Foe

18.8K 581 19
                                    

Chapter 25:

Abigail's POV:

Hindi niya alam kung paano siya nakabalik ulit sa opisina ni Aidan, basta ang nasa isip na lang niya ay kung ano ang gagawin niya, gulong gulo siya sa anumang gagawin ng taong nagtext sa kanya.

Basta ang alam niya ang taong nagtext na iyon ay ang taong dumukot sa kanya at may gustong ipagawa sa kanya.

Anong gagawin niya?

Sasabihin ba niya kay Aidan? At nang mahuli ang taong gustong gumawa ng masama sa tatay ni Aidan?

Pero paano na 'yong banta sa kanya at sa buhay ng kapatid niya?

Natigilan siya.

Ang alam niya safe ang kapatid niya sa sinabi dati ni Aidan?

Tama tama..

Sinabi dati ni Aidan iyon--

Pero nanlamig ulit ang katawan niya nung nakarinig siya ng pamilyar na ringtone sa lumang cellphone niya.

Nanginginig na binuksan niya iyon ulit at maiyak siya sa nabasang text.

"You don't believe me? I have ways right now...and right now I'm staring at your sleeping sister inside this hospital"

Para siayng nauupos na kandila sa nabasa at agad ay napaupo siya sa sahig.

"Diyos ko!" mahinang anas niya at agad na tinakpan ang bibig niya.

Takot na takot siya.

Anong gagawin niya? Kailangan niya ng tulong...pero kanino?

Iisang tao lang ang nasa isip niya...at hindi niya alam ang gagawin dahil kung nagkamali siya ng desisyon ay mapapahamak ang buhay ng nag iisa niyang kapatid.

Agad siyang nag isip.

Nasapo niya ang ulo at balisang balisa siya habang nag iisip pero halos wala siyang ibang bagay na maisip kungdi ang kaligtasan ng kapatid niya.

Natigilan siya...ibig sabhin ba---

Kailangan niyang mag traydor kay Aidan at isipin na lang ang sarili at may ipapahamak siyang buhay?

"Anong gagawin ko..." natutuliro niyang bulong sa sarili.

Hindi pwedeng wala siyang gawin.

Kailangang magtanong muna siya kung safe ba ang kapatid niya mula kay Aidan.

Pero anong tanong ang dapat niyang sabihin para hindi matunugan ni Aidan na may problema siya....malaking problema.

Nasa kalagitnaan siya ng pag iisip nung bigla may tumapik sa balikat niya at halos mapatalon siya sa gulat at takot.

"Aidan!" nanlaki ang mga mata niya.

"Hey, what's wrong?" agad na takang tanong nito at alam niyang nakita nito ang ekspresyon ng mukha niya nung hindi niya namalayan na nasa malapit lang ito.

"W-wala naman..." mahinang sabi niya pero nung tingnan niya ang mukha nito ay parang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya.

..." ah heto na pala 'yong hinihingi mo" mabilis niyang paglilhis ng usapan.

"I see, thanks, later on uuwi na tayo--"

"A-aidan..." mahinang tawag niya sa pangalan nito.

"Yes?" takang tanong naman nito pero agad itong lumapit sa kanya, sobrang lapit.

At dahil sa distansya nito ay muntik na siyang mapaiyak at yumakap dito dahil sa nararamdaman niyang takot.

Iniwas niya ang tinginsa mga mata nito.

Perfect Imperfections : AidanWhere stories live. Discover now