Barbarian(mild spg)

22.7K 584 5
                                    


Chapter 39:

Abigail's POV:

Agad na ibinuka ni Aidan ang mga labi niya at agad na pumasok ang basa at mainit na dila nito sa loob at agad na tinikman nito at halos kamkamin na ng buong bibig nito ang bibig niya.

Nanlaki naman ang mga mata niya sa pagkabigla at agad na inilagay niya ang kamay sa dibdib nito itinutulak ito dahil sa sobrang diin ng pagkakahalik nito, at hindi niya maialis ang katawan niya palayo dito para makalabas dahil hawak nito ang hugpungan ng seatbelt para hindi siya makaalis, ginagamit nito iyon para hindi siya makagalaw.

At hawak nito ang likod ng ulo niya, kaya nakakulong siya ngayon gamit ang seatbelt, at ang mismong matipunong katawan nito.

At dahil nakadiin ang seatbelt sa dibdib niya at biglang sinapo iyon ng isa sa kamay nito.

Malakas siyang napasinghap at impit na napatili sa lalamunan niya, hindi siya napatili dahil sa pagpanic,kungdi dahil sensitibo ang dibdib niya at dahil sa mainit nitong palad ay kumalat ang sensasyon sa kanyang katawan.

"Hahh!" habol niya sa paghinga nung saglit na pinakawalan nito ang mga labi niya, hingal na hingal siya habang ito ay walang bakas ng pagkahingal.

At nanatili ang kamay nitong nakasapo sa dibdib niya.

Sunod sunod ang lunok niya nung nakita niya ang mga mata nitong puno ng determinasyon...at apoy.

"A-aidan gusto ko nang magpahinga" sabi niya dito pero inangkin nit ulit ang labi sa isang mariin at mabilis na halik at bago siya nakareact ay umibis ito.

At sa isang iglap ay binuksan na nito ang pinto at agad na inalis ang seatbelt niya.

At bago pa siya nakapagtanong ay biglang hinila siya nito palabas at napatili siya nung biglang pinasan siya nito na parang isa itong barbaro na nakakita ng isang babae sa unang pagkakataon.

At dapat magpanic siya at matakot pero bakit parang--

Hindi ako excited! tili niya sa utak niya.

"Aidan anong ginagawa mo!" tili niya at agad siyang nagpapapalag para makawala pero impt siya napatili nung pinalo nito ang pang upo niya.

Namula siya ng husto.

"You said you want to rest" sabi lang nito.

Ibig sabihin...

"A-aidan hindi ayoko pang magpahinga!" may halong tiling sabi niya at agad niyang pinagpapalo ang likod nito.

Isa lang kasi ang ibig sabihin nito...

At bigla niyang naalala ang sinabi nitong magiging honeymoon nila.

At timing pang sinabi niyang gusto na niyang magpahinga, dahil saan ba siya mahihiga...

Kungdi sa kama...

"At hindi ka kasama!" naitiling sabi niya, pero napasinghap siya nung biglang pinalo nito ulit ang pang upo niya at natigil siya sa pagpasag dahil parang may pinalo it sa pang upo niya na parang may nakuryente sa pagkababae niya.

At nagsimulang uminit ang katawan niya.

"H-huwag mo akong paluin! Ang halay mo!" tili niya at lalo siyang nagpapalag nung binuksan na nito ang pinto ng bahay at pumasok na sila.

Sunod sunod ang lunok niya.

Kailangang mag isip siya ng paraan para makawala sa hawak nito.

Malakas na malakas ang tibok ng puso niya sa kaba...pero nandoon ang antisipasyon.

Perfect Imperfections : AidanWhere stories live. Discover now