandpa niya noong nilason siya nu'ng una niyang buhay? Pero kaninong katawan ang nilibing nila? Isa ba 'yun sa palabas niya?

Maraming tanong ang nabubuo sa kanyang isipan. Mga bagay na mula pa nu'ng una, hindi niya pa nasasagot.

Hindi man lang niya naisip na magpalit ng damit si Shaina kahit ganoon na ang nangyari sa kanya. Pagpasok pa lang niya sa kulungan ay nasa gitna na ang kanyang Grandpa. Kitang-kita niya ang panghihina nito at bakas pa ang mga dugo sa benda nito. Tiningnan niya ang paligid saka nakitang maraming nakatingin sa kanila.

"Iwan niyo muna kami," mahinang utos niya sa mga tauhan. "Bakit Grandpa?" Iyon ang bungad ni Shaina kay Roman pagkalabas ng mga tauhan niya. Hindi niya mapigilan ang pagiging emosyonal lalo na't mahal niya ang Grandpa niya. Tumutulo ang luha ni Shaina habang kaharap ang kanyang Grandpa.

Pinipigilan niya ang labis na umiyak kahit hindi na niya kaya pa. "Bakit niyo nagawa ang mga ganoong bagay? Bakit mo pinapatay si Grandma? Si Mom? Si Auntie Eliza at Uncle Dan? Si Dad na sarili niyong anak? Ano bang nagawa namin para ipapatay kami ng gano'n?" Umiiyak at utal-utal na tanong ni Shaina.

Nanatili pa ring tahimik at parang walang naririnig si Roman. "'Yung nurse? Palabas lang ba iyon?" Sunod-sunod ang tanong ni Shaina pero walang lumalabas sa bibig ni Roman. Hinampas ni Shaina ng malakas ang pinakamalapit na lamesa. Sa sobrang lakad ng impact nito ay namula ang kanyang mga kamay. "Bakit hindi kayo sumagot? Gusto kong makakuha ng sagot! Gusto ko na ipaliwanag niyo ang lahat. Kasi ang sakit Grandpa!" Marahas na pinunasan ni Shaina ang mga luhang pumapatak sa kanyang mata, pero kahit anong punas niya'y tuloy-tuloy pa rin ito.

"Ang sakit-sakit sa loob ko na kayo ang dahilan ng lahat ng ito. Ang sakit kasi hindi ko inakalang ikaw pa. Bakit sa lahat ng tao ikaw pa ang gumawa nito? Bakit hindi na lang 'yung iba, baka matanggap ko pa!" Nanghihina si Shaina dahil pakiramdam niya may kung anong sumaksak sa puso niya.

"Bakit Grandpa?" Malakas na sigaw ni Shaina sa kanya. "Galit ako! Galit ako kay Alfredo!" Sigaw ni ni Roman. Nakita ni Shaina ang luha sa mata ni Roman na labis niyang kinabigla. "A-anong kinalaman ni Master dito?" Gulat habang umiiyak na saad ni Shaina.

"Hindi ko anak si Diego, anak siya ni Alfredo. Isa kang Tanakashi katulad ng iyong Ama," nanlalaki ang mata ni Shaina sa sinabi ni Roman. Mas lalong tumulo ang luha niya sa sinabi ni Roman.

"Hindi kita Apo, Shaina. Apo ka ni Alfredo," kita ni Shaina ang labis na pighati ni Roman. Kilala niya ang kanyang Grandpa na umiiyak at mahina. "Ang Grandma mo, asawa siya ni Alfredo, ki-nidnap ko sila dahil matagal ko ng mahal si Helena. Best Friend ko noon si Alfredo at high school pa lang kaming una kong nakilala si Helena," nanatiling tahimik si Shaina at patuloy na pinipigilan ang iyak.

"Una ko siyang nagustuhan, una ko siyang minahal pero mas mahal niya si Alfredo. Hindi ko matanggap, Apo. Labis ang kinalungkot nu'ng naging sila, lalo na ng kinasal sila," humagulgol na si Roman dahil sa pagbabalik tanaw niya.

"Kinain ako ng galit kaya gumawa ako ng plano ng nalaman kong nagdadalang tao si Helena kay Diego. Gumawa ako ng aksidente sa hospital at doon ko kinidnap si Helena pagkatapos niyang manganak. Nagkaroon ng habulan sa pagitan namin ni Alfredo ng magkaroon ng aksidente," dagdag ni Roman.

"Nahulog sa bangin si Helena kasama si Diego. 'Yun ang ginamit ko para makuha si Helena. Nailigtas ko siya kasama si Diego at ako mismo ang nagpagamot sa kanya. Nang magising si Helena, nalaman kong wala siyang alaala," nagkaroon na ng konklusyon si Shaina sa totoong dahilan kung bakit ginawa ito ni Roman.

"At dahil sa haba ng panahon ay gumaling si Grandma at naalala niya ang lahat kaya mo siya unti-unting nilason. Ginamit mong banta si Dad para hindi umalis sa poder mo si Grandma, at dahil nga anak ni Master si Dad, hindi mo maatim na makita sila lalo na't naaalala mo na hindi mo siya anak tama ba?" Pagpapatuloy ni Shaina. Nanlaki ang luhaang mata ni Roman dahil sa narinig. Iyon nga ang eksaktong nangyari.

"Kung gano'n, sino 'yung namatay sa van? 'yung nalason? 'yung naka-usap ko nu'ng araw na iyon? Paano mo papalabasing nagtagumpay ka sa paglason ng sarili mo?" Nanghihinang saad ni Shaina.

"Isa 'yon sa tapat kong alagad na handang mamatay para sa akin. Pinaretoke ang kanyang mukha at siya ang ililibing niyo kung sakali. Siya rin ang namatay sa Van," mahinang saad ni Roman na ikinagulat ni Shaina. Handa siyang maglagas ng tauhan para lang mapalabas na patay na siya?

"Masyado kayong selfish hindi niyo ba alam?" Malamig na saad ni Shaina. Patuloy ang pag-agos ng luha ni Shaina habang tinititigan si Roman. "Ilang buhay ang sinira mo dahil sa ka-selfish-an mo!" Sigaw ni Shaina kasabay ng pagpunas niya ng luha.

"Sinira mo ang buhay ni Grandma, sinira mo ang buhay ni Dad, sinira mo ang buhay ni Master, nu'ng nagpanggap bilang ikaw, pati na ng akin. Pero hindi mo ba napansin? Sinira mo rin ang buhay mo dahil nagpabulag ka sa maling pagmamahal?" Gustong magwala ni Shaina ngayon. Ang bugbugin ng paulit-ulit si Roman hanggang sa malagutan ito ng hininga. Pero bakit parang hindi niya kaya?

"Wala kang alam Shaina! Masyado ka pang bata para maintindihan mo ako!" Galit na sigaw ni Roman kay Shaina.

"Masyadong bata? Ultimo teenager alam na ka-selfsh-an ang ginawa mo. Selfless ang totoong pagmamahal. Handa kang masaktan makita lang siyang masaya," malamig niyang saad. "Ang tanong ko lang. Ngayong patay na sila Grandma at Mom, at nakasira ka ng mg buhay. Naging masaya ka ba sa desisyon mo?" Mas malamig na saad ni Shaina.

Napayuko si Roman bilang sagot. Sa tagal ng pagsasama nila ni Helena alam niya na kahit wala itong alaala ay si Alfredo pa rin ang nilalaman g puso nito. Puno ng galit at paghihiganti ng puso ni Roman kaya kaylan man ay hindi siya naging masaya.

Biglang bumukas ang pinto ng kulungan kung saan niluwa nito si Diego at Alfredo. "Totoo ba?" Tanong ni Alfredo. Ang kanyang mga luha ay bumabagsak na rin dahil hindi niya inakalang buhay pa ang anak. At iyon ang taong nasa tabi niya. Iyon pala ang dahilan kung bakit gusto niyang protektahan si Shaina, dahil apo niya ito.

Isang ngiti ang sinukli ni Roman kasabay ng paghawak niya ng baril. Tinutok niya ito sa tatlo at ngumisi. Nakawala ito sa pagkakatali nila kanina dahil sa maliit na balisong na nasa pantalon niya.

"'Wag kayong lumapit kun'di pasasabugin ko ang mga ulo niyo," ngising sabi ni Roman.

"Rome! Bitawan mo iyan!" Galit na saad ni Alfredo. Ngumisi si Roman at nagsalita na nakapagpatigil sa lahat. Isang putok ng baril ang umalingaw-ngaw sa loob ng kulungan kasabay ng malakas na sigawan.

--*--

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon