Discovery

19.4K 653 28
                                    


Chapter 16:

Abigail's POV:

Pigil niya ang pag react habang nakatingin sa TV, nanonood kasi siya ngayon., natutuwa siya sa panonood pero ang problema..

Si Aidan.

At ang mga titig nito sa kanya.

At kulang pa ang salitang conscious na conscious siya ngayon.

Hindi niya alam kung bakit titig na titig ito sa kanya ngayon.

Hindi kaya may muta siya?

Naghilamos naman siya kanina.

Hindi naman siguro at wala din naman sana siyang bakas ng natuyong laway sa gilid ng labi niya.

Napangiwi siya ng lihim.

Kakatapos lang nitong magluto at ini expect niya ay tatawagin siya nito pero walang tunog itong lumapit sa kanya at tinitigan lang siya.

Kahapon ay napapansin nyang iyon lagi ang ginagawa nito.

Ang nakatitig.

Siguro ibang tao ay talagang matatakot siya, pero bakit parang kapag ito ay kinikilig siya na ewan niya?

Gustong gusto ba niya na nakatingin ito sa kanya?

"Our lunch is ready..." sabi nito at nagulat siya kaya naan napasinghap siya at muntik muntikan na siyang napalingon mula sa gilid niya kung saan malapit ang mukha nito.

Muntik na siyang mabuking!

Shit! tili niya at mura sa isip, hindi siya normal na palamura pero sa tingin niya ay magkakaroon pa iyon ng mga kasunod dahil kailangan pa rin niyang magpanggap na hindi pa rin siya nakakakita.

At hindi niya alam kung hanggang kelan siya tatagal.

"O-okay" sabi na alng niya ng tipid at pigil pigil niya ang huwag mamula ang mukha.

At lagi niyang inuulit ulit sa isip niya para hindi siya mag blush ay..

Iinom ako ng tubig kanal. Iinom ako ng tubig kanal. Iinom ako ng tubig kanal!

Lagi niyang ginagawa at sinsabi iyon ng paulit ulit sa isip niya pero lagi din namang palyado.

Diyos kong mahabagin...ang gwapo!

Kung noon ay pahapyaw lang niyang nakita ang mukha nito, ngayon ay lagi niyang nakikita ang gwapong mukha nito sa tuwing hindi ito nakatingin, buti na lang at hindi siya nito nahuhuli.

Dahil kapag titingin na ito ay ititingin niya ang mga mata sa likod nito.

Ngayon lang siya nakakita ng ganito kagwapong lalaki.

Lalaking lalaki ang itsura...ang katawan--

"Sit here" putol nito sa mga iniisip niyang mahaharot.

Inalalayan siya nito para makaupo habang siya ay kuntodo arte na hindi pa rin nakakakita.

Minsan ay naiisip niyang naawa na siya kay Aidan dahil inaasikaso pa rin siya nito, pero kasi--

Gusto mo kasing inaalagaan ka niya! Sigaw ng kabilang parte ng isip niya.

Kinurot niya ang sarili para pigilan ang anumang kilig niya.

Hindi! Curious ako sa pinag uusapan nila ng kapatid niya! kontra niya sa sariling isip.

Maloloka na yata siya.

Pinag aaway niya ang sarili sa mga iniisip.

"What do you want?" sabi ni Aidan sa kanya.

Perfect Imperfections : AidanWhere stories live. Discover now