3: Plan

4.6K 215 120
                                    

"Keep your friends close but the enemies closer so I must do everything to win this game"

-Shaina Deshna Leivere

Kabanata 3: Ang kanyang Plano

"Ayos ka lang ba baby? Nanaginip ka ba nang masama?" Nag-aalalang tanong ni Mina ang Ina ni Shaina. Agad na pinunasan ni Mina ang mga luha ng anak at ngumiti.

"I'm okay Mom. Ayos na ayos po ako," masayang sabi ni Shaina. Mabilis na pinunasan niya ang kanyang mga luha. Agad niyang napansin ang mga damit ng magulang.

Ito ang damit ng kanyang mga magulang ng araw na umalis ito papunta sa ibang bansa. Ang damit din na gamit nila ng sila ay huli nilang nakita. Kung maililigtas niya ang kanyang magulang, maililigtas niya rin ang kanyang Tito at Tita.

Ngayon, biglang na-realize ni Shaina na isang malaking domino ang sunod-sunod na pagkamatay ng kanyang mahal sa buhay.

Kung hindi mamamatay ang kanyang magulang ngayon, hindi rin mamatay ang kanyang Lolo, Lola, Tito at Tita.

Tila nagdiwang naman sa kaloob-looban niya si Shaina. Pagkatapos isipin ang kanyang mga susunod na hakbang ay sinumulan niya ng umarte na angkop sa kanyang edad.

"Aalis na po kayo?" malungkot na tanong ni Shaina. 'Kailangan kong pigilan ang pagsakay nila sa private plane na iyon' sabi niya sa kanyang isip.

Lumuhod si Mina at hinarap si Shaina na ngayon ay nasa katawan ng sampung taong gulang. "Baby napag-usapan na natin ito di ba? Pumayag ka na?" tanong ni Mina.

"Dito lang kayo," nagsimula ng umiyak si Shaina. Alam na niya ang gagawin para pigilan ang plane crash.

"Baby please!" nagmamaka-awang sabi naman ni Diego ang kanyang ama.

"Sa isa pong kundisyon," sabat ni Shaina. Tumutulo pa rin ang luha niya pero agad naman niya itong pinunasan.

"Ano yun baby? Kahit ano gagawin namin," ngiting sabi ni Mina.

"I want you to ride the public plane and fire our private pilot," determinadong sabi ni Shaina.

"Huh? Bakit baby?" Takang tanong ni Diego.

"Narinig ko po kasi kahapon si manong may kausap po siya sa telepono. Sabi niya siya na raw po ang bahala sa inyo at sisiguraduhin niyang mamatay kayo. Natatakot po ako ayoko po sa kanya bad po siya papatayin niya po kayo." May paiyak effect pa si Shaina para lang masunod ang gusto niya.

Maganda na rin na nasa katawan siya ng sampung taong gulang na bata dahil alam niya na maaari niyang magamit ito bilang advantage sa hinaharap. Pinilit niya na hindi maghisterikal lalo na't hindi ito ang katawan niya noon.

"Saan mo siya nakita?" tanong ng ama niya. Hinila siya nito sa Control Room sa Guard House. Iilan lang sa mga tauhan nila ang may alam na mayroong CCTV sa mansion. Agad nilang pinuntahan iyon saka tiningnan ang monitor.

"Sa... Ahhh uhmm..."

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin lalo na't hindi naman niya nakita ang totoong nangyari. Namamawis na ‘yong noo niya ng nakita ng kanyang Ama na may kausap ang piloto sa kusina bandang alas onse ng gabi.

"Magagamit ba 'yong audio ng CCTV na iyan?" tanong ng ama. "Opo magagamit po natin," sagot ng guard.

Habang pinapakinggan nila ang audio ay hindi maiwasan ng ama ni Shaina ang magalit. Paanong hindi siya magagalit? Pinag-uusapan lang naman sa telepono ang plano pata patayin sila ng asawa niya.

"Ricky i-book mo kami sa public plane ‘yong pinakamaaga ngayong araw. Tawagin mo rin si Alex at iharap mo sa akin!" galit na sabi ni Diego. Pilit naman siyang pinapakalma ng asawang si Mina dahil baka bigla itong magwala.

Gustong ngumisi ni Shaina ngayon dahil alam niyang hindi nagtagumpay si Evonne. Alam niyang ang Ama nito ang nagsabi sa kanya na bayaran ang piloto para patayin ang kanyang magulang. Habang si Ricky na siyang guard na naroon ay nagmamadaling umalis

Paano ba magkakapera ang isang sampung taon na batang babae? Sinabi ni Evonne 'yon bago siya mamatay. Ang unang pumasok sa kanyang isip ay ang Ama nito. Ang pinakapinagkakatiwalaang tao ng kanyang magulang.

"Daddy can I bargain with you?" tanong ni Shaina.

Biglang umamo si Diego saka lumuhod para magkapantay sila ng anak niya. Laking pasalamat nito sa anak na narinig ang usapan ng piloto at ng kausap nito kung hindi ay malamang patay na siya.

'Buti na lang pala at totoo ang nasabi ko kina Dad. Umaayon nga naman ang tadhana sa akin' nagdiriwang na sabi ni Shaina sa utak niya habang ang kanyang expresyon ay tila isang inosenteng bata.

"Ano ‘yon anak?" malambing na sabi ni Diego.

"Ipe-perfect ko po ang nalalapit na exam at mag-aaral po ako nang mabuti kung mangangako kayo sa akin na hindi kayo magtitiwala sa kahit sino maliban sa amin ni Mom, ako, si lolo, at lola. At hahayaan niyo rin po akong mag-enroll sa isang Self Defense Program. Okay lang po ba?" nanlaki ang mga mata ni Diego sa sinabi ng anak.

Parang hindi sampung taon ang kaharap niya ngayon. Para bang masyadong matured na ang utak nito kumpara sa edad. Pero ang lahat ng sinabi ng kanyang anak ay puro pabor sa side nila.

Tama rin naman ang anak. Kung si Alex nga na matagal ng nagtatrabaho sa kanila ay nagawa siyang traydorin. Ang iba pa kaya?

"Kahit pa po sa mga uncle at auntie ko o kay ninong 'wag po kayong magtitiwala," dagdag pa ni Shaina. Hindi niya alam pero pakiramdam ni Diego ay kailangan niyang sumang-ayon sa anak.

"Ayos lang ba ‘yon anak? Eh puro pabor sa amin ‘yang hinihingi mo eh," sagot ng Ina.

"Opo naman Mom. Gusto ko po itong gawin. Promise po 'di na ako magiging pasaway," ngumiti si Shaina na abot hanggang tainga niya.

'Hindi ko maaaring isiwalat kaagad na sila Evonne at Drake lalo na't wala akong ebidensya. Kailangan ko lang mag-ingat. Isa pa nabanggit din ni Evonne na may malaking tao ang nasa likod ng nangyari.’ Sekretarya ng Ama niya ang Ama ni Evonne at ninong niya ito noong bininyagan siya.

Paano magkakaroong nang malaking pera ang pamilya nila para gawin ang pagpatay sa buong pamilya niya nang malinis at walang iniwang ebidensya? Kaya kailangan niya talagang mapalapit kay Evonne para malaman niya ang mga plano nito.

'Keep your friends close but the enemies closer so I must do everything to win this game' sambit ni Shaina gamit ang kanyang isip.

"Bakit niyo po ako pinatawag?" tanong ni Ricky na kararating lang sa guard house kung saan sila naroroon.

"Mauna ka na sa Private Jet susunod na kami. Ayaw magpaiwan ni Shaina," malamig na sabi ni Diego. Nag-bow naman si Ricky saka umalis.

"Bakit hindi niyo po siya sinigawan?" tanong ni Shaina.

"May plano ako anak. Ricky ihanda mo na ang gamit aalis na kami. Anong oras ang flight namin?" tanong ni Diego.

"Two hours na lang po muna ngayon," sagit ni Ricky.

"Salamat. Aalis na kami at higpitan niyo ang seguridad dito habang wala kami." Nag-bow naman si Ricky saka hinanda ang gamit ng mag-asawa. Ilang sandali pa ay naka-alis na sila sa Mansion.

--*--

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon