36: Sad Truth

2.4K 114 9
                                    

"You don't have to, I already know it!"

Shaina Deshna Lievere

Kabanata 36: napakasakit na katotohanan

"Pinagkatiwalaan kita ng sobra kasi akala ko pwede akong mag-rely sa iyo. Bakit! Bakit mo nagawa ito?" Umiiyak na sabi ni Shaina. Nakaramdam ng sakit si Fred pero naiintindihan niya si Shaina. Hindi biro ang pinagdaanan ng bata. 15 years old pa lang ito pero napilitang maging matured para protektahan ang kanyang pamilya. Sa huli, hindi na nga niya naprotektahan ang mga ito, namatay pa sila sa harapan ni Shaina. Hindi niya alam kung gaano ito kasakit sa bata pero alam niyang matindi ang sakit at galit na nararamdaman nito.

Uhaw sa katarungan si Shaina sa pagkakataong ito at hindi makapag-isip ng maayos. Gano'n kasi ang tao. Nabubulag sila sa katotohanan kapag kinain na sila ng matinding emosyon gaya ng galit at kasiyahan. Sa kaso ni Shaina, nilalamon ito ng matinding galit.

Galit para sa taong pumatay sa kanyang pamilya. Galit sa kanyang kapaligiran. Higit sa lahat, galit sa kanyang sarili dahil wala siyang nagawa para protektahan ang taong mahalaga sa kanya.

Alam ni Fred na iniisip nito na ginamit niya lang siya, upang nasakatuparan nito ang plano para mapatay ang mga Lievere. Pero ang totoo, mahalaga para sa kanya ang batang kanyang inalagaan 5 years ago. Mahinahon niya itong kinausap upang malaman kung ano nga ba talaga ang nangyayari.

"Shaina! Alam mong hindi ko kayang gawin ang sinasabi mo!" Mahinahong saad ni Fred. "Sa tingin mo maniniwala ako sa mga pinagsasabi mo? Well! News flash I won't buy it!" Matapang na saad ni Shaina.

"Kung talagang ako ang tinuturo mo sala nangyari sa iyo, kalabitin mo iyang gatilyo at patayin ako. Kung doon ka sasaya," sinseryong saad ni Fred
Gusto niyang pakalmahin si Shaina bago niya ma-explain ang lahat. Hindi pa niya alam ang eksaktong nangyayari pero aalamin niya kung sino ang may gawa nito sa kanila.

Ilang sandali pa ay nagulat na lang si Fred ng binitawan ni Shaina ang baril at bumigay ang katawan nito at napaluhod. Nagpatuloy ang pag-iyak ni Shaina kaya dahan-dahan niyang pinuntahan si Shaina at niyakap. "S, always remember that I will not betray you, para na kitang anak o apo. Hindi ko kayang saktan ka o traydorin ka. Hindi ko alam kung anong mero'n ka pero hindi ko talaga kaya. Please trust me again, I'll investigate in this matter," mahinang saad ni Fred habang hinahagod ang likod ni Shaina.

Ilang minuto sila nanatili sa ganoong posisyon ng ma-realize ni Fred na tulog na si Shaina. Binuhat niya ito at hiniga sa mahabang sofa saka nagtungo sa kwarto ni Shaina.

Doon nakita niya ang mga nakakalat na litrato, recorder, at camera. In-examine niya ang lahat ng ito at nalamang puro ito peke. Tinawagan niya ang isang taga-intelligence department. Ang pinakamagaling na hacker ang siyang pinadala niya. Nag-bow kaagad ang lalaking ito ng dating sa kwarto ni Shaina.

"Ipa-biopsy mo ang mga gamit na ito. Tingnan mo kung kaninong mga fingerprint ang mga nakalagay sa mga gamit na ito maliban sa akin at kay Shaina. I-identify niyo within an hour," malamig na utos ni Fred sa lalaki. Mabilis namang umalis ang lalaki kaya nagtungo ulit siya sa opisina niya at tinungo ang sofa kung nasaan si Shaina.

Mahimbing itong natutulog at bakas pa ang mga luha sa mata nito. Maingat na pinahid ni Fred ang mga luha ni Shaina. "Sobra siguro akong nangungulila sa mag-ina ko kaya masyado akong attach sa iyo. Ano pa man ang dahilan kung bakit gusto kitang protektahan. Wala na akong pakialam, ang mahalaga ay maging ligtas ka," ngiting sabi ni Fred.

Nagpatuloy siya sa ginagawa bago dumating si Shaina kanina. Nag-aalala siya dito dahil 15 years old pa lang si Shaina at nararanasan na nito ang mga ganitong pangyayari. Natatakot siya na baka tumatak ang mga masasamang pangyayaring ito kay Shaina.

Hindi na niya namalayan ang oras dahil abala siya sa pagpirma ng mga papeles ng pumasok ang hacker na inutusan ni Fred kanina. "Master, may nakita pong tatlong fingerprint maliban sa fingerprint niyong dalawa. Isa doon ay si Lucas Devilio kanang kamay ng Raven Mafia. May isa ring fingerprint na nakuha namin sa mga gamit na hindi namin inaasahan," report ng hacker na pumasok.

Nilapag nito ang folder na hawak na siyang kinuha ni Fred para tingnan. Nanlaki ang mga mata niya ng mabasa ang pangalan ng isa sa mga nakahawak ng mga gamit. Yumukom ang mga kamay niya dahil hindi niya inakalang magagawa ng taong ito ang lahat ng mga ito.

"Imposible itong report na ito. Sigurado na ba kayo? Kapag nalaman ni Shaina ang tungkol dito sigurado akong masasaktan siya," naiinis na sabi ni Fred. Hindi niya inakalang involve ang taong ito sa mga nangyayari. Pinagkatiwalaan siya ni Shaina pero ganito lang ang nangyayari.

Masasabi niyang matalino ang taong nasa likod ng lahat. Hindi niya naisip na kaya nitong gawin ang lahat ng nangyari. Pakiramdam tuloy ni Fred, umpisa pa lang, napaglaruan na sila ng kalaban. Pero this time, sisiguraguhin niya na sa kanila ang huling halakhak.

--*--

Nasa isang madilim na lugar na naman si Shaina. May nakita siyang liwanag sa harap niya kaya pinuntahan niya ito. Doon ay nakita niya ang libro niyang Wrifia na nakalutang sa ere. Nilapitan niya ito kaya nag-flip ang mga pahina ng librong ito.

Kabanata 36

Gustuhin mang protektahan ni Ronald si Shaira ay hindi niya magawa. Gusto niyang protektahan ang dalaga pero paano? Paano kung ang mga tao sa paligid niya mismo ang gumagawa ng paraan para masaktan siya.

Hindi alam ni Ronald ang gagawin. Lalo na kung ano ang sasabihin sa dalaga kung magising na ito. Na mismong taong mahalaga sa kanya ang siyang may dahilan ng lahat. Ang taong pinagkatiwalaan niya na walang iba kun'di si...

Unti-unting napaluha si Shaina sa pagbabasa ng librong ito. Alam niya na nakasulat sa librong ito ang nangyayari sa kanyang buhay. Walang labis walang kulang. Lahat ng nasa libro na ito ay pawang katotohanan lang. Tinatanong niya ngayon sa sarili kung bakit naging ganito ang lahat.

Bakit hindi niya na-realize na isa pala sa taong pinapahalagahan niya ang siyang sisira ng buhay niya. Ngayon pati sarili niya tinatanong ni Shaina kung ano ang maaaring maging dahilan ng taong ito para patayin ang pamilya niya.

Napuno na ng galit ang puso niya. Ang gusto niya na lang gawin ngayon ay makuha ang ama at mapatay na ng tuluyan ang taong may gawa nito sa kanila.

Dumilat siya at nakitang nasa sofa siya ng opisina ni Fred. "Gising ka na pala, may dapat akong sabihin sa iyo," mahinang saad ni Fred.

"You don't have to, I already know it!" Malamig na saad ni Shaina. Kinuha niya ang laptop sa kwarto at hi-nack ang system nito. Mag lead na siya kung nasaan ang kanyang ama. Napangisi siya ng ma-realize na nakuha na niya ang eksaktong lugar na pinaglalagyan ng katawan ng kanyang Ama.

Mabilis na pumunta si Shaina sa opisina ni Fred. Ngayon alam na niya na mapapagkatiwalaan niya si Fred kahit anong mangyari ngayon, pagkakatiwalaan na niya si Fred.

Napangiti siya sa nabasa niya sa libro. Tatapusin na niya ang lahat ng ito, ngayon.

--*--

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon