27: Truth

2.8K 123 3
                                    

"Fantasy ang Wrifia, Shaina. Paano nangyari iyon?"

Samara Rain Kie

Kabanata 27: katotohanan

Limang araw na ang lumipas pero mas lumalala ang pagwawala ni Shaina. May pagkakataon pa na nakakapatay siya ng kung sino man ang nasa paligid niya. Kaya medyo nasa secluded area siya ngayon.

Unstable ang mental health niya kaya masyado ng nag-aalala ang lahat sa paligid niya. Kahit pa si Fred sobrang nag-aalala na kay Shaina dahil parang apo na ang turing niya dito. Habang si Samara naman ay nagpapatuloy pa rin sa pagpasok sa school kasabay ng pagpasok din sa kumpanya. Tinuturuan siya ni Ashley sa lahat ng kailangan niyang malaman kaya malaki itong tulong para sa kanya. Habang tumatagal, natutunan na ni Samara ang maging maingat sa pagdedesisyon, pagha-handle ng kumpanya niya, pati ang pagtitiwala sa mga tao sa paligid niya. Lagi siyang alerto sa kanyang Uncle at pina-imbistigahan niya ito. Kailangan niyang tanggalin sa kanyang pwesto ang Uncle Winston niya.

Tinanggal na rin ni Samara ang ilan sa mga kakampi ni Winston Lura lalo na sa mga pinakamababang departamento.

Alam rin niyang mas lalong nagalit sa kanya si Winston dahil lagi siya nitong prino-provoke. Pero dahil sa mga lesson na natatanggap niya mula kay Ashley, hindi ito nagtatagumpay. Ang laki ng galit nito nu'ng tinanggal niya sa presto ang CFO ng Kie Company at pinaltan ng mas magaling at mas loyal na empleyado.

Dahil dito, tumataas sa rapid rate ang sales ng kanilang kumpanya at nabayaran niya kaagad ang lahat ng utang nito. Dahil din dito, satisfied ng sobra sa kanyang performance ang iba pang investors at board members.

--*--

Ngayong araw, bumisita ulit si Samara para kamustahin si Shaina. Gusto niya itong tulungan gaya ng pagtulong nito sa kanya.

Dere-deretso siyang pumunta sa kwarto nito. Pagkabukas pa lang ng pinto ay medyo madilim ang paligid kahit na umaga pa lang. Nakasara kasi ang kurtina at isang maliit na lamp lang ang makikita mong nakabukas. Magulo ang paligid, may ilang gamit ang nakakalat at may mga sira rin. May nakita ring trace ng dugo si Samara kaya nag-alala siya para sa kaibigan.

Hindi siya sanay, para kasi sa kanya, si Shaina ang pinakamalakas at pinakamatalinong tao na nakilala niya. Pero ngayon, sa nakikita niya, para itong isang tao na napakahina.

Nakita niya sa sulok si Shaina. Nakatupi ang mga binti nito kapantay ng kanyang mukha. Ang kamay nito ay nakapatong binti at nakayuko. Rinig na rinig niya ang hikbi ni Shaina.

Kahit siya nakaramdam ng awa sa dalaga. Pakiramdam niya, iiyak na rin siya. Pareho sila ng kalagayan, pareho silang namatayan. Pareho silang nagluluksa, pero ang kaibahan lang ay may Ama pa si Shaina samantalang siya, wala na.

"Shaina, alam ko, ayaw mo ng kausap. Pero nandito lang ako sa tabi mo. Hindi iiwan, natatandaan mo ba? Nu'ng mga panahon na namatayan ako? Ikaw ang dumamay sa akin kaya nandito ako para damayan ka," mahinang saad ni Samara. Sinubukan niyang lumapit, malapit na malapit.

"Wala kang alam, Samara, wala!" Hikbing sabi ni Shaina. Patuloy ito sa pag-iyak na minsan ay nakakarinig na si Samara ng sinok.

"Paano namin malalaman? Hindi ka namang nag-oopen sa amin. Shaina, hindi mo ba nakikita? Pareho tayo ng pinagdaanan, pero bakit ikaw? Masyado mong dinamdam? Maraming tao ang umaasang maging maayos ka, leader ka ng Mafia, Shaina. Hindi ka dapat nagpapakita ng kahinaan!" Sigaw ni Samara. Parang binuhusan ng malamog na tubig si Samara ng ma-realize ang ginawa.

"So-sorry," mahinang saad ni Samara. Nagulat na lang si Samara ng bigla niyang maramdaman ang kamay ni Shaina na nakapulupot sa kanya. Yumakap si Shaina sa kanya at nagsimulang umiyak ng malakas.

Napangiti ng kaunti si Samara kasabay ng pagtulo ng luha niya. Ramdam na ramdam niya ang sakit na nararamdaman ni Shaina. Sobra siyang relatable sa nangyayari kay Shaina ngayon.

"Samara, maniniwala ka ba kung sinabi ko sa iyong, namatay na ako dati?" Mahinang saad ni Shaina. Napakunot ang noo ni Samara sa sinabi ni Shaina. Hindi niya maintindihan.

"'Yung Wrifia na sinulat ni SS..." Mahinang saad ni Shaina. Pinakinggan niya lang ang lahat ng sinasabi ni Shaina pakiramdam niya kailangan niyang makinig.

"Kalahati ng storyang iyon, ay totoo..." Dagdag pa ni Shaina. "Fantasy ang Wrifia, Shaina. Paano nangyari iyon?" Takang saad ni Samara. Isa siyang tagahanga ni SinisterScribe kaya alam niyang Fantasy iyon.

"Sa maniwala ka man o hindi, totoong nangyari ang pagkabuhay ni Shaira doon. Ako ang nagsulat ng Wrifia dahil halos buong kwento no'n ay totoo," mahinang saad ni Shaina.

"Sa una kong buhay, namatay si Mom at Dad dahil sa plane crash na plano ni Evonne at ng pamilya niya. Pero napigilan ko itong mangyari ng nag-ten ako," mahinang saad ni Shaina.

"Si Shaira ay ako, si Evelyn ay si Evonne at si Rage ay si Drake, sila ang pumatay sa akin, pinatay nila ako sa mismong araw ng kasal namin," may halong galit na sabi ni Shaina. Nagyuyukom ang mga kamay ni Shaina habang sinasabi niya ang lahat ng iyon.

"Ahh! Shaina, sa tingin ko, kulang ka lang sa pahinga. Magpahinga ka muna kasi kung ano-ano na ang sinasabi mo," pag-iiba ni Samara sa kanilang usapan. Kumakabog ang dibdib niya. Pakiramdam niya, nasisiraan na ng bait si Shaina.

Inalalayan niya si Shaina na makahiga sa kama nito. Habang si Shaina naman ay tiningnan lang siya ng blangko. "Hindi ka naniniwala?" Blangkong tanong ni Shaina.

"Eh, Shaina, imposible naman kasi iyang sinasabi mo. Hindi naman totoo iyang rebirth na nagbalik ka sa edad na ten at naghihiganti sa mga taong gumawa noon sa iyo. Masyadong imposible," pag-amin ni Samara sa kanya.

"I see..." Tumalikod si Shaina sa kanya saka nagtalukbong. "Pwede ka ng umalis," malamig na saad ni Shaina. "Pero, Shaina-" hindi na natuloy pa ni Samara ang sasabihin ng biglang sumigaw si Shaina.

"Hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog? Sinabi kong umalis ka na!" Sigaw ni Shaina. Napabuntong siya ng hininga at malungkot na umalis. Hindi niya alam kung bakit naging ganoon ang pakikitungo ni Shaina sa kanya.

Kanina lang, maayos na sila. Hindi niya talaga alam kung bakit naging ganoon ang pakikitungo sa kanya ni Shaina. Mahirap talaga para sa kanya ang basahin ang nasa isip nito.

Para siyang jigsaw puzzle na maraming piraso ang nawawala. At hindi mo makikita ang tunay na itsura nito hangga't hindi mo nabubuo.

Sa ngayon, kung ganito nga ang sitwasyon, kailangan niyang hanapin ang mga piraso na iyon para mapalapit kay Shaina. Gustong-gusto niya talagang maging kaibigan ito.

Puro day dreaming ang nasa isip ni Samara papalabas ng kwarto ni Shaina ng hindi niya nakita ang tubig na nasa sahig. Pagkatapak niya palang ditp ay bigla siyang nadulas. Sinubukan niyang mabalanse ang sarili pero hindi niya nagawa.

Sa huli isang sigaw na lang ang pinakawalan niya bago siya tuluyang bumagsak. May naaninag pa siyang tao sa harap bago siya tuluyang nanghina, pinikit niya na lang ang mga mata at hinayaan ang sarili na lamunin ng dilim. Napangiti na lang siya ng mapait, ito na ba ang katapusan niya? Bakit ngayon pa? Ngayong hindi pa nakakamit ng kanyang magulang ang karapat-dapat na hustisya para sa pagkamatay nila? Kapag nabuhay siya sa aksidenteng ito, bibilisan na niya ang proseso ng paghihiganti.

--*--

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon