20: Restrain

3.2K 147 12
                                    

"I need to be strong in order to revenge my parents,"

Samara Rain Kie

Kabanata 20: Pigilan

Pagkatapos mahuli ng mga wanted na sindikato ay iniharap ito sa media para matanong. Pero wala ni isa ang sumagot. Lahat sila ay nasa state of shock pa rin. Hindi nila alam kung paano sila nahuli. Masyado silang maingat sa kanilang operasyon kaya hindi nila inisip na mahuhuli sila.

Bigla nilang inisip kung may traydor sa kanilang grupo. Ang tanong nilang lahat sa kanilang isip. Pero kada iniisip nilang may traydor sa grupo nila, hindi sila maka-isip ng kahit anong pangalan. Walang nagpapakita ng pagta-traydor sa kanilang kasamahan.

Nagpaalam si Shaina para lumabas sa magulang na siyang pinayagan ng mga ito dahil nag-aalala sila sa kanya na baka kapag pinanatili nila ito sa bahay, baka mas magkaroon ito ng trauma. Pero pasekreto nila itong pinasundan sa mga bodyguard para sa kanyang proteksyon. Hindi na lang ito pinansin ni Shaina dahil alam niyang nag-aalala lang ang magulang niya.

Si Shaina naman ay pinuntahan ang bahay kung saan nanatili si Samara ng dalawang araw.

"Kayo pala Queen," nag-bow ang mga tauhan niya pero hindi niya ito pinansin at dumiretso lang sa training room.

"Kamusta ang pangalawang araw niya?" malamig niyang tanong. Alam niya na nakasunod sa kanya si Vin dahil ito ang madalas nitong gawin kapag nandito siya.

"Nasa basic pa rin po kami. Masyadong mahina ang katawan niya kaya kailangan muna naming palakasin ang endurance niya. Determinado siyang matuto ang masasabi ko lang," saad ni Vin.

"Samara sumunod ka sa akin," malamig na saad niya.
Sumunod naman ito ng walang alinlangan.

"Kailangan mong matutunan ang pagtago ng iyong emosyon. Ito ang magiging una mong leksyon mula sa akin," saad niya.

"Pa-paano ko naman gagawin iyon?" tanong nito.

"Simple lang, kailangan mong manatili sa kuwarto na ito," binuksan ni Shaina ang isang pinto saka binuksan ang ilaw. Doon ay nakita ni Samara na napapalibutan ng kulay green na pintura ang lahat ng nasa paligid at walang ibang gamit ang nasa loob maliban na lang sa refrigerator na nasa gilid.

"Mananatili ka ng tatlong araw sa kuwarto na ito. Huwag kang mag-alala dahil may pagkain sa loob ng ref. Ang kailangan mo lang gawin ay magpakatatag. Huwag pairalin ang emosyon lalo na ang galit at sakit," instruct niya pa.

Malamyang tumango si Samara kay Shaina. Parang ngayon pa lang ay naiiyak na naman siya dahil naalala na naman niya ang kanyang magulang na pinatay sa kanyang harapan. Alam niyang mahina pa siya, simpleng 5 laps nga lang ay hindi niya na magawa. Ang hina ng katawan niya para sa kanya.

"Aalis na ako, tandaan mo, kung gusto mong maghiganti sa mga taong pumatay sa magulang mo, kailangan mong maka-survive ng tatlong araw dito," iyon ang huling sinabi niya bago umalis.
Pagkalabas na paglalabas pa lang ni Shaina ay gumana na ang projector sa paligid ni Samara. Ang buong paligid ay naging katulad nung araw na namatay ang magulang niya.

Ang mga gamit ay parang totoo. Nanlaki ang mata ni Samara sa nakita. "A-ano to?"

Kitang-kita niya ang pagpa-panic sa mukha ni Samara habang pinapanood niya ang mga galaw nito.

"Queen, masyado naman atang brutal ‘yang ginagawa mo sa kanya. Paano kung ma-trauma siya?" nag-aalalang saad ni Vin.

"Huwag kang mag-alala dahil subok ko na ang method na ito," ngisi niyang saad habang naalala ang nangyari sa kanya bago siya muling nabuhay limang taon na ang nakakalipas. Ang method na ito ang nakapagpatatag sa kanya. Naalala niya 'yung araw bago siya bumalik sa nakaraan. Ipinakita ng lugar na iyon lahat ng takot niya. Lahat ng ayaw niyang makita, nakita niya.

Alam niyang magtatagumpay siya sa gusto niyang gawin kay Samara. Pareho sila noon, parehong mahina.

"Magiging maayos ang lahat. Just trust me," ngising sabi niya.

--*--

Patuloy ang pag-iyak ni Samara habang pinapanood ang iba't ibang paraan ng pagkamatay ng mga mahal niya sa buhay. Hindi niya alam ang gagawin lalo na't nakakaramdam siya ng takot. Hindi niya na nga rin alam kung ilang araw na siya sa loob. "Ta-tama na!" nanginginig na saad niya.

Sumiksik na siya sa dulo at saka tinakpan ang kanyang tenga at pinikit ang mata.

Pero kahit anong gawin niya para itong nagpe-play lang sa loob ng utak niya.

“Kung gusto mong maghiganti sa mga taong pumatay sa magulang mo, kailangan mong maka-survive ng tatlong araw dito,” paulit-ulit niyang naririnig ang mga katagang iyon sa kanyang isip.

Kung sa ganitong paraan, susuko na siya, paano pa kaya ang mga mas matitindi pang mangyayari sa kanya? Bakit ba ang hina-hina niya? Nasa labas lang ang pumatay sa magulang niya, malayang nakakagalaw samantalang siya, takot na takot sa sulok. Takot sa nakikita, takot na bumalik sila para patayin siya.

Hindi siya sanay sa ganitong mga tagpo pero kailangan niyang lumakas para sa kanyang magulang. "I need to be strong in order to revenge my parents," determinado niyang saad.

"Hindi ang pangyayaring ito ang tatapos sa lahat," tumayo siya at buong tapang na pinanood ang lahat ng nangyayari. Pinigilan niya ang emosyon saka kinalma ang sarili. Kahit anong galit niya o kahit ang pag-iyak niya ay pinigilan niya. Kailangan niyang ma-immune sa ganitong uri ng buhay.

Alam niya kasi ng oras na sumama siya kay Shaina, delikado na ang buhay niya.

--*--

Hindi niya alam kung anong araw na ngayon pero pinapanood niya pa rin ang mga nasa harap niyang nangyayari sa kanyang mga mahal sa buhay. Hindi kagaya noong unang pasok pa lang niya dito, hindi na siya nagpa-panic.

Bagkus punong-puno na ng galit ang loob niya. Ang kaibahan din, kaya na niyang pahupain ang galit na nakuha niya mula sa mga napapanood. Nakuha niya pang kumain sa harap ng mga ito dahil na rin sa inuna niya ang kanyang gutom o kaya naman pati na ang pagtulog kapag pagod na siya.

Nagulat na lang siya ng biglang nawala ang pinapanood niyang pagpatay sa magulang niya. Naging kulag green ulit ang paligid. Isang liwanag ang biglang bumukas sa loob at doon ay nakita niya si Shaina na nakangisi sa kanya.

"Don't you know that you stay here for two weeks?" nanlaki ang mata ni Samara pero agad ding nawala ang emosyon sa kanyang mukha.

"Follow me," saad ni Shaina. Sumunod naman siya at walang emosyong naglakad sa likod nito. Dumating sila sa isang kulungan kung saan naroroon ang tatlong lalaking halos bugbog sarado na.

"Isa lamang 3D ang napanood mo sa loob ng illusion room. Dito makikita mo kung paano patayin ang mga traydor na katulad nila," saad nito. Nilagyan siya ng posas sa upuan at doon ay hinarap sa kanya ang tatlong iyon. "Torture them in the most brutal torture you ever know," malamig na saad ni Shaina. "Siguraduhin niyong hindi kaagad mamamatay ang iyan.”

Nakaramdam siya ng panlalamig. Hindi pa man nagsisimula ang pangto-torture.

Hanggang sa nagsimula na ang mga tauhan nito sa panggugulpi sa mga traydor.

Naamoy niya ang dugo na pakiramdam niya ay babaligtad ang sikmura niya. At ganoon nga ang nagyari, napasuka siya sa gilid dahil na rin sa lansa ng dugo. Pero ang pinagtataka niya ay kung bakit hindi na siya takot makakita ng bangkay at pagpatay na ang initial reaction niya ay pagpa-panic?

--*--

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon