16: Grandpa

3.4K 176 2
                                    

"Shaina, Take care of yourself. Your Grandpa and Grandma loves you so much,"

- Don Roman Lievere

Kabanata 16: Lolo

Gabi na ngayon at naka-itim na suit si Shaina na para bang ninja. Nakatakip din ang buong mukha niya pero ang mga mata niya ay may Night Vision contact lens.

Nasa labas siya ng bahay ng kanyang Grandpa na ngayon ay pinapanood niya mula sa itaas. Tinalon niya ang mga puno na nakakalat hanggang sa marating niya ang puno na pinakamalapit sa bintana. Inantay niya muna ang paglabas ng nurse ng kanyang grandpa bago siya tuluyang tumalon sa balkonahe ng bahay nito.

Sarado na ito pero nagawa niya pa ring pumasok dahil sa alam niya na may susi sa labas na nakatago. Tahimik niyang binuksan at pinuntahan ang kanyang grandpa.  Nang makita niya ito ay saka niya nilagyan ng kutsilyo sa leeg. "I am not an enemy. If I drop the knife, you must be calm. I need to talk to you without anyone notice," malamig na sambit ni Shaina.

Marahang tumango ang kanyang Grandpa na si Don Roman kaya binaba niya ang kutsilyo. Kaso inaasahan na niyang aatake ito kaya agad niyang tinanggal niya ang bandana sa kanyang mukha saka umiwas.

Napatigil si Don Roman sa puwesto niya sa huling atake nang makita na ang apo niya ang tumutok sa kanya ng kutsilyo.

"A-apo? Anong ginagawa mo rito? Bakit mo ako tinutukan ng kutsilyo," takang tanong ni Don Roman.
"In that way, you will be killed," tugon ni Shaina. Hindi malamig ang boses niya katulad ng nakasanayan. "May binangga ba kayong malaking tao? Grandpa?" dagdag na tanong niya habang naka-cross arm.

"Himala ata't hindi ka na takot sa akin," ngiting sabi ni Don Roman.

"Grandpa please answer my question," malamig na saad ni Shaina.

"Wa-wala naman," nagsitayuan ang balahibo ni Don Roman sa pananalita ng kanyang apo. Hindi siya sanay lalo na't sa nakalipas na pitong taon ay takot ito sa kanya.

"Your life and Grandma's life is in danger. Someone will kill you the same tactics that I did a while ago. I heard your nurse talking it before she got here," saad ni Shaina. Kanina pa siya nagpapa-ikot-ikot sa mansion ni Don Roman at aksidente niyang narinig iyon. Bago siya bumalik sa pagkabuhay sa nakaraan ay nakita ganoong paraan namatay ang kanyang lolo.

Noong araw na iyon ay umepekto na sa kanya ang lason na matagal kung bumisa pero masyadong matindi ang tama. Ito ang Syrurium.

Isa sa mga pinag-aralan niya ay ang Chemistry para makagawa ng antidote sa lason na nakuha ng kanyang grandpa. "Drink it so that the poison inside your body will be out," binato niya ang bote sa kanyang grandpa at mabilis naman itong sinalo. May tiwala siya sa apo niya kaya agad niyang ininom ang liquid na iyon.

Ilang minuto pagkatapos mainom niya ang ibinigay ko ay biglang nagsuka ang grandpa niya kaya inalalayan niya ito papunta sa banyo. Nakita niyang hindi ang kinain nito ang lumabas kung 'di itim na likido.

Sinuka niya nang sinuka ang lahat ng itim na likido na iyon hanggang sa laway niya na lang ang kanyang isinuka. Binato ni Shaina ang isa niya pang dala na freshly squeeze pineapple juice. "Drink it so that your urine will cleanse," saad niya pa.

"Ano 'yong itim na likidong iyon?" tanong ng kanyang grandpa. "Poison called Syrurium," saad ni Shaina.

Nanlaki ang mata ni Don Roman dahil alam niya ang poison na iyon. "May alam ka ba kung sinong naglalason sa akin?" tanong nito.

"Your private nurse," walang ganang sabi ni Shaina. Inimbistigahan niya ang nurse na iyon. Kaso dead end ang nakuha niya. Kahit sa simpleng nurse nahihirapan pa rin siyang alamin kung sino nga ba ang nasa likod ng pagkamatay ng mga Lievere noon.

Nakaramdam ng galit si Don Roman para sa kanyang private nurse. Pinagkatiwalaan niya ito pero ganito lang ang kanyang igaganti.  Kakausapin na sana nito ang kanyang
private nurse ngunit pinigilan siya ng apo.

"Don't," sabi ni Shaina.

"Anong 'wag? Apo, gusto niya akong patayin tapos ngayong kakausapin ko siya ay pipigilan mo ako?" galit na sabi ni Don Roman.

"Hindi niyo ba naisip na hindi niya iyon magagawang mag-isa? Pati ang halaga ng lason na pinainom sa iyo at kung ano ang maaaring mangyari sa inyo pagkatapos mo siyang komprontahin?" napatigil naman ang kanyang grandpa at mukhang napa-isip sa mga sinabi niya.

"Imagine this, how can a private nurse with a small salary can buy a million-dollar poison just to kill you?" napa-isip ang kanyang grandpa sa mga sinabi niya.

"Unless, someone gives her that poison to kill you using her," dagdag muli niya.

"May malaking tao ang nasa likod ng private nurse ko," saad ni Don Roman.

"Exactly," ngiting saad niya.

"May plano ka ba? Alam mo ba kung sino ang nasa likod ng private nurse ko?" tanong ni Don Roman.

"I have a lead but still not enough to know who is he. But I know he is the same person who wants to kill my parents," tugon niya.

"May kinalaman ba ito sa piloto na kinasuhan niyo ng attempted murder?" tanong ni Don Roman.

"Yeah!" tugon muli ni Shaina.

"Iyong kumidnap sa ‘yo?" tanong muli ni Don Roman.

"Hindi ako na-kidnap grandpa. It is just a show so that I can have a lead to the real enemy. I feel guilty that I made my parents worried about me when I did that. But I had no choice because our whole family is in danger. I take that risk just to protect our family," bakas sa mukha ni Shaina ang guilt at lungkot kaya niyakap siya ng kanyang grandpa.

"May kinamalan siguro ito sa pagkamatay ng tito at tita mo last year," mahinang bulong ng kanyang Grandpa. Nanlaki ang mata ni Shaina at namutla.

"W-what do you mean? What happen to Uncle Dan and Auntie Eliza?" Gulat na saad ni Shaina. Nagyukom ang kanyang mga kamay at hindi inaasahang nagbago lang ang araw ng pagkamatay ng kanyang Tito at Tita.

"Nagkaroon ng holdapan sa isang bangko kung saan kumuha ng pera ang Tita at Tito mo. Napatay namatay sila sa palitan ng bala sa kampo ng pulis at holdupper," kwento ng kanyang Grandpa. Napayukom na lang siya ng kamao.

"Kung kailangan mo ng tulong, bukas ang pinto ng mansyon para sa iyo," ngiting sabi ng kanyang lolo.

"Lets go outside the bathroom and I will discuss to you the whole plan on how to get grid of your private nurse. Then I need to go back to our house so that my parents will not know that I escape. We still have an appointment to the police tomorrow," sabi niya.

Inalalayan niya ang kanyang grandpa papunta sa kama at doon na niya sinabi ang buong plano.

Ngumiti si Don Roman sa plano bilang tanda na nagustuhan niya ito kaya gagawin niya. Doon na siya nagpaalam saka ibinalik ang bandana sa kanyang mukha.

Papalabas na siya ng pintuan sa balkonahe ng tinawag siya ng kanyang grandpa. Lumingon siya at nakitang nakangiti ito.

"Shaina… Take care of yourself. Me and your Grandma loves you so much," saad pa nito.

Ngumiti muna siya bago tuluyang tumalon sa puno sabay alis.

--*--

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon