Hide

17K 561 8
                                    

Chapter 15:

Abigail's POV:

"As if , I won't allow it" sabi ng isang boses at agad niyang hinanap ang lugar niyon.

"What are you doing here?" Narinig niyang sabi ni Aidan sa malamig na boses, kumunot naman ang noo niya dahil parang pamilyar ang boses na 'yon.

Sino kaya 'yon?

"What? Was it so wrong to invite your brother in? You could invite some stranger inside--"

"She's different" matipid na sabi ni Aidan, at hindi niya alam kung bakit sa boses ni Aidan ay parang naiinis it?

Pero bakit?

Eh kapatid nito ang nasa harapan nila?

"How different?" nauulinigan niya ang sarkasmo ng boses ng bagong dating.

Inantay niya ang magiging sagot ni Aidan dahil ewan niya pero parang gusto nyang malaman kung ano siya sa buhay nito.

Kung isa lang ba siyang isang pabigat?

Bahagya siyang namula at itinago ang mukha dahil iniisip niyang may gusto--

Tama na! Mabait lang si Aidan! tili niya sa isip.

Lumunok siya.

"I really thought blood is thicker than water" sabi ng boses ng bagong dating.

Napakurap naman siya dahil sa boses ng kapatid ni Aidan ay parang inis ito sa kanya?

Pero bakit? Ano ginawa niya?

"Let's talk some other time... for now leave my house" sabi ni Aidan, nagtataka naman siya dahil parang nag aaway ang mga ito?

At hindi niya alam ang dahilan.

"Why? You don't want her to--"

"For fuck sake! Leave!" tumaas ang boses ni Aidan kaya naman napatalon siya sa gulat at iniiwas niya ang tingin pababa.

Ilang saglit na wala siyang naririnig sa mga ito.

Pakiramdam niya na out of place siya.

Gusto tuloy niyang makita ang mga ekspresyon ng mga mukha ng mga ito at kung ano ang maari niyang makita doon.

Ipinikit niya ang mga mata.

Ng mariin.

Gusto niyang malaman kung ano ang nangyayari kay Aidan.

Gustong gusto niyang makita sa mga mata nito ang mga salitang hindi niya naririnig at gusto niyang makita iyon sa mga mata nito.

Gusto 'kong makakita! Sigaw niya sa isip at determinado siyang makita si Aidan.

Bakit ba kasi hindi siya makakita?

Bakit hindi siya gumagaling?

Bakit?

Ano bang ginawa niya sa buhay niya?

Ang tanging gusto lang naman niya ay mabigyan niya ng masaya at kontentong buhay ang kapatid niya tapos ganito pa ang nangyari sa kanya.

Inis na inis siya sa sarili dahil naisip niyang bigla na isa lang siyang pabigat sa buhay ni Aidan.


Natigilan siya.

Kaya ba parang galit sa kanya ang kapatid ni Aidan?

Damang dama niya ang pagiging desperado niyang makakita--

Inis na iminulat niya ang mga mata at napasinghap siya ng bahagya nung pagbukas niya ay nakikita niya ngayon ang mga pinggan sa harapan niya.

Ng malinaw.

Perfect Imperfections : AidanWhere stories live. Discover now