"Kung Sakali"

464 5 0
                                    


Nais ko sanang mamuhay ng payapa
Ngunit iba sa nakikita ng aking mga mata
Para bang kay bigat nitong aking nadarama
Pasan ko pa ang puno't ugat ng mga problema.

Minsan gusto kong lumipad sa malayong malayo
Yong tipong walang makakita ng mga sugat sa 'king puso
Sabik akong makita at yakapin ang panibagong mundo
Mundong mapagpalaya at tanggap ang buo kong pagkatao.

Sa dami ng pagsubok na aking pinagdaanan
Tila ba'y sa sandaling ito ako'y lubusang nasaktan
Kirot sa dibdib ko'y di ko kayang lunasan
Sadyang puso't kaluluwa ko'y sa ibang ibayo nakalaan.

Sa sandaling tayo ay nagkasama
Alam kong napangiti ko ang malungkot mong mukha
H'wag ka sanang magtampo't umiyak pag ako'y di mo na makita
Sadyang ang buhay natin may hangganan katulad ng pelikula.

Kung sakali mang ako'y lumisan
Mga ala-ala nati'y h'wag mo sanang kalimutan
Iyon lamang ang tanging yaman na aking iiwan
Itago mo sana sa iyong puso at pahalagahan.

Masakit, malungkot ngunit dapat na tanggapin
Pagkat ang buhay ay hiram lang natin
Sa kanya tayo babalik at muling hihiling
Nang pangalawang pagkakataon ngunit sya na ang kapiling.

-April 13, 2019   11:31PM

Poems - Tula (Book 1) Published by: UkiyotoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon