MHSL 45

77 40 6
                                    


"Sit down Class."-saway ni Ma'am sa mga kaklase ko na mga nakatayo.

"Oh, ma'am akala ko ba free time namin ngayon. "-nagtatampong saad ng isa kong kaklase. Kakatapos lang kasi naming mag exam at lahat din ng mga projects ay tapos na naming ipasa, hindi nga naming alam kung bakit pinapapasok pa kami, e tapos na ang lahat. 

"May importante lang ako sasabihin sa inyo, kaya ako naparito."-seryosong sagot ni Ma'am, kaya naman kaming lahat ay nakatingin sa kanya ng seryoso. 

"Una, congrats sa inyong lahat, dahil nakapasa kayong lahat sa pagka-junior high school niyo, kahit na marami kayong pinagdaanan, tayo. Hiling ko lang sa inyong lahat, sana in the future, maging successful kayo sa buhay ninyo. Tandaan niyo sana yung mga sinabi ko sainyo, Mamimiss ko kayong lahat."-saad ni Ma'am saka tumalikod sa amin, at napansin pa naming nagpupunas ito ng kanyang luha. Napansin ko din na nagsisiiyakan na ang mga kaklase ko mga iba naman ay nalulungkot. Marami pala kaming pinagdaanan dito, ako.  Dito ko nakilala yung mga tunay Kong kaibigan dito ko sila nahanap. At di ko rin inaasahan na dito ko rin makikilala si Clyde. Maraming dumating sa amin na problema bilang estudyante pero nakakayanan naman, marami ding naman  naiwan na masasayang alaala,asaran, hingian ng mga papel, pulbo isama na rin natin yung liptint. Kopyhan ng assignment, sabay -sabay napapagalitan, laitan. Di umano'y magtatapos din pala sa isang araw na araw ng pamamaalam.

"WoahMalaya na din ako! Wala ng pasokWala ng teacher manenermon! "-sigaw ni Panahon na pagkalabas ng pagkalabas lang namin ng room. 

"Ingay mo. "-saway ni Daisy sa kanya. 

Ngumiti lang naman ito, napapaghalataan ko na may relasyon tong dalawang to, ayaw lang umamin. 
"Oo nga pala Clyde. May kaunting handaan lang naman sa amin, para na din sa pagdiriwang natin, ay sana makapunta ka mamaya."-sabi nito kay Clyde na katabi ko lang ngayon.

"At kung pwede sana...."-dugtong pa nito, hindi ko na narinig yung mga sumunod niyang sinabi dahil bumulong lang siya kay Clyde.  Pagkatapos niyang gawin iyon ay tumingin ito sa akin nakakainsultong ngiti at may pataas -taas pang kilay, tinarayan ko lang naman siya.  

"Pupunta ka sa kanila? "-tanong ko kay Clyde.

"Hmm, pag-iisipan ko pa. "-sagot nito sa akin. 

Tumango-tango lang naman ako. 

Kristel Pov

"Hoy! Sean sagutin mo na kasi ako!"-sigaw ko kay Sean na kanina pa umiiwas sa akin.

"Sagutin?! Nililigawan mo ko?! "-gulat na tanong nito.

"Oo. "-mabilis na sagot ko, sabay sunod-sunod na tumango.  Ako na mismo nanligaw sa kanya, diba nga inamin ko na din na may gusto ako sa kanya kaso binalewala niya lang yun pero kahit na hindi ko siya susukuan.

"Baliw ka baDapat yung lalaki nanliligaw hindi yung babae."-sagot nito sa akin.

My High School Life (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon