Amazed

24.3K 808 28
                                    

Chapter 5:

Abigail's POV:

Napakurap siya sa sinabi nito.

Ano?

Plano nitong alagaan siya?

"B-bakit?" maang tanong niya at pilit pa rin itong inaaninag.

Ilang sandali itong nanatiling tahimik sa tanong niya at feeling niya talaga nakatitig lang ito sa kanya, iniyuko niya ang ulo para itago ang pamumula ng mukha niya.

Imagination lang ba niya na nakatitig ito?

Pero bakit may feeling siyang sobrang naiilang siya?

Hindi naman kaya nag pi-feeling lang siya?

"It's because I feel responsible" sabi nito at agad siyang napatingin dito.

"A-anong ibig sabihin--"

Narinig niya ang malakas na buntong hininga nito kaya naman napatigil siya sa pagsasalita.

"I'm the one who leads the operation inside the company you were working with" sabi nito at napanganga siya.

Ito ang sumalakay sa kompanya? Ibig sabihin isa itong pulis? Kung sinabi nitong operation, ibig sabihin tlaga ay ilegal ang pinasukan niyang kompanya..

Parang biglang sumakit ang ulo niya at agad niyang nasapo ang ulo niya.

Bigla niyang naalala ang kumausap sa kanya na magtrabaho bilang hacker nito, bigla niyang naalala ang misyon na sinasabi ng kumuha sa kanya.

Kung ang lalaking nasa harap niya ngayon ay tagumpay sa misyon, ibig sabihin....

Hindi na matutuloy ang plano ng kumuha sa kanya.

Ibig sabihin...

Napasinghap siya.

"I-iyong kapatid ko!" sabi niya bigla at agad na biglang tumayo kaya naman bigla siyang nabuwal at agad na tumama ang pang upo niya sa sahig.

"God Abby!" narinig niyang sabi ni Aidan sa kanya at agad siyang inaalalayan.

Ewan niya pero parang halos walang lakas ang mga tuhod niya sa pagtayo.

"You're not well yet! What are you doing!" nagulat siya sa biglang pagtaas ng boses ni Aidan at imagination lang ba niya at parang puno ng concerned ang boses nito.

Impit siyang napatili nung bigla na lang naramdaman niyang umangat siya sa sahig, at nararamdaman niya ang matitigas na braso na bumubuhat sa kanya.

Agad ay gusto niyang umalis sa pagkakabuhat nito.

"Stay still or I will spank you" sabi nito, pakiramdam niya umakyat ang lahat ng dugo niya sa mukha sa sinabi nito.

"P-papaluin mo ako?" maang niyang tanong ng mahina, at ramdam niya ang sobrang pamumula ng mukha.

Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya, nahihiya siya na ewan niya.

Bigla kasing naimagine niya ang sarili niya na nakadapa sa mga hita nito habang nakalitaw ang puwet niya at pinapalo siya.

Hindi siya palamura pero bigla ay nagmura siya sa isip niya.

"A-anong nangyayari-- W-what is happening? Why my legs--"

"That's why I said I feel responsible of what happened to you" sabi nito, agad ay parang sinalihan siya ng takot sa narinig niya.

"W-what do you mean?" kinakabahan niyang tanong.

"Abby..." sabi nito at doon lang niya napansin na tinatawag siya nito sa palayaw na tawag sa kanya ng pamilya niya, iilan lang ang tumatawag sa kanya ng Abby.

Perfect Imperfections : AidanWhere stories live. Discover now