Must (mild spg)

21.5K 648 15
                                    


Chapter 35:

Abigail's POV:

"Ikukulong kita sa kasal, Abby" sabi ni Aidan at agad na napasinghap siya at napalayo dito.

Kita niya ang pagdilim ng buong mukha nito.

"Kasal??" gulat at nalalaki ang mga matang tanong niya, lumunok siya ng sunod sunod dahil lalong tila nagdilim ang mukha nito.

"Yes" malamig na boses na sabi nito.

Agad naman siyang nag isip.

Bakit siya inaalok ni Aidan ng kasal?

Dahil ba ayaw nitong takasan niya ang kasalanan niya dito?

Pero bakit kasal?

Napakurap siya.

Hindi kaya? at agad na umasa ang puso niya sa naisip na baka dahil inaalok siya nit dahil hindi na lang pag mamay ari ang gusto nito at mahal--

Kinurot niya ng palihim ang sarili.

Hindi pwedeng umasa siya sa mga ganoong mga eksena.

Isa siyang sinungaling...at kung tutuusin, ginamit niya ang mga magulang ni Aidan para sa plano niya, andami niyang naisip kagabi na kung dumating ang nag uutos sa kanya, at nawalan siya ng malay at kung dumating na huli si Aidan ay malamang talagang baka napahamak na ang mga magulang ni Aidan.

Hindi hindi niya mapapatawad ang sarili kapag nangyari iyon.

Napayuko siya.

"B-bakit mo ako inaalok ng kasal..." pahina ng pahinang boses na sabi niya, at agad niyang inihanda ang sarili sa pinakamalalalng bagay na pwedeng marinig niya mula sa magiging sagot nito.

Narinig niya ang buntong hninga nito.

"Because you will help me hunt those people..." sabi nito.

Natigilan naman siya at agad niyang iniangat ang mukha.

"P-pero pwede naman kitang tulungan na hindi tayo kinakasal--"

"Is being married to me...that revolting?" sabi nito at nagsalubong ang kilay nito.

Natigilan naman siya.

Nainsulto ba ito? Hindi naman niya alam ang sasabihin nya dahil bakit kasal--

"You will be married to me, at kapag nangyari iyon, mas lalong gusto kang habulin ng papatay kay Dad, meaning--"

"M-magiging pain ako..." sabi niya at napayuko at saka niya ipinikit ng mariin ang mga mata.

Hindi niya akalaing magiging pain na alng siya sa paningin nito.

At ang sakit niyon.

Ilang sandaling wala silang imikang dalawa.

"P-pero may kondisyon ako, Aidan" sabi niya at pilit na tinatatagan ang boses kahit na ang totoo ay gusto niyang umiyak.

Tinignan niya ito at nanatiling blangko ang itsura ng mukha nito.

Napaisip siyang mukhang sa ginawa niya ay magiging ganito na lang ang trato sa kanya ni Aidan.

Pero kailangan niya ng tulong, at kailangan niya si Aidan.

Kahit na ang ibig sabihin niyon ay ikakasal siyang, siya lang ang nagmamahal sa kanilang dalawa.

At hindi iyon ang pinangarap niya dati.

Hindi talaga lahat ng bagay ay umaayon sa bagay na gusto mo.

Ang realidad ng buhay.

"You're agreeing?" tanong nito.

Perfect Imperfections : AidanWo Geschichten leben. Entdecke jetzt