14: Back to School

3.3K 196 9
                                    

"You're still the same after so many years, Ms Leivere,"

- Philosophy Professor 

Kabanata 14: Balik pag-aaral

Limang buwan pagkatapos mag-umpisa ng pasok ngayon ay nakapangalumbaba si Samara sa desk niya dahil tinatamad siyang makinig. Philosophy ang isa sa mga kinakaayawan ng lahat. Halos lahat din ng nasa paligid niya maliban na lang ng mga taong nasa unahan ay hindi rin nakikinig.

Specially si Evonne, ang nagrereyna-reynahan sa school. Ang sabi ng iba matalino raw ito pero sa paningin ni Samara ay isa itong bobo. Hindi niya nga alam kung bakit nakapag-advance ito sa 13th Grade kung ang dapat nito dapat na kalagyan ay 10th Grade lang.

Madalas niyang makitang nangongopya ang babaeng iyon at nagpapagawa ng assignment sa iba. Malapit na ang midterm exam nila pero iilan lang ang nagre-review nang maayos. Hindi niya alam kung bakit natawag itong Star Section ng kanilang school eh wala namang espesyal sa mga nasa paligid niya maliban na lang sa puro mayayaman ang mga ito.

Sa kalagitnaan ng klase, biglang may kumatok sa pintuan kaya nagmadali ang professor naming buksan iyon. Ilang sandali pa ay biglang may pumasok na babaeng may mahabang buhok na walang ekspresyon ang mukha. Parang bored pa ito kung kumilos.

"So class, may bago kayong classmate. Dito siya nag-aral mula Kinder hanggang Grade 5. Isa sa mga paborito kong estudyante noon. Be good to her. Shai magpakilala ka na," saad ng professor namin.

"Shaina Deshna Leivere, 15. I don't like plastic and gold digger so better not messed up with me," ngiting sabi ni Shaina. Although nakangiti ito ay napaka-creepy ng hinahatid nito sa lahat ng taong nakapaligid sa kanya.

"Puwede ka ng mamili ng uupuan mo," ngiting sabi ng professor namin. "Best! Dito ka sa tabi ko!" sigaw ni Evonne. Nanlaki ang mata ni Samara sa narinig. Hindi niya akalaing bestfriend siya ni Evonne. "Like I said, I don't like plastic and gold digger. I'm pertaining to you Evonne, akala ko kasi tatamaan ka ng sinabi ko, manhid ka nga pala, pasensya na nakalimutan ko," ngising sabi ni Shaina. Nakita niyang namula naman sa inis si Evonne dahil doon.

Umupo siya sa tabi ni Samara sa pinakadulo katabi ng bintana na ngayon ay kaunti na lang at magkokorteng puso na ang mata sa paghanga kay Shaina.
"Hi! I'm Samara Rain Kie," ngiting sabi ni Samara. In-offer niya ang kamay para makamayan ito. Kaso blangkong tiningnan lang siya ni Shaina saka tumingin sa labas.

Nakaramdam ng pagkapahiya si Samara sa inasal ni Shaina pero desidido siyang maging kaibigan ang katabi niya. Alam niya kasing hindi ito katulad ng mga nasa paligid niya.

"Ms. Leivere, since no one can answer my question. Would you mind to answer it?" ngiting sabi ng professor nila.

"Pardon, Professor?" tanong ni Shaina.

"Naku, wala ngang nakasagot sa atin since hindi pa ‘yan nadi-disscuss."

"Lagot siya, mukhang hindi pa nakikinig."

"Terror pa naman si miss."

Rinig na bulungan ng mga kaklase ni Shaina.

"What are the four common fallacies enumerated in Logic?" sagot ng professor.

"The four common fallacies enumerated in logic are Argumentum Ad Hominem or Argument Against the Person, Argumentum Ad Baculum or Appeal to force, Argumentum Ad Misericodian or Appeal to Pity and last but not the least, Argumentum Ad Populum or Bandwagon Fallacy," walang emosyong sagot ni Shaina.

"Can you give me the simple explanation of the four fallacies?" dagdag muli ng kanilang professor.

"Argumentum ad Hominem is a fallacy used against a certain type of person. In other words, binabase ang argumentum ad hominem sa pagkatao ng isa tao specially, to his personal background, like his nationality, race, family, religion and many more. For example: Kung nagsusuot ka ng revealing na damit, sasabihin ng taong nagdadahilan "wala kang karapatan na isisi sa iba ang nangyari sa iyo dahil umpisa pa lang, mukha ka ng walang delekadesa." It is an example of Ad Hominem because the accusor appeals towards the victims' personality," umpisa ni Shaina.

"Argumentum Ad Baculum is a fallacy used by the people who wants to win by issuing a threats to their opponent. In other words, gumagamit ng mga dirty tricks ang kabilang kampo such as threatening them. Example a student asks a critical question against his history teacher who must taught them about the Egyptian History. But the teacher gets upset with the question and insist that there is nothing wrong with what he taught, and threaten the whole class to get a harder final exam if they still insist on questioning him. This is an example because the teacher used threat to the whole class just to make him win the conflict," huminga muna nang malalim si Shaina na dahil na ubusan siya ng hangin at nagsalitang muli.

"Argumentum Ad Misericodian is a fallacy used by the people who want to win people over by manipulating their emotion. Kadalasang na nangyayari ito sa mga politiko na nasasangkot sa kurapsyon. It is possible that its true but it is possible to that it was false. For example: politician A who has been reported to be involve in a massive corruption of a public funds, would pay high rates of advertisement in the media to portray him as a poor suffering man or something him having illness and wants to have a hospital arrest," tuloy na sabi ni Shaina.

"Last bit not the least, Argumentum Ad Populum is a fallacious argument that commonly used as marketing strategy by advertising agencies. In other words, gumagamit sila ng maraming tao o prominenteng tao para mapaniwala ang marami na maganda ang produktong binibenta nila. For example, a pharmaceutical company claims that their product is more effective than the other brands through the endorsement the more promising couple in the showbiz. And because it is this couple who endorse it, many people will think that this is good product indeed," ngumiti ng matamis ang professor nila sa pananalita ni Shaina.

"You're still the same after so many years, Ms Leivere," ngiting sabi ng professor nila sa Philosophy.

Habang ang buong klase naman ay tahimik na nakatulala. Hindi nila inaasahang masasagot iyon ni Shaina.

Habang si Evonne naman ay nagngingitngit sa gilid dahil si Shaina na naman ang bida. Ngumiti si Shaina sa kanilang Professor.

"Reading is my hobby prof. It just so happen that I read about it last week. Since I need an Accelaration Test to pass to match my age to my IQ," propesyunal niyang pagsagot. Mas lalo lamang humanga sa kanya si Samara.

Bibihira lang ang matalino sa Star Section kaya na-eexcite siya na maging kaibigan ito.

"You may now seat, Ms. Lievere," nakangiting saad ng kanilang Terror Prof ng Philosophy. Malugod naman itong sinunod ni Shaina at bored na umupo sa tabi ni Samara. Si Samara naman ay tila nagde-day dream na katabi niya ang idol niyang si SinisterScribe. Na naging magkaibigan sila at marami na naman siyang itinuro sa kanya.

Hindi na lang ito pinansin ni Shaina at nagpatuloy naman ang professor sa discussion tungkol sa sinaad ni Shaina.

--*--

Ctto: Introduction to the Philosophy of the human person by B. Corpuz et al. Pp 31-33.

This also available in Dreame. Please support this book there too. Love you, Violets

Wrifia [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon