22: First Step

3.1K 159 5
                                    

"So? Have you decide?"

Shaina Deshna Leivere

Kabanata 22: Unang hakbang

Nilapag ni Shaina ang mga papeles na nasa table niya. Nakalagay dito ang mga affidavit ng transaction ng company na hawak ng Pamilyang Kie. Lahat ng ito ay may kaugnayan sa mga Lura, ang isa pa sa nakikita niyang kahina-hinala ay ang pagkakaroon ng madalas na transaction sa pagitan ng Villafuerte, ang pamilya ni Drake at sa mga Lura.

Isa lang ang ibig sabihin nito, may kinalaman din ang Lura sa mga nangyari sa una niyang buhay. Kung may ugnayan ang mga ito, maaaring isa ito sa mga clue na kailangan niya. Iniisip niya na ngayon, ano bang nangyari kay Samara sa huli niyang buhay?

Namatay kaya ito sa ambush Kie Family? O may nagligtas din sa kanya? Co-incident lang ba ang pagkakakilala nilang dalawa? O may malalim pang dahilan? Napatawa siya ng mahina sa sarili niya.

Mapagbiro nga talaga ang tadhana. Iniisip niya ang mga kaganapan sa nakaraan niyang buhay at habang inaalala niya ito, nanlaki ang mata niya sa nakita.

Nagkakilala sila noon ni Samara. Isa itong spoiled brat at napaka-arteng babae. Nabangga niya ito tatlong araw bago ang massacre sa loob ng Kie Family Mansion. Napanood niya pa sa news ang nangyari. Nawala daw na parang bula si Samara at hindi nakita ang bangkay nito. After five year, declared dead si Samara dahil sa wala silang nakitang presensya nito. Napunta sa mga Lura ang lahat ng kayamanan ng Kie Family sa legal na paraan dahil sila na lang ang natitirang pamilya ng mga Kie.

Iniisip niya na kung spoiled brat si Samara sa una niyang buhay, bakit ngayon hindi? May nangyari bang hindi niya alam?

Base sa unang pagkikita nila ni Leonel, ang nag-iisang anak ng pamilya, wala itong alam sa nangyayari sa paligid niya. "May kaugnayan ba ang mga Lura sa gustong magpapatay sa akin?" saad niya pa. Pinagmasdan niya pang muli ang lahat ng papeles.

Pakiramdam niya ay may nakaligtaan siyang maliit na bagay pero hindi niya alam kung ano. Pakiramdam niya rin na mahalaga ito kaya ginagawa niya ang lahat para makita ang maliit na bagay na ito. "Hindi ko talaga makita," naiinis na sabi niya sa sarili.

Inayos niya muna ito saka kinuha ang laptop para magsulat. Isa ang pagsusulat sa nakakapagpakalma sa kanya. Kaya ito kaagad ang ginagawa niya sa tuwing may malakas na emosyon siyang nararamdaman.

Stacey cannot breathe for some reason. She presses her chest using her palm and breath heavily as she can. She picks up on of the document where she sees everything that her family done to her Parent's Company.
Stacey cannot accept the fact that her Uncle just used her to trigger the dilemma. Her Asthma is worsting and she can't do anything but to breath and breath.

Until she reaches another paper that |

"That's right!" napatigil siya sa pagsusulat saka tiningnan muli ang mga papeles. Napangisi naman siya ng ma-realize niyang nakita na niya ang mali. Pinagpatuloy niya ang pagsusulat hanggang sa matapos niya ang isang kabanata saka bumalik muli sa papeles.

"The transaction from Lura to Villafuerte had a small conflict. And this conflict may turn the table upside down. If Lura used Kie for success without their knowledge, Villafuerte is also using Lura without their knowledge. Just one wrong moved from Lura and everything will be in their hands, sound's interesting," ngising saad niya.

Mabilis niyang pinatawag si Samara para agad na maipaliwanag ang totoong nangyayari sa kompanya nito. Samara is one of the puzzle piece in this mystery. She might be connected to what will happen to her in few years from now.

All she needs to do is to help her to solve this mess so she can have some clue on who is really the culprit behind Drake and Evonne's Plan.

"May kinalaman ba sila sa pagkamatay ng mga magulang ko?" seryosong tanong ni Samara. Nakakuyom ang mga kamay niya ngayon at pakiramdam niya ay sasabog na siya. Hindi niya alam kung ano ang magagawa niya kung sakali mang may kinalaman talaga ang kamag-anak niya sa insidente.

"Malaki ang posibilidad. Kamamatay lang ng magulang mo pero gumagawa na ng paraan para ma-take over nila ang kompanya ng iyong pamilya," paliwanag ni Shaina.

"Anong dapat kong gawin para mapanatili ang pangalan ng magulang ko sa kompanya?" buong lakas na tanong ni Samara. Hindi siya papayag na makuha lang nila basta-basta ang kompanyang pinahirapan ng magulang niya. Magkamatayan man sila.

"I prepare some offer to you. Read it and tell me your decision. You may now go," saad ni Shaina.

Ibinigay niya kaagad ang isang folder kay Samara saka lumabas. Pagpasok pa lang ng kuwarto ay agad na binasa ni Samara ang bawat detalye ng nakasulat.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang nakalagay ang kabilang kampo ng kontrata.

Intercasual Phase Incorporation

Iisa lang ang may-ari ng kompanyang ito. Walang iba kung 'di ang idolo niyang si SS. Isa ito sa pinaka-successful company sa buong Pilipinas at pang-89 ito sa pinakamalaking kompanya sa buong mundo. Hindi lang sa bansang ito mayroong branch ang IPI pero dito ang main building.

Wala nga lang nakaka-alam kung saan ang eksaktong building nito dahil lahat ng nangtatrabaho roon ay sarado ang bibig. Sa oras na magsalita sila sa lokasyon ng main building, agad silang matatanggal.

Malaki ang sahod doon at napakaraming pribelehiyo at benipisyaryo ang nakukuha ng isang empleyado roon. Isa sa dahilan kung bakit lahat ay pursigidong makapasok.

Ang nakalagay lang sa kontrata ay ang pagkakaroon ng partnership mula sa kanilang kompanya sa Kie Company. Makikita rin na mas malaki ang benepisyo na makukuha ng kanilang kampo kung sakali mang pirmahan niya iyon.

Pero may ilang kondisyong dapat sundin. Isa na roon ay bawal niyang sabihin kung paano niya nakuha ang partnership na ito. Bawal din siyang magsalita sa kung ano man ang malalaman niya sa loob ng kumpanya.

Kahit pa ang totoong katauhan ni SS ay hindi siya maaaring mag-usisa. Simple lang ang mga kondisyon kaya mabilis itong pinirmahan ni Samara. May tiwala rin naman siya kay Shaina na hindi siya nito ipapahamak dahil ito ang tagapagligtas niya.

Bumalik siya sa opisina nito at doon ay nakita niyang nakaharap ito sa dalawang laptop. Isa sa kanan at isa sa kaliwa. Parehong gumagalaw ang kamay ni Shaina na para bang may sarili itong buhay.

"So? Have you decided?" tiningnan niya nito ng diretso kahit gumagalaw pa rin ang kanyang dalawang kamay. Namamangha siya sa galaw na iyon ni Shaina.

"Uhm! Napirmahan ko na," saad ni Samara. Gusto niyang magtanong tungkol kay SS pero hindi niya tinuloy. Pinaupo siya ni Shaina sa upuan sa harap niya ng may biglang pumasok.

"Shai! Bakit mo ba ako pinagmamadali papunta rito?" inis na tanong ni Ashley. Ilang sandali pa ay may dagger na sumalubong dito pero nasalo lang niya.

Mas namangha ang itsura ni Samara ng makita si
Ashley. Ito ang laging representative ni SS sa lahat ng Annual Award na kailangang daluhan ni SS. Maraming nagsasabi na napakalamig daw nitong magsalita at napakaseryoso pero sa nakikita niya, parang hindi naman.

"Are you complaining?" Malamig na saad ni Shaina.

"Ito naman hindi mabiro hehehe! Peace tayo," saad ni Ashley.

"Take a sit!"

Doon ay mabilis na umupo si Ashley.


--*--

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon