Side

19.8K 620 42
                                    

Chapter 50:

Abigail's POV:

Titig na titig siya sa kapatid habang pinapakinggan ang sinasabi ng bayaw niya.

Narinig niya kanina lang na ito lang na nalaman nito ang ng kuya nito na iblackmail siya kaya naman naniniwala siya na nung sinabi nitong wala itong nakita ay mukha ngang totoo na wala itong nakita.

Kaya nung nakausap nila ulit ang bayaw dati, parang gulat na gulat ito nung nasabi na may naipadala ulit na picture ng kapatid niya.

Teka lang.

Ibig sabihin...

Hindi kaya Photoshop ang picture na ipinadala sa kanya? Na peke ang dugo?

Nilapitan niya ang kapatid at tinignan ang leeg nito at saka sinalat iyon, at tama siya, wala itong markang anuman at imposible naman sigurong tinakpan ng make up kasi kiniskis niya iyon ng marahan.

Bigla ay nakarinig siya ng tila natawa.

At nung tinignan niya ay nakita niya ang bayaw na tila pigil nito ang tawa at nung nahuli niya ito ay tumikhim ito at naging pormal ang mukha.

Natigilan naman siya.

Tama din kanina ang sinabi ni Aidan na hindi nito kayang saktan ang kapatid niya.

Kung ganoon...tama din ang narinig niya kanina balak ng dating boss niya na i-frame up ang asawa niya para kung nagkataon na nagtagumpay ito sa pagpatay sa biyenan niya, ay kay Aidan nito ipapaako ang lahat?

Lumunok siya.

Kung nagkataon pala....masisira ang buhay ni Aidan.

Unaware ay napatingin siya kay Aidan at nakita niyang titig na titig ito sa kanya.

Agad niyang iniwas ang mga mata at tinignan ang kapatid.

"Anong sabi ng doktor?" tanong niya sa bayaw pero yumuko siya at hindi ito tinignan at idinikit niya ang pisngi niya sa pisngi ng kapatid.

Ang tagal na niyang gustong mayakap ang kapatid.

"She's beau--being fine I mean" sabi ng bayaw niya.

Siya lang ba o parang natataranta ito?

Hindi na lang niya pinansin at hinaplos niya ang pisngi ng kapatid.

Dalangin niya ay walang naging grabeng epekto ang pagkakabangga dito at ang matagal nitong pagkaratay sa higaan.

Bumuntong hininga siya.

Tinitigan na muna niya ang kapatid.

"What's your plan now?" tanong ng bayaw niya.

Hindi siya umimik at inantay ang ang anumang sasabhin ni Aidan pero nanatili itong walang imik, at ewan niya pero parang nainis siya? Hindi naman sa inaantay niyang manduhan siya nito o susundin niya ang bawat sasabihin nito pero bilang asawa niya hindi ba dapat marinig din niya ang opinyon nito?

"Dito muna ako, at babantayan ko ang kapatid ko" mabilis na sabi niya.

"WHAT!" mabilis at agad na sabi ng dalawang magkapatid sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya at nagtatakang nagpalipat lipat ng tingin niya sa asawa at sa bayaw.

"At bakit?" tumataas ang kilay na tanong niya.

"This is my house, you can't easily just live here and get your sister--"

"Exactly! Kapatid ko siya at pwedeng pwede ko siyang kunin kasi ang guardian niya" hindi na niya napigilan ang pagtaas ng boses at kilay niya sa sinabi ng bayaw niya.

Perfect Imperfections : AidanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon