31: SS Restaurant

2.6K 124 22
                                    

"Maka-karma ka rin,"

Samara Rain Kie

Kabanata 31: SS Restaurant

Tatlong oras ang lumipas ng magsimula sila. Naka-tanghod ngayon sa computer si Shaina para gumawa ng Jackets ng mga libro. Nakasalamin siya ngayon na may Anti-Radiation para hindi masyadong sumakit ang mata niya. Binabasa niya muna ang sampung chapters ng mga script bago siya gumawa ng Book Cover Jacket. Mostly matured 2 D drawings ang ginagawa niyang jackets specially sa mga Fantasy type.

Pero gumagawa rin siya ng 3D type drawing lalo na sa Horrors at Mystery Thriller. Mostly kapag totoong tao ang gagamitin niya sa Book Cover, o mga scenery. Siya mismo ang kukuha ng pictures lalo na't baka makasuhan sila ng plagiarism kung kukuha sila ng pictures sa internet bilang resources ng kanilang mga book cover design.

Pati ang mga effects na ginagamit niya ay sariling gawa ni Shaina gamit ang apps na ginawa niya solely for her interest in making Book Covers.

Ang apps o site na ito ang gamit ngayon ng mga Book Cover Maker ng buong Heartfield Publishing House base na rin sa permiso niya. Ito ang dahilan kaya hindi naging backlash ang cover nila sa iba. Maraming gustong magpabagsak sa Heartfield Publishing dahil na rin nasa kanila si SS, ang pinakasikat at pinakanakakabenta ng libro, hindi lang sa bansa kung hindi pati sa buong mundo.

Isang world-class authors si SinisterScribe kaya maraming nagkaka-interest sa kanya.

"Shai! Paano mo ba nagagawa ang 3D jackets na iyan? Ang swerte talaga ng mga Writer na gagawan niyo ng Book Jackets!" Manghang sabi ng nasa gilid ni Shaina. "Kailangan lang kalikutin ang mga features na mero'n ang site na ginawa ko para dito," saad ni Shaina.

"Shai, lalagay mo ba ang pangalan mo as Editor?" Tinanguan lang ito ni Shaina. Nagpatuloy siya sa pagawa ng Jackets. "Yeah! I'll put my name as an editor," sagot ni Shaina. Ilang minuto lang ang nag-tagal ay nagbell na hudyat sa kanilang break time. "Oh! VIP Room na sa SS Restaurant," masayang saad ng isa sa mga Graphic Artist.

May malapit na SS Restaurant sa kanilang lugar. May sarili silang kwarto doon at doon sila kumakain lahat. Sila ang nagbabayad ng pagkain pero discounted ito sa ordinaryong presyo ng pagkain kaya sulit para sa lahat ng empleyado ng Heartfield. Nagsitsyuan na ang lahat at naglabasan.

Doon ay mabilis na naglakad papunta kay Shaina si Samara ng makita niya itong lumabas. "Tama ka nga, madali lang ang pagiging type setter," ngiting sabi ni Samara. Lumingkis kaagad si Samara sa kanya at saka sumabay sila sa mga empleyado na naglalabasan. "Shai! Halika na haha!" Sabi ni Lorenz.

"Samara! Saan ka pupunta? Sabay ka na sa amin," ngiting sabi ni Leonel. Nakita ni Samara ang biglang pag-irap ni Evonne kay Shaina. "Trainee rin ba kayo? Sumabay na kayo sa amin, sasabay din itong sina Shai-Shai," ngiting sabi ni Lorenz.

"Okay," pa-cute na sabi ni Evonne. May pagkamatipuno kasi si Lorenz kaya nagpapa-cute siya. Tinanggal naman ni Shaina ang pagkaka-akbay ni Lorenz sa kanya. "Senior stop putting your arms on my nape," inis na sabi ni Shaina. Tinawanan lang siya ni Lorenz saka lumabas.

--*--

Pagdating pa lang nila sa SS Restaurant ay binati kaagad sila ng mga crew. 'Yung iba ay nagulat pa na kasama ng mga employee ng heartfield si Shaina na boss nila pero tikom ang mga bibig nila.

"Isa ito sa mga restaurant ni SS hindi po ba?" Natutuwang sabi ni Evonne. "Yup! Dito kami kumakain. May pagkaing mura dito at mayroon ding hindi. At dahil nga sa kilala kami ni SS, may sarili na kaming kwarto dito at may discount na ang mga order namin," ngiting sabi ni Lorenz.

"Kami rin po ba?" Nagniningning ang mata ni Evonne habang nagtatanong. Gusto niya kasi ang mga cuisine ng restaurant ni SS. Idol niya rin ito at masarap para sa kanya ang mga pagkain na nandito. Kaso hindi niya kayang bilhin ang gusto niyang pagkain na nagkakahalaga ng 2,540 per serving lang. Sa ngayon, allowance niya na iyon sa loob ng iaang linggo.

Dahil nga hindi na siya nakakagastos ng pera ni Shaina at hindi siya willing gamitin ang pera niya kaya ganyan na kaliit ang kanyang allowance. Lahat ng kaibigan niya noon ay lumayo na sa kanya simula ng ilabas ni Shaina ang totoo na hindi siya Lievere.

Maliban kay Leonel na tinulungan siya sa mga gastusin niya. Si Leonel ang nagi-ispoil sa kanya ngayon kaya nakakapag-shopping ulit siya katulad dati.

"Kung may VIP Card ka, bakit hindi?" Ngiting sabi ni Lorenz. Doon na ay kanya-kanya ng pwesto. Nasa pinakadulo ng lamesa si Shaina tapos sa kanan sa gilid niya si Samara. At sa kaliwa sa gilid naman si Evonne katabi si Leonel. Katabi ni Samara si Lorenz at sunod-sunod na ang lahat.

"Guys! Dating gawi!" Announce ni Shaina. Nag-ingay naman ang lahat dahil sa sinabi ni Shaina. Napakunot ang noo ni Evonne at Leonel sa sinabi ni Shaina. Habang si Samara ay alam na ang ibig sabihin ni Shaina dahil nasabi iyon kanina ni Lorenz sa kanya.

Kinuha na ni Samara at ng iba ang mga menu. Marami ang nag-order ng mga mahal na pagkain na kinagulat ng dalawa. "Uhm anong ibig sabihin ng dating gawi?" Takang tanong ni Evonne. "Mag-order ka ng kahit ano!" Ngiting sabi ni Lorenz kau Evonne. Nag-blush naman si Evonne sa ngiti ni Lorenz.

"Pe-pero..." Nahihiyang saad ni Evonne kasabay ng pagpapa-cute. "Wag kayong mag-alala sa bill," dagdag pa ni Lorenz. Dahil doon ay nag-order ng pinakamahal na Dish si Evonne.

'Wala talaga siyang hiya! Ang kapal ng mukha na mag-order ng mahal na dish!' Saad sa isip ni Samara. "Maka-karma ka rin," inis na saad ni Samara sa isip. Sinamaan ng tingin ni Samara si Evonne pero sadyang makapal talaga ang mukha ni Evonne at hindi ito napapansin.

Hindi naman ito napapansin ni Leonel na nasa gilid niya. "Karmahin ka sana!" Mahinang bulong ni Samara.

Pagkatapos ng Lunch ay pumasok na ang mga magliligpit. "Ano iyang bill na iyan?" Tanong ni Lorenz ng nakakita siya ng biller. "Ahh sir Lorenz. Alam niyo naman po na hindi banayaran ni SS ang inorder niyo na lumagpas sa 1,000 pesos. May nag-order po kasi sa inyo ng Primata. Nagkakahalaga po ng 2,540," paliwanag ng biller.

"Sinong nag-order ng Primata?" Tanong ng isa sa mga employee. Namawis naman si Evonne lalo na't siya ang nag-order non. Hindi rin napansin ng iba lalo na't galit-galit sila savtuwing kumakain.

"Ako na ang magbabayad nan basta sabihin niyo kung sinong nag-order na'n?" Tanong ni Shaina. "Ang bait talaga ni Shai-Shai, " kantyaw ni Lorenz. Wala pa ring nagsasalita.

"Oh! Mag-salita na kung sinong nag-order, ililibre na nga kayo ayaw niyo paumamin," pagpaparinig ni Samara kay Evonne pero nanatiling tahimik si Evonne. "Ate! Pakilabas nga yung order slip ng Primara ng malaman kung sino ang nag-order," utos ni Lorenz kaya mas lalong mas pinagpawisan si Evonne. Napangisi naman ng palihim sina Samara at Shaina.

"Ang bilis ng karma!" Bulong ni Samara kay Shaina. Doon na nga dumating ang biller na kasama ang order slip. Si Lorenz mimso ang tumingin sa slip na iyon.

--*--

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon