Meet

16.5K 535 14
                                    


Chapter 22:

Abigail's POV:

"I do accept it, Aidan" sabi niya habang titig na titig dito.

Kailangang matulungan niya ito para naman kahit paano ay makabawi siya sa mga kabutihang loob na nagawa nito para sa kanya.

Ngumiti siya dito.

At kita niya ang pagtitig nito sa kanyang mga mata at kita niya ang paggulong ng Adam's apple nito.

Napakurap naman siya.

At tumikhim ito ng malakas at agad na lumayo sa kanya at umalis a sofa.

At iika ika itong naglakad palayo at pumunta sa kusina.

Nagtataka namang sinundan niya ito ng tingin.

At nagpasya siyang sundan ito sa kusina.

At nakita niyang hawak nito ang pitsel ng tubig sa ref at imbes na gumamit ito ng baso ay diretsong iniinom nito iyon, at para itong nagmamadali sa pag inom?

"Aidan, drink slowly--" hindi na niya naituloy ang sinasabi niya dahil bigla ay sunod sunod itong nabilaukan.

Nanlaki ang mga mata niya nung nakita pa niyang lumabas ang tubig sa ilong nito at sunod sunod ang ubo nito.

Agad siyang lumapit dito at pumunta sa likod nito at tinapik takip ang likod nito.

At para naman itong napapaso na biglang lumayo sa kanya.

Nagtataka naman siyang tumingin dito.

At sa itsura ni Aidan para itong dalagang pilipina na biglang hinawakan ng isang lalaki.

At parang gusto niyang matawa sa itsura nito.

Ang cute naman niya magulat. sabi niya sa loob loob niya.

Ang laki kasing tao tapos biglang nagulat nung bigla siyang nagsalita at nabilaukan ito, bumaba ang tingin niya sa legs nitong napakahaba.

Sa itsura nito hindi mo aakalain na mabilis itong magulat, pero nakakapagtaka kasi alam niyang nandito siya sa loob ng bahay.

"Don't look down!" sabi bigla ni Aidan na ikinagulat niya.

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa gulat.

Akmang tatanungin niya ito nung bigla itong tumalikod sa kanya.

Kumunot ang noo niya, parang ambilis yata magbago ng mood nito.

Sabagay, iyong ngang nagkwento siya kanina nakakagulat na eh. sabi niya sa isip.

Pero..

"Ang cute namang magulat ng gwapong 'to" sabi niya at pigil niya ang pagtawa at nakangiti lang siya.

Napalunok siya nung bigla itong tumingin sa kanya pero hindi ito humarap sa kanya.

"O-one moment please" sabi nito at saka niya natanong kung bakit ay iika ika itong naglakad paakyat sa kwarto nito at naiwan naman siyang nagtataka.

Natawa siya ng mahina pagkatapos at saka siya tahimik na umupo sa upuan at saka siya nag isip.

Ngayong nagpasya na siyang tanggapin ang trabaho na iniaalok sa kanya ni Aidan, paano niya ngayon mapapatunayan sa kapatid nito na wala talaga siyang kinalaman sa muntik nang pagpatay sa tatay ng mga ito.

Sapat na kaya na pumayag lang siyang tumulong?

Paano kung isipin na--

Natigilan siya at saka siya namutla.

Perfect Imperfections : AidanWhere stories live. Discover now