Link

19.2K 671 27
                                    

Chapter 14:

Abigail's POV:

Dahan dahan ang ginagawa niyang pagbaba mula sa hagdan habang nasa harapan niya si Aidan at tinutulungan siya kung paano ulit niya makukuha ang normal na balanse sa katawan.

Nung mga unang araw niya ay laging nakaalalay sa kanya si Aidan, laging hawak ang mga kamay niya o di kaya ay binubuhat siya nito.

Nung una ay wala naman siyang naging problema maliban sa konting pagkailang at pagkapahiya, pero ngayon...dahil sa nakita niyang ginagawa nito sa sarili nito ay parang hindi na lang pagkailang ang nararamdaman niya.

Parang pakiramdam niya may sinisilaban?

Bigla siyang namula nung naalala niya ang ginagawa ni Aidan sa sarili nito.

Kitang kita niya kasi ang bawat galaw ng braso at kamay nito habang nagtataas baba 'iyon' sa hawak nito.

"Careful...slowly...don't make it fast"Narinig niyang sabi ni Aidan at kahit hindi niya ito masyadong nakikita ay nararamdaman niyang sobrang lapit ng mukha nito sa kanya, iyon ay dahil nararamdaman niya ang mainit na tama ng hininga nito sa mukha niya.

At hindi lang mainit iyon, mabango pa.

Lihim niyang hinamig ang sarili.

Dalawang araw na ang nakakalipas mula nung nakita niya ito sa banyo pero hindi talaga maalis sa isip niya 'iyon'.

Kaya ang resulta, kada maririnig niya ang boses ni aidan ay biglang bigla na lang pumapasok sa imahinasyon niya ang ungol na ginagawa nito habang--

"I sometimes wonder what is happening inside that beautiful head of yours..." sabi ni Aidan at namalayan na lang niyang nakatigil na silang dalawa at hindi na siya naglalakad habang nararamdaman niya ang mainit na kamay nitong nakahawak sa mga kamay niya.

Agad siyang namula sa sinabi nito.

"Ahm--n-nothing, I was just thinking about my sister..." pagdadahilan niya at agad niyang ibinaba ang tingin at iniwas iyon dito.

Dalangin niya hindi humaba ang ilong niya sa pagsisinungaling.

Agad niyang binawi ang kamay na hawak nito, at akala nito ay gusto lang niyang huwag magpaalalay kaya binitiwan nito angmga kamay niya.

"Don't worry... she's fine" sabi nito pagkatapos ng ilang saglit.

Ngumiti siya ng tipid dahil bigla ay naalala niya ang kapatid at dahil na rin parang pakiramdam niya ay malapit na din siyang makakita ng normal at magbabalik na din sa lahat mula sa dati.

Naisip niya, ano kaya ang gagawin niya kapag bumalik na sa dati ang lahat?

Makakakuha kaya siya ng trabaho ulit na maganda ang bayad...at legal?

Naisip niya, dahil pumalapak ang ang plano ng dumukot sa kanya ay hndi na siya magagambala?

At si Aidan?

Kapag bumalik na sa dati ang lahat...makikita pa ba niya ito?

O hindi na?

Kakalimutan na siya nito?

Bigla ay hindi niya napaghandaan ang tila sa sakit sa dibdib nung naisip niyang hindi na siya magkikita ng binata.

At dahil naghulog siya sa pag iisip na hindi niya ito makikita at ang sakit ay hindi niya naalala na pababa siya sa hagdan at dahil hindi pa siya gaanong magaling ay nawalan siya ng balanse at--

"Hey watch it--!"

Tumili siya at inaasahan na niyang matatapilok siya o kaya ay diretso ang mukha niya sa sahig pero natigilan siya.

Perfect Imperfections : AidanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon