8: Changing

3.7K 178 6
                                    

"Why don't you submit it to the publishing house? You have a potential to be a writer"

-Alfredo Tanakashi

Kabanata 8: unti-unting pagbabago

Isang taon ang lumipas ay nagpatuloy sa training si Shaina. Nagsimula siya sa basic hanggang sa pahirap nang pahirap. Pero alam niya na kulang pa ang kakayahan niya.

Hinayaan niyang masaktan ang sarili simula ng nagsimula sila sa kanyang pagsasanay. Hindi siya tumitigil sa pagkilos at pagkatuto ng mga bagong skills. Hindi niya rin nililimitahan ang sarili at patuloy lang sa training hanggang sa lumawit na ang kanyang dila sa pagod.

Nalaman niyang marami pa pala siyang hindi alam. Na lahat ng kanyang pinaniniwalaan, ay puro sugar coated. Ang kurapsyon nga lang ng gobyerno, hindi na niya masikmura, paano pa kaya ang Underground Society? Minulat siya ni Fred sa reyalidad na siyang hindi niya nakita sa unang buhay.

"Kamusta S?" tanong ng isang boses sa likod niya. Tiningnan niya ito at nalamang si Alfredo pala o mas kilala bilang Master Fred.

"Maayos naman, Master," malamig na tugon ni Shaina. Isa ito sa mga natutunan niya, ang itago ang totoo niyang emosyon. Pinagpatuloy niya ang pagbaril sa 100m na target niya.

"Sumunod ka sa akin," malamig din na utos ni Fred sa kanya. Agad niyang tinanggal ang gear niya na salamin at head set pati ang baril na hawak niya ay binitawan niya.

Agad siyang sumunod kay Fred na naglalakad na papalayo. Habang lumilipas ang oras ay padilim nng padilim ang paligid. Naka-amoy rin siya ng masangsang na amoy katulad ng dugo. Hinayaan niya lang ito at nagpatuloy na naglakad.

Sa dulo ng lugar ay makikita mo na isa itong dungeon. Maliwanag na ang parte sa dulo dahil puno ito ng ilaw. Marumi ang paligid lalo na't visible pa ang mga tuyong dugo sa paligid. May nakita siya roong lalaki na puno na ng dugo at halos hindi na makilala. Malamig niya itong tiningnan.

"B-boss! Pa-tawad! Hi-hindi na mauulit!" utal-utal na sambit ng lalaki.

"He commit treason, S. You must kill him to proved your loyalty," ngising sabi ni Fred. Binigay niya ang isang caliber 45 kay Shaina gamit mismo ang kamay niya.

Nanginginig naman itong tinanggap ni Shaina. Ang isipin lang na papatay siya ay halos kumabog na ang dibdib niya at 'di na siya makagalaw.

Pinilit niyang itinaas ang baril at itutok sa lalaki habang nanginginig. Hindi niya maitutok nang maayos ang baril. Pati ang kalabitin ito ay hindi niya kaya.

"Anong problema? Hindi mo kaya? Paano mo maililigtas ang pamilya mo kung simpleng pagpatay lang sa traydor na iyan ay hindi mo kaya. Paano pa kaya kung makaharap mo ang totoo mong kalaban," pagsasalita ni Fred. Napahigpit ang hawak ni Shaina sa baril habang nanginginig pa rin ang mga ito. "Isa lang siyang basura S. Hindi ba dapat nililigpit ang basura?" dagdag pa nito.

"Ma-maawa ka. Ma-may pa-pamilya ako," nanginginig na sambit ng lalaki. Halos luhuran na nito si Shaina kaya nagdadalawang isip siya sa gagawin.

"Hindi ka mananalo sa sarili mong laban kung magpapakita ka ng awa. Sa mundong ito, walang lugar ang awa at malasakit. Kailangan mong pumatay para mabuhay. Wala na ang dati mong buhay S, bawat galaw mo may kaakibat na panganib," dagdag muli ni Fred.
Binaba ni Shaina ang baril na siyang kinainis ni Fred. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Malamig na tanong ni Fred kay Shaina.

"Hi-hindi ko kaya!" nanginginig ang boses ni Shaina dahil alam niya na magagalit si Fred. Takot siya sa lalaki dahil alam niya kung ano ang kaya nitong gawin. Siya mismo ang nakakita kung paano pumatay ang kanyang master. Wala itong patawad kung pumatay na siyang kinakatakot niya ngayon.

"Ngayon ka lang ba makakapatay? Sabagay, masyado ka pang bata. Bakit hindi mo isipin na ang lalaking iyan ang kalaban mo? Na kapag hindi mo siya pinatay ay ikaw ang papatayin niya," malamig na sambit ni Fred.

Nagblangko ang utak ni Shaina dahil sa sinabing iyon ni Fred. Bigla na lamang namuo ang imahe bago siya namatay. Unti-unting nabuo sa isip niya si Evonne na nakangisi sa harap niya habang may hawak itong kutsilyo at puno ng dugo.

Walang alinlangang itinaas ni Shaina ang baril at pinutok ng sunod-sunod sa harap niya. Sa mismong ulo ni Evonne nakaramdam siya ng matinding puot at galit. Sumigaw siya sa sobrang galit niya. Gusto niyang patayin ang kaharap niya ng paulit-ulit hanggang sa hindi na ito makilala.

Naubos na ang bala ng baril pero patuloy pa rin sa pagkalabit ng gatilyo si Shaina. "Tama na iyan S. napatay mo na ang nasa harap mo," malamig na sambit ni Fred. Doon lamang natauhan si Shaina at nakita ang kalagayan ng lalaking kaninang nagmamakaawa sa kanya.

Butas ang noo nito, may tama rin sa tiyan, balikat, pati na rin sa mismong bunganga nito. Nabitawan niya ang baril at napatakbo. Nakaramdam siya ng konsensya kaya tumulo ang luha niya habang tumatakbo.

"Hindi ko alam na matindi ang galit sa puso niya. Magaling, hindi ako mahihirapang gawin siyang halimaw na kakatakutan ng lahat. Ngayon, sigurado akong nakakaramdam pa siya ng konsensya. After all, it is her first time to kill anyone," ngising sabi ni Fred.

Samantalang hindi naman mapalagay si Shaina dahil sa nangyari. Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang ginawa niyang pagpatay kay Evonne at Drake pati na ang pagpatay niya sa lalaki kanina. Sa panahon na ito, ang pagpatay niya sa lalaki ang una niyang pagpatay. Pero kung isasama ang nangyari bago bumalik ang panahon ito na ang pangatlo niyang pagpatay.

Nakokonsensya siya sa ginawa niya ngayon lalo na't wala namang kasalanan ang lalaking iyon sa kanya. Pero ang konsensya na patayin si Evonne at Drake? Wala siyang makapang konsensya.

Pakiramdam niya ay napakasama niyang tao. Pakiramdam niya hindi na siya ang inosenteng si Shaina na walang ibang ginawa kung 'di ang sumunod sa utos ni Evonne dahil ito lang ang kaibigan niya.

Patuloy pa rin ang pagkabog ng dibdib niya. Pakiramdam niya ay naroon pa rin siya eksena kanina. Ito ang problema niya sa pagkakaroon ng photographic memory. Kahit ayaw niyang maalala ang isang bagay, lagi niya pa rin itong naalala.
Kinuha niya ang laptop niya at nagsimulang buksan ang website na ginawa niya noon. Sinulat niya ang lahat ng nararamdaman dahil gusto niyang mailabas ang lahat. Pakiramdam niya kasi, 'pag hindi niya ito nilabas, sasabog siya sa sobrang stress.
Dahil sa ginawang pagsusulat ay unti-unting gumaan ang loob niya. Dahil din doon ay nakalimutan niyang itaas ang alerto niya sa paligid.

"Hindi ko alam na gumagawa ka pala ng istorya," nagulat siya sa boses na iyon kaya mabilis niyang kinuha ang baril at tinutok sa nagsalita.

"Take it easy, ako lang ito," ngiting sabi ni Fred. Binaba niya ang baril kaya ngumisi si Fred. "Hindi mo dapat binababa ang guard at alertness mo. Paano kaya kung kalaban ako? Eh 'di kanina ka pa namatay. Nabasa ko ang mga sinulat mo sa laptop mo na iyan, hindi mo ba alam?" tanong ni Fred.

Napayuko siya sa hiya. Isang taon na siya rito pero hindi niya pa rin natatandaan ang mga tinuro nito sa kanya.

"Why don't you submit it to the publishing house? You have a potential to be a writer," tanong ni Fred.

"I..." Hindi makapagsalita si Shaina dahil doon.

--*--

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon