MHSL Prologue

870 128 71
                                    

"Wag mo nga iharang yung ilong mo sa camera!! Ang laki-laki kasi ng ilong."-sabi ko kay Eduardo pano ba naman kasi yung ilong niya hinaharang sa camera ng cellphone ko di tuloy kami makita.

"Laki lang laki-laki iba na yun. Saka inaano ba kayo ng ilong ko?!"-sabi nya

"Dalian mo na! Ang tagal kasi dami pang sinasabi!!!"-sabi naman ni kristel

"Edi kayo ng humawak dito reklamo kayo ng reklamo diyan.dahil sa ilong ko."-Eduardo

"Reklamo. lang reklamo ng reklamo iba na yun eh."-sabi naman ni Arianne

"Anak kayo ng nanay niyo tumigil na nga kayo sa mga ganyan!! Ang dami niyong alam!!" Sigaw ko sa kanila taena kanina pa kami ganito hindi pa din kami matapos sa ganito.

"Syempre nag-aaral kami!!"-sabay-sabay nilang sabi

"Weh? Ang tanong nag-aaral bang mabuti?"-sabi ko sakanila hindi naman sila sumagot.

"Tama! Na nga yan dalian mo na Eduardo nakakangawit na ding ngumiti oh!!"-sabi ni Kristel

"Oo na ito na."-sabi ni Eduardo pipindutin na sana ni Eduardo yung capture dun sa cellphone ng magsalita si Kristel.

"Hoy! Nicole hindi pa wacky pero naka wacky na yang pagmumukha mo"

Lahat kami tumawa pwera lang kay Nicole pagkatapos ng isang oras de joke lang ilang minuto naka selfie na din kami. Tinignan namin yung mga pagmumukha namin at iba't-iba na naman reaction namin ng makita namin yung pagmumukha namin.

"Ano ba yan ang itim ko diyan."-komento ni Nicole sa kanyang mukha.

" Maputi ka ba?"-sagot ni Kristel

"Nagsasabi lang naman ng totoo yung camera."-sagot naman ni Eduardo

"Bakit? Nagsasalita na ba yung camera?"-sagot ni Nicole

"Ibig kong sabihin nagpapakatotoo lang yung camera kung ano talaga yung mukha mo."-paglilinaw ni Eduardo

"I edit mo! muka akong inaantok diyan!"-sabi ni Arianne

"Nabubuhay sa edit arianne."sagot ko.

"Oh isa pa ayusin niyo na kasi pagmumukha ninyo para di kayo reklamo ng reklamo diyan."-Eduardo habang naghahanap ng kung anong mailagay sa mukha namin napindot ni Eduardo yung pusa at umano naman ito sa mga pagmumukha namin.

"Wag yan mga muka tayong pusang gala diyan!"-pagrereklamo ni Kristel

"Cute nga natin diyan eh."-sagot naman ni Nicole

"Ang tunay na maganda hindi kumakapit sa filter noh!"-sagot naman ni Kristel

"Bakit maganda kaba?"-sagot naman sa kanya ni Nicole hindi nalang pinansin ni Kristel yung sinabi ni Nicole at bagkus ay tumingin nalang ito sa camera.

At ayun na nga natapos na ang photoshoot namin de joke lang yung pagseselfie namin at nandito kami ngayon sa carinderia kumakain dito kami nakaupo sa upang gawa sa bato at lamesa basta may ganun. At habang kumakain walang tigil ang aming bunganga sa kakaputak dahil sa pagkwekwento namin tungkol sa mga kaklase naming mga siraulo at ang mga teacher.

"Alam nyo tingin ko talaga yung president natin saka vice president natin may tinatagong relasyon talagang mga yon!."-kwento ni Kristel

"Napaka tsismosa mo talaga."-Nicole

My High School Life (Completed)Where stories live. Discover now