Condition

21.3K 689 37
                                    


Chapter 12:

Abigail's POV:

Girlfriend?

Ano daw?

Anything for my girlfriend daw?

Ako? Girlfriend niya?? Nawiwindang siya sa mga narnig niyang salita galing kay Aidan.

Pero kailan siya naging girlfriend nito?

Agad niyang kinurot ang sarili kung nanaginip ba siya o ano.

Pero napaaray siya ng bahagya dahil sa kirot ng kurot niya.

"Oh that's good! Nagkamabutihan na pala kayo" sabi naman ng doktor at kahit hindi niya nakikita ay alam nyang nakatingin sa kanilang dalawa dahil halatado sa boses nito ang himig panunukso. Narinig niya ang biglang paglakad nito na parang may kinuha?

Agad siyang napapitlag nung naramdaman niyang may dumamping mainit na bagay sa tenga niya, agad na nag react ang tenga niya at namula iyon, at kasabay niyon ang pamumula ng tenga niya.

Napalunok siya at ewan niya kung narinig iyon ni Aidan dahil halos hindi niya iyon marinig dahil sa malakas na tibok ng puso na bumibingi ngayon sa kanya.

"I'll explain it to you later' but right now, you're my woman" biglang bulong nito sa tenga niya, at halos hindi siya makagalaw sa lakas ng sensasyong tumama sa kanya dahil sa mainit nitong hininga at mainit niton labi na dumikit mismo sa sensitibong balat ng tenga niya.

Wala sa loob na napatango siya habang pulang pula ang mukha at ang lakas lakas ng tibok ng puso.

"Okay here's my prescription for your vitamins and come up again for your check up or when something happens, okay? " sabi ng doktor at para siyang isang puppet na patango tango na lang sa sinasabi nito.

Hanggang nung nakarating sila ulit sa sasakyan ay tulala siya, hindi niya alam pero hanggang ngayon hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Aidan kanina, at lalong hindi siya makapaniwala sa reaksyon ng katawan niya.

Lumunok siya at napatalon sa gulat nung biglang nagsalita ito.

"Are you not going to ask me why I told the doctor that you were my girlfriend?" sabi nito sa kanya at hindi pa nito pinapaandar ang kotse nito.

Lumunok muna siya bago siya nagsalita.

"W-why?" mahinang tanong niya at napayuko.

"Because I was worried they might think of something unnecessary that may compromise your reputation as an unmarried woman" paliwanag nito.

Naumid naman ang dila niya sa sinabi nito.

So kaya pala nito sinabi nito na naging girlfriend siya nito ay dahil nag aalala ito na baka may masabi ang ibang tao na magkasama sila nito sa iisang bubong?

Maganda naman pala ang hangarin nito.

Pero hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ngayon ng disappointment.

Lihim niyang pinagalitan ang sarili dahil sa mga naiisip.

Anong akala mo, sinabi niya iyon dahil gusto ka niya?  tuya ng isip niya.

"Ahh, okay" sabi na lang niya at sinikap na huwag magtunog dismayado siya.

"Yeah, do you want to go somewhere? Your sister?" tanong nito at halata dito na pinapagaan nito ang ere sa pagitan nila,

Pagkarinig niya ng salitang kapatid ay agad na parang naalis ang anumang bigat sa dibdib niya.

"Sure! I would love to--" nawala bigla ang ngiti niya.

Perfect Imperfections : AidanKde žijí příběhy. Začni objevovat