Wait

15.8K 633 21
                                    


Chapter 23:

Abigail's POV:

Ang kaninang ngiti niya ay biglang nawala nung nakita niyang kasama si Aidan.

At napalunok siya.

Ng sunod sunod.

Parang kilala niya ang mga bagong dating.

Mukhang ang mga magulang ni Aidan....kitang kita niya ang pagkakahawig ng mga ito.

Lalo na ang tatay nito.

May lahi ba silang mga dyosa at diyos?

Napalunok siya dahil ang ganda ng nanay nito, mukha itong bata pa at ang ganda ganda, habang ang tatay naman ng mga ito ay halos parang walang kupas ang tindig simula nung binata ito.

KIta niya ang halong featured ng mga ito kay Aidan.

Agad siyang kinabahan nung nagtama ang mga mata nila ng tatay ni Aidan.

Pero agad na naalis nung nagtama ang mga mata nila ng nanay ni Aidan.

May ere siyang nararamdaman na mababait ang mga ito pero medyo istrikto, lalo na ang tatay nito.

Napalunok siya.

Anong ginagawa ng mga magulang ni Aidan dito?

Ewan niya pero kabadong kabado siya.

Para siyang maiihi na ewan--

Akmang titingin siya kay Aidan nung bigla na lang nasa harapan na niya ang nanay nito, at tinititigan siya nito...mula ulo hanggang paa.

Nahihiya naman siyang napayuko dahil bigla ay nanliit siya, maayos naman ang suot niya dahil iyon ang binili dati ni Aidan, pero--

"So that's why..." sabi ng nanay ni Aidan at nagulat siya nung itinaas nito ang mukha niy at lalong tinitigan ang mukha niya.

"Mom, stop it" sabi ni Aidan sa magulang nito, namumula naman siya dahil ngumiti ang nanay ni Aidan nung nagtama ang mga mata nila.

"You didn't have any makeup...but look at you... you're so beautiful" sabi nito at lalo siyang namula sa hayagang papuri nito.

Narinig na naman niya ang salitang beautiful--

At bigla ang pag flash ng mga imahe nila ni Aidan habang naghahalikan silang dalawa dati, at kulang na lang ay pumunta ang lahat ng dugo niya sa mukha dahil doon.l

"Look at her, Grant, I must say our son knows how to choose--"

"Mom!" sabi ni Aidan, nung tinignan niya ito ay kita niya ang pamumula ng mukha ni Aidan.

Ha?

"Wow you're even shy about this, that's new" sabi ng nanay ni Aidan at nung binalikan siya ng tingin nito ay kumindat ito.

"You're very beautiful" sabi nito.

"T-thank you, ma'am" pulang pulang sabi niya dahil sa malapitan ay lalong maganda ang nanay nito.

"It's Mommy Anikka for you hija" sabi nito habang at nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito.

Bakit gusto nitong tawagin itong mommy?

Hija?

Teka bakit alam nito ang salitang iyon? Alam niyang nakuha ang salitang iyon ng mga pinoy sa espanyol pero bakit alam nito? MAy lahi bang espanyol ang mga ito?

Siguro?

"Mom it's embarrassing--"

"Tumigil ka diyan Aidan, gusto mong maalis tenga mo?" sabi ng nanay ni Aidan at nanlaki ang mga mata niya sa narinig.

Perfect Imperfections : AidanWhere stories live. Discover now